NAPANGISI siya pagkaalis na pagkaalis ni Ashley, “Loser talaga!” saka siya nag-alcohol ng kanyang kamay. “Ayokong mahawa sa pagiging uto-uto niya.” Mayamaya, dumating ang tatlong sossy at naupo sa upuang bakante sa harap ng pwesto niya. “Nandito ka lang pala.” wika ni Donna, napangiti naman siya rito at tinaasan niya pa ng kilay. “Mukhang mission accomplished ka ha?” nakangiting biro naman ni Daisy. “Oo nga.” Sabat naman ni Princess at itinapat ang camera sa kanya, “Isang ngiting tagumpay naman diyan.” Agad naman siyang ngumiti at kinuhanan ni Princess ng picture. Sabay-sabay pa silang napangiti sa isa’t isa. PAGKATAPOS maglaro ng team pula sa sepak male game, tuwang-tuwa ang mga ito dahil sila ang nanalo. “Pupunta kami sa canteen, join us para naman makapag-celebrate tayo.” Aya n

