Chapter 48: Good night!

1874 Words

PAGKATAPOS nilang mag-dinner, pumunta sila sa sala upang mag-movie marathon. Naupo sila sa sofa, nasa gitna ng dalawa si Ashley. Habang nanonood sila, “Ate, p’wede ba akong magtanong?” tanong ni Mae, napabaling ng tingin si Ashley sa kanya. “Sure, ano ba iyon?” tanong naman ni Ashley sa tanong nito, medyo napaisip pa siya sa gustong itanong ni Mae sa kanya habang si Lexter naman ay seryosong-seryoso sa panonood. “Ano bang nagustuhan mo sa kuya ko?” mahinang tanong ni Mae, medyo nagulat naman si Ashley sa tinanong nito. “Bakit mo siya sinagot?” sunod pa niyang tanong. “Hmm… ano kasi…” nahihiya pa si Ashley na sagutin ang tanong ni Mae at napatingin siya kay Lexter na nakatutok sa television. “Mabait kasi ‘yong kuya mo ‘tapos sobrang understanding pa.” mahinang pag-e-explain ni Ashley

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD