Daryl Batuigas The Wild Bait - Chapter 13

2065 Words
DARRYL "PASENSIYA ka na sa hinanda ko para sa inyong dalawa, Monica. Hindi ko naman kasi alam na pupunta kayo rito. Wala man lang kasing pasabi 'tong batang 'to," sabi ng step mom ni Monica. Kung bibilangin ko lang kanina pa ito walang humpay na humihingi ng pasensiya dahil nga sa hindi pagsabi ni Monica na dadalaw kami rito. "Katulad na lang din sa hindi niya pagsabi sa akin na nag-asawa na pala siya. Hindi man lang ako inimbita sa kasal niyong dalawa," may himig pagtatampo sa boses nito. Nagkatinginan kami ni Monica nang mabilis— agad din naman nitong binawi at binaling sa ginang. "Wala naman kasing gaanong selebrasyon, Tita. Simple lang ang kasal namin ni Darryl, 'di ba, Babe?" baling nito sa akin. Ngumiti ako at tumango-tango. "Opo, Ma'am. Wala naman espesyal sa pagpapakasal namin ni Monica. Madalian lang po ang lahat." "Anong ma'am? Tita, tita ang tawag sa akin ni Monica. Parang anak ko na rin ang batang 'to kaya gugustuhin ko kung iyon na rin ang itawag mo sa akin, Hijo." Muli kaming nagkatinginan ni Monica. Sa tingin ko sa kaniya humihingi ako ng permiso na kung pwedi ba ang sinasabi ng madrasta nito at sa tingin niya sa akin nandoon naman ang pagpayag. "It's my pleasure, T-tita." "Huwag ka na mahiya kay tita, Babe," ani naman sa akin ni Monica. Ngumiti na lang ako sa kaniya para sabihing sang-ayon din naman ako sa gustong mangyari nito. Para sa akin parang napakasarap pakinggan ang tawag nitong babe sa akin. Pero alam kung parte lang iyon ng pagkukunwari naming dalawa. Hindi ako dapat mag-assume ng mas hihigit pa r'on. "Enjoy your meal mga anak." "We are, Tita. Right, Babe?" "Masarap ang pagkain, Tita. Magaling pala kayong magluto." "Kaya nga siguro nagustuhan ako ng daddy ni Monica. Nakuha ko ang timpla na gusto nilang mag-ama." Tumawa nang malakas si Monica matapos itong sabihin ng tita niya. Parang musika lang kung papakinggan ang tawa nito. Iniwas ko ang tingin ko nang mapansin kong nakatingin ito sa akin. "Nakakatawa ka talaga, Tita." "Ang isa sa ugali kong nagustuhan ng daddy mo." "True. That's why I'm still thankful to you kasi isa ka sa nagbigay ng ngiti sa daddy ko. Salamat po." "Ako ang lubos na nagpapasalamat sa iyo dahil sa pagtanggap mo sa akin, Monica. Baka naman magkaiyakan pa tayo dito, nakakahiya naman kay Darryl." "I already told him everything, Tita. Wala kayong dapat ipag-alala dahil wala naman akong tinatago kay Darryl." "Salamat naman at nakatagpo ka ng lalaking makakasama mo habang nabubuhay ka, Monica. Masaya ako para sa 'yo, Hija." "Thanks, Tita. But it doesn't mean na hahayaan na kita sa ilang aktibidades mo ha. Marami pa rin tayong pag-uusapan." Tumawa ito ganoon din si Monica. Nakikita ko sa kanila kung gaano sila kalapit sa isa't isa; kung hindi mo siguro sila kilala iisipin mong mag-ina silang dalawa. "Kumain ka, Darryl. Mukhang walang bawas yata iyang pagkain mo ha." "Huwag niyo akong intindihin, Tita. Okay lang ako. Busog na rin." "Hindi. Hangga't may pagkain, kain ka lang, Hijo." "Tita's right, Babe. At hindi ka rin naman tatantanan niyan hangga't hindi ka kumain nang kumain." "May mamaya pa naman, hindi rin naman tayo nagmamadaling umuwi hindi ba? Mauubos natin mamaya 'to for sure," nakangiti kong tugon kay Monica. "By the way, Tita. May pag-uusapan tayo pagkatapos natin kumain ha." "Tungkol saan, Hija?" "You already know. If what it is, Tita." "Alam ba ni Darryl ang tungkol dito, Monica?" Nilingon ako ni Monica. Sabay na tumango-tangong nakangiti sa ginang. "As I said, while ago. Wala naman ho akong tinatago kay Darryl. But I want to discuss things with you lang. Iba pa rin kasi na sa iyo ko lang ipapaintindi ang ibang bagay na kailangan." "It's okay, Hija. Nakakahiya naman sa asawa mo ang kapalpakang dala ko sa buhay niyong dalawa. "Darryl know how to understand everything. Your secret is also safe with him. Hindi naman siya iyong tipo na ipapahamak iyong mga bagay-bagay na dapat sa ating dalawa lang." "Para siya iyong daddy mo, Monica." "Sort of, Tita." Muli akong sinulyapan ni Monica na may maluwag na ngiti sa labi nito. Ang awkward man para sa akin na pinag-uusapan nila sa harap ko, pero nandoon iyong saya that Monica appreciate me; kahit sa maikling sandaling magkasama kaming dalawa bilang pekeng mag-asawa. "Sasabihin mo ba sa tita mo ang tungkol sa atin?" tanong ko kay Monica nang mapagsolo kaming dalawa. "No, Dar. Tita don't have to know everything as early as this. Sasabihin ko lang sa kaniya na hindi na siya dapat mamroblema. Ayaw ko rin kasi na nag-iisip pa siya tungkol sa gulong pinasok niya. I want to set her free, about those things." "Nasa likod mo lang, Monica. Sigurado naman na matutuwa ang tita mo sa ipapaalam mo ngayon eh— for sure iyon." "Oo nga eh. Kahit naman alam niyang hindi ko siya kayang pababayaan. Matutuwa rin ako kapag natuwa si tita." "Masaya ako para sa iyo, Monica." "And, it's because of your help too, Darryl. Salamat." "Halika na kayo rito sa sala. Hayaan niyo na iyang pinagkainan diyan," untag sa amin ni tita. Sabay naman kaming lumingon ni Monica sa gawi nito. "Tara na. Tapos ka na ba?" "Oo. Tapos na. Mag-uusap na ba kayo?" "Oo sana eh. Okay lang ba kung manuod ka muna ng T.V or movie?" "Huwag mo ko intindihin. Okay lang ako. Sigi na. Gusto kong mag-usap na kayo ni tita. To make things done." "Sigi. Sa veranda na lang siguro kami para hindi ka na rin mainip sa kahihintay. But for sure sandali lang naman 'to, sasabihin ko lang naman sa kaniya na hindi na siya dapat mag-alala." "It's okay, Monica. Maghihintay ako, kahit gaano man iyan katagal." "Salamat ulit." Hinayaan kong magpatiuna sa paglalakad si Monica. Nilapitan nito ang tita niyang nakaupo sa may sofa nila at tulad ng sinabi sa akin ni Monica ay niyaya niya ito sa veranda para makapag-usap silang dalawa. "Feel at home, Darryl ha. Huwag kang mahiya. Bahay rin 'to Monica kaya you have to feel free." "Masusunod po, Tita," nakangiti kong tugon sa bilin nito pagkatapos nagmadali nang sundan sa labas si Monica bitbit ang ash tray na nasa round table. MONICA "NAGYOYOSI ka pa rin pala, Tita?" bungad na tanong ko kay tita nang sundan ako nito sa veranda. May dala-dala itong ash tray at isang sigarilyong hindi pa nasindihan. "Pang tanggal stress lang, Hija," sagot nito sa akin habang umupo paharap sa gawi ko. "Hindi naman stress ang dala namin ni Darryl dito sa bahay 'di ba?" "Of course not, Monica! Ito naman masaya nga ako't nandito kayong dalawa ni Darryl sa bahay. Na-mi-miss rin naman kita, Hija. Huli nating pagkikita ay noong may dala pa akong problema sa iyo." Natawa na lamang ako sa narinig ko mula rito. Ang hindi niya alam ay may kaugnayan din naman ang pagpunta namin ngayon sa huli naming pag-uusap noon. "Well! Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Tita. Wala ka nang dapat problemahin dahil solve na iyong problema mo. Nakagawa na ako ng paraan." Pagkagulat ang nakita kong reaksyon sa mga mata nito. "Iyong limang milyon ba ang tinutukoy mo, Monica? Paano? Saan ka kumuha ng ganoon kalaking perang bata ka?" "Tita, hindi kita pweding pabayaan— hindi lang dahil bahay ni daddy iyong nakataya doon kun 'di dahil na rin sa lahat ng nagawa mo sa aming mag-ama." "Pero, Monica. Hindi mo kailangan gawin iyon. Pwedi naman akong magpakulong, Hija. Huwag ka lang maipit sa ganitong sitwasyon." "Tita, I'm fine. Okay na siya. Nasa maayos na ang lahat, walang iligal, walang naging problema." "Pero paano? Hindi biro ang limang milyon, Monica." "May mana ako kay lola at soonest makukuha ko na siya. Solve na iyong problema mo, ako na ang bahala doon." "Oh, Monica. Hindi ko akalain na gagawin mo ang lahat ng 'to para sa akin. Nagpapasalamat ako ng lubos sa iyo, Hija. Malaking bagay sa akin 'to. Salamat, Anak." Ramdam ko kung gaano ka-sincere ang pagpapasalamat sa akin ni tita. Kaya kahit papano naging masaya na rin ako sa desisyon kong tulungan ito ng hindi nagdadalawang-isip. Mahal ko si tita, kung ano siguro iyon nararamdaman kong pagmamahal kay mommy noon ay gano'n din ang pagmamahal na naramdaman ko sa kaniya ngayon. Isa pa siya na lang ang mayroon ako, kapag hinayaan ko pa siyang makulong o maligaw ang landas dahil sa nangyari kay daddy ay baka mahirapan akong kayanin pa. "But, Tita ha. After this, lumubay ka na muna sa kahit na ano'ng maglalagay sa iyo sa alanganin. If you miss daddy, pwedi mo naman akong dalawin or mag-travel ka para naman maiwasan mo na mag-casino," pakiusap ko rito. "Walang magandang maidudulot, tita. At kahit na nabubuhay si daddy, ganoon din naman sasabihin niya sa iyo eh. If you can stop, Tita.. just stop. Para sa iyo iyon, hindi naman para sa akin." "Kahit na hindi mo sabihin, Hija. Nakapagdesisyon na rin naman akong hindi na mauulit. Hindi na kita ulit dadalhin sa sitwasyong maiipit ka." Napangiti ako sa sinabi nito sa akin. Buo ang tiwala ko kay tita, na alam kong kapag sinabi nito ay tutuparin nito. Sa ngayon alam kong wala na akong dapat ipag-alala, nasa maayos na ang lahat siguro dahil ginagabayan din ako ni daddy para matapos na ang lahat ng dinadala ko ganoon din ng pangalawang inang tumayo sa akin. "Stop that yosi too, Tita. Walang magandang maidudulot sa iyo iyan. Kapag ikaw minulto ni daddy, bahala ka." Timawa ito ganoon din ako. Sabay na tinapon ang upos ng sigarilyo sa ash tray na nasa harap niya. "Wala nang dahilan. I'm not stress anymore, dahil sa iyo, Monica. Thank you, ang swerte ng daddy at mommy mo sa iyo at mas maswerte ako sa lahat ng madrasta na ikaw ang naging pangalawang anak ko." Nagbaba ang tingin ko sa kamay kong hawak niya. Ang hindi alam ni tita, maswerte din ako dahil mayroon akong siya. Na kahit iniwan ako ni mom at dad ng maaga— may isang taong piniling manatili sa tabi ko despite of everything. Actually, pwedi naman siyang bumalik sa lugar nila, na pwedi naman niya akong iwan mag-isa but she chose to stay kaya maswerte din ako sa pangalawang babaeng minahal ng daddy ko. "Baka mag-iyakan pa tayo," biro ko rito. "Ang mabuti pa puntahan mo na si Darryl, at ihahanda ko ang meryenda natin." "Kakakain lang natin, tita." "Dito na kayo magpalipas ng gabi ha. Hindi ako papayag na umuwi kayong dalawa. "P-pero, Tita." "No buts, Monica. Gusto mo bang multuhin ka ng daddy mo kapag tumanggi ka?" "Tita naman oh." "Sige na, hija. Kahit ngayon lang, pagbigyan mo na ako." Bigla akong napaisip sa gustong mangyari ni tita. Posible kasing iisang kuwarto lang ang magiging silid namin ni Darryl kapag nangyari iyon. "Sige na ha. Puntahan mo na si Darryl at maghahanda ako ng masarap na paborito mong turon." Hindi na ako nakatanggi sa kaniya hanggang sa pumasok na ito sa bahay. Napabuntong-hininga na lang ako sa isipin kung paano ngang ipagpilitan nito na dito kami magpapalipas ng gabi ni Darryl. "Are you okay?" untag sa akin ni Darryl. Hindi ko namalayan na nakatayo na pala ito sa may pinto. "Sorry. Naistorbo yata kita, ang sabi ka sa akin ni tita tapos na raw kayo mag-usap; yayain daw kita sa loob." "Nothing to worry about, Darryl. I'm fine. May iniisip lang." "Kamusta? Naging okay ba?" "Oo. Masaya na siya at wala na siyang dapat problemahin pa." "Mabuti naman. Halika na sa loob, mukhang mainit na rito. Gusto mo ba ng tubig? Ikukuha kita." Tumayo ako't pumunta sa gawi nito. "Nahirapan lang ako sa request niya." "Request?" "Dito raw tayo magpalipas ng gabi ngayon." "Anong mahirap don? May trabaho ka ba bukas? Kaya ko naman i pag drive ka ng maaga, Monica." "Hindi naman tungkol doon. Isa lang kasi ang magiging ibig sabihin since ang alam ni tita mag-asawa nga talaga tayo, it means isang silid ang paglilipasan natin ng gabi, Darryl," halos pabulong kong tugon sa kaniya. "Pwedi naman ako sa sofa. Hindi mo dapat pinoproblema." Tiningnan ko siya sa mga mata niya at agad ko ring binawi ito nang sa mga tingin niya nakabuo na agad siya ng desisyon at iyon ang pagpayag sa gustong mangyari ni tita. "You're safe, Monica. You don't have to worry about." Narinig ko pa sa kaniya nang magpatiuna ako ng paglalakad.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD