Skyler POV
Hindi na ako bumaba ng kotse ko. I'm waiting for Shanice. Nandito ako sa labas ng bahay nila. Sinundo ko siya dahil ayokong mag-drive pa siya. Wala naman akong ginagawa.
I don't know why I need to be this kind of protective to her. She's been a good friend of mine. Yeah, maybe others thinks that we have this kind of set-up like friends with benefits. But no. I admit, we make out. Pero 'pag nakakainom lang kami. And one time lang may nangyari sa'men sexually. Hindi na yun naulit. I respect her at alam niya kung hanggang saan ang limitation namin sa isa't isa.
"Sky!"
Tumingin ako sa car window and there she is, wearing a sexy outfit.
Sumakay na siya sa kotse ko. "Too revealing. Tch."
"Sus! Concern ka? Sky talaga. Tigilan mo na 'yang pagiging sweet and protective sa'ken. Lalo kasi kitang minamahal. Mahirap na baka 'di na ako maka-ahon. Sige ka."
Natawa ako. We're comfortable with each other. Walang hiya, walang ilangan. Sanay na din ako sa pagiging kalog niya and that's one thing I like about her. Being jolly at all times.
"Ready na akong sabihin ang lahat kay Chy." Sabi niya.
Sumeryoso ako. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ni Hera 'pag nalaman niya ang tungkol sa'men ni Shanice. Ayoko namang masira ang friendship nila nang dahil sa'ken.
"It's up to you. Pero alam mong ayokong mag-aaway kayo. I'll talk to her, too."
"Ako nalang muna ha? Bukas ka nalang. Sa inyo ako tutulog mamaya. So magdamag kong iku-kwento lahat-lahat kay Chylee."
Tumango-tango ako. "Okay."
"Hm, si Riana ba pupunta sa party mamaya? Aha! Oo naman, siya pa ba ang mawala. Excited ka 'no?" Tumatawang tanong ni Shanice.
I know na sa kabila ng pagtawa niya, alam kong nasasaktan siya. She loves me. At tanggap naman niya na si Riana ang mahal ko.
"Yeah." Sagot ko nalang.
Una palang ayoko ng masaktan si Shanice pero siya ang mapilit. She begged na hayaan lang siyang mahalin ako. Na hindi siya maghahangad ng kapalit. Pumayag ako kaya hanggang ngayon, we're in good terms as friends.
"So may possibility na maging kayo na? So kelangan ko na yatang lumayo sa'yo, Sky? Baka kase mag-act ako as jealous girlfriend kahit 'di mo naman ako girlfriend. Ha-ha!"
"Tch."
"Oh, wag ka ng magsungit. Nababawasan ang ka-gwapuhan ko. Sige ka. Baka ma-basted ka mamaya."
"Wag ka ngang magbiro ng ganyan. Honestly, I'm nervous."
"Wag kang kabahan, Sky. Maging confident ka. Ikaw pa ba, aayawan ni Riana? Bukod sa gwapo, mabait, responsible at super duper best twin ever, ideal man ka! Kaya ewan, ang tanga nalang ni Riana 'pag pinalampas ka niya."
Hindi na ako sumagot. Yes, for Shanice, I'm an ideal man but for Riana? I don't know. I have no idea.
--
Riana POV
Kararating lang namin dito sa Shin-woo mansion at lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko.
Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kay Sky na hindi ako tumupad sa pangako ko. Ano kayang magiging reaksyon niya?
I love my boyfriend. Matagal ko na syang gusto. Sa tuwing tatawag siya saken noon, kinikilig ako. Si Dave Morales. Classmate ko sa SWU. Closest friend ko.
One year na kami at masaya kami sa isa't isa. Mahalaga din naman sa'ken si Sky pero mas mahalaga ang lalaking mahal ko.
Sinalubong kami kanina nina Tito Kyle at Tita Chelsea. Wala pa dito si Skyler. Nakaupo lang ako dito sa isa sa mesa. Kinakabahan kase ako.
Napatingin ako sa gilid nang mapansin kong nagka-ingay.
Si...Skyler. Dumating na. Hindi ko alam ang mararamdaman ko pero mas gwapo sya ngayon. Nakakalula ang ka-gwapuhan. Para siyang demigod. Ang perfect niyang tingnan.
Kausap niya ang mga Tito tigers namin kaya nagkaingay.
Maya-maya, nagtama ang mga mata namin. Kumabog ang dibdib ko. Lalo na nung ngumiti siya at mukhang nagpaalam na sa mga tito tigers namin. Lalapit na siya sa'ken.
Konti nalang..
"Riana.."
Oh my god. I don't know what to say. Ang lakas ng dating niya. Nakaka-laglag panga ang ka-gwapuhan niya pag malapitan.
He's still smiling at me. "Na-miss kita." Sabi niya kasunod niyon ay ang mahigpit niyang pagyakap sa'ken.
Yung puso ko bakit ganito mag-react? Kahit kelan di ko pa 'to naramdaman. Tipong kumakabog ng matindi ang blood vessels ko.
"Na-miss din kita Skyler." Sagot ko.
Wala naman akong dapat itanong tulad ng musta ang US? Ano ng nangyari sayo. Kase updated ako sa kanya dahil madalas kaming ma-chat at mag-skype.
"Riana, I have something to tell you."
Shems. Eto na ba 'yun? Yung about sa promise namin sa isa't isa bago siya umalis five years ago?
"Ah, ano 'yun Skyler?"
"Dun tayo."
Hinila niya ako sa may garden. May bench dito. Naupo ako. Tumabi sa'ken si Skyler. Yung kaba ko di pa rin nawawala.
"Riana.."
"Skyler?"
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Remember our promises to each other five years ago?"
Eto na nga 'yun. Anong sasabihin ko sa kanya? "Skyler.."
"I want you to be my girlfriend, Riana."
Girlfriend. Shems. "Skyler.."
"Alam ko masyado akong mabilis pero limang taon ang tiniis ko. Kahit nung nasa US ako, gustong-gusto ko na 'tong sabihin sa'yo kahit via skype lang pero mas pinili kong personal nalang. Mahal kita Riana. Hindi bilang kababata kundi bilang babae. I love you and I want you to be my girlfriend. Please say yes?"
Kusang tumulo ang luha ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Mahal niya talaga ako as woman. "Skyler.."
"Why are you crying? Nabigla ba kita? I'm sorry. But I really love you, Riana. Noon pa man. Bata palang tayo, ramdam ko na dito sa puso ko na para sa'ken ka."
Lalo akong naiyak. He's serious. He loves me pero hindi ko 'yun kayang suklian. Love for friend or brother lang ang kaya kong ibigay sa kanya.
"Skyler.."
"Just say yes, Riana."
"But, I love someone else." Matatag kong sagot.
Napatayo si Skyler at nakaharap sa'ken. "What?"
"M-may boyfriend ako, Skyler.."
"Fvck! What? No. You're kidding. Wala ka namang na-kwento sa'ken sa skype o sa chat!"
"No, Skyler. Wala nga akong na-kwento sayo kase mas pinili kong hindi sabihin sa'yo. One year na akong may boyfriend and I love him.." Patuloy ako sa pag-iyak.
Hindi ko intensyon na saktan si Skyler. Hindi ko intensyon na hindi masuklian ang pagmamahal niya para sa'ken.
"Fvck! You made a promise, Riana. That you'll stay single until I came back! Damn it!"
"Skyler..noon ko pa siya gusto. Hindi kapa umaalis, gusto ko na siya.."
"Who's that fvcking guy."
"Dave Morales. Classmate ko siya."
Napakislot ako nang sumuntok si Skyler sa bench.
"FVCK! Why are you doing this to me, Riana!"
"Skyler, sorry.."
"So, I'm basted? Fvck."
"Skyler we can be friends pa rin naman 'di ba? Kababata.."
"No! Fvcking no! Sa tingin mo kaya kitang tingnan bilang kaibigan lang? Bilang kababata lang? Bata palang ako, naka-set na sa isip ko na kailangan kitang protektahan at mahalin kase ikaw ang nakatadhana sa'ken! Hell, I'm wrong!"
Hinawakan ko siya sa braso niya. "Skyler, sorry.." Umiiyak na sabi ko.
"You know what, Riana? I have love you since day one. Since the day I met you. Tiniis ko ang lahat. Hindi ako nagmadali because I know we're too young. Limang taon akong lumayo, nagtiis, nakaya ko 'yun dahil ginawa kong motivation ang goal ko na pagbalik ko dito, magiging tayo na. Handa na akong pangatawanan ka. Handa na akong panindigan ang nararamdaman ko sa'yo. Handa na akong maging boyfriend mo dahil dalaga ka na at hindi na bata. Hinintay ko 'to, Riana! Naghintay ako!"
Tuloy-tuloy lang sa pagtulo ang luha ko. Nasasaktan ako para kay Skyler. "Sky.."
"I can't believe this. Fvcking hell! Basted ako. Right? Basted. May mahal palang iba ang babaeng mahal ko. Huli na pala ako. You should've told me para umuwi ako ng mas maaga!"
"No, Skyler. Hindi ganyan. Mahal ko si Dave. Hindi 'yun naka-depende sa tagal mo sa US. Kundi sa sinasabi ng puso ko.."
"Fvck that heart of yours!"
Hindi ko na ma-kontrol si Skyler. He really looks mad. And he's crying.
"Skyler.."
"I love you, Riana. But you broke my heart."
"Skyler.."
"You love that guy? Okay. I promise that you won't see this face ever again."
Lalo akong naiyak sa sinabi nya. "No, Skyler..no!"
"What? You have boyfriend. Bakit pa ako didikit sa'yo?"
"Skyler.."
"I also want to cut our communications. I'm going inside. Enjoy the party."
Lalayo na sana siya nang hawakan ko sya sa braso nya para pigilan. "Don't do this, Skyler.."
"Ano? What do you want? Mag-stay ako sayo? Mahalin ka pa rin kahit may iba kang mahal? May boyfriend kang tao, Riana! Ayokong maging dahilan ng pag-aaway niyo."
"Skyler, please.."
"Sorry, Riana. But I can't be your friend anymore."
Binitawan na niya ako at nag-walk-out. Napahagulhol ako lalo. Ang sakit sakit na ganito ang kinahantungan namin.
Mahal nya talaga ako. Pero may borfriend ako na mahal ko. At ngayon ayaw na niyang magkaroon kami ng koneksyon sa isa't isa.
Bakit ang bigat sa loob ko. Ang hirap. Ang sakit. Di ko yata kaya? Di ko alam. Si Skyler..hindi siya ang klase ng tao na basta basta lang. Hindi ko sya kayang mawala. Hindi..