Riana POV HINDI ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ngayon. Kung magagalit ba ako, maiinis, matatakot o kakabahan dahil magkikita kami ni Shanice. Tatlong araw na ang lumipas mula nang puntahan ko si Sky sa ospital at hanggang ngayon ay dinadamdam ko pa din ang pagtrato niya sa akin at pagpapaalis. Kagagaling ko lang sa school at tinawagan ako ni Shanice na magkita raw kami sa isang coffee shop. Sinend naman niya sa akin ang address. Hindi dapat ako makikipagkita sa kaniya pero naisip ko na dapat ko siyang harapin. Gusto kong sa pagkakataong ito, ako naman ang matapang at ako naman ang hindi naaapi. Kahit papaano, gusto kong maipaghiganti man lang ang sarili ko. Tulad ng sabi ni Chylee, kasalanan din ng pagiging mabait ko kaya ako inaapi-api ng ibang tao. Kaya this time, hindi n

