Ngayon, si Aurora na siguro ang pinaka-malas sa buong mundo.
Joke.
Hindi pala 'to bago sa kanya.
Nandyan rin siya noon sa waiting shed na 'yan two years ago. Mas maaga nga lang siya ngayon kumpara noon. Pero here she is, again. Dala-dala ang sarili niya at ang kanyang mga lumang maleta na may mga pinta niya pa. Malaking tulong rin pala ang ugali niyang maipon sa mga gamit dahil kung hindi, plastic lang ang dala niya ngayon. Ang pinagkaiba rin noon, ngayon may susuotin siya kinabukasan at may kaunting barya sa bulsa. Wala siyang choice noon kung hindi umuwi. Wala siyang kakainin.
At ngayon, wala na siyang mauuwian.
Kung mamatay man siya sa gutom, bahala na.
"Shet!" daing niya nang pumatay ang phone niya bago pa niya ito mabuksan. Sinubukan niyang buksan ulit pero wala na talaga. Pati ang phone niya sinukuan siya. "Tangina naman talaga o," she cried. May singkwenta pesos na lang siya sa bulsa. Walang convenient store kahit saan, wala rin mga tindahan, o kahit saan na p'wede magcharge. Madilim din sa buong paligid. Walang kahit isang tao para makitext siya. Wala ring masasakyan, kung mayroon, saan naman siya pupunta?
Pagod na nga siya dahil panay ang lakad niya buong araw. Hindi pa nakatulog ng maayos kagabi. Gusto niya na lang talaga mahiga ngayon.
P'wede ba mahiga sa sahig? P'wede ba dito na lang matulog?
Sana man lang napaghandaan niya na mangyayari ‘to. Kung alam niya lang talaga hindi na lang niya sinayang ang oras niya kagabi kakaiyak sa mga walang k’wentang dahilan.
Tila hindi pa rin makatotohanan sa kanya ang lahat nang pangyayari. Hindi pa rin siya makapaniwala na nasa labas siya dala ang mga gamit niya. Lahat. f**k. She did not check kung umalis ba talaga o nasa loob lang siguro ng bahay at nagtatago. Baka jinojoke time lang siya? Di ba?
Pero s'yempre, sino bang niloloko niya? Alam niyang kayang gawin sa kanya 'to ng nanay niya.
Wala siyang kahit anong alam kung saan maaring magpunta ang nanay niya. Iniisip niya na baka may nabanggit ang ito pero puro sigaw lang ang naalala niya.
May nakakaalam kaya ng sitwasyon niya ngayon?
Dalawa? Tatlo? Mga ilang oras na rin siya nakatulala sa kalsada. Nagiging kulay asul na rin ang langit. Ilang oras na ang nakakalipas pero ni isa walang solusyon na pumasok sa utak niya. Kahit paraan para makaalis kung nasan man siya ngayon. Pigang-piga na siya.
Gustong-gusto niya magalit sa nanay niya. Paano niya nagawang iwan sa labas ang anak niya? Paano niya nailigpit ang mga gamit niya at ilagay sa maleta pagkatapos ay iwan sa may pinto ng bahay nila. Alam niyang walang mapupuntahan si Aurora. Kaya bakit? Pa’no niya nasikmura? Paano
Pagod na pagod na siya.
Pagod na ako.
"A!" sigaw mula sa malayo, " Oy, A!" Pagkalingon niya, ang bigat ng ulo niya, nandoon ang best friend niya. Akay-akay ng isang lalaki.
Si Mia? Ah, oo nga pala. Lumipat pala ito ng condo. Isang sakay lang mula rito. Bakit ba hindi niya naisip 'yun? Masiyadong kulob ang utak niya. Nakalimutan niya lahat.
Finally.
It was a comfort to see her drunk best friend walking toward her. A light in her darkest room. She was all lost. Hopeless. She finally have a place to go. Parang nagsusumbong na bata si Aurora nang makita ang kaibigan. Kanina walang mailabas na reaksyon ang muka niya pero ngayon. Sunod-sunod ang pagpatak ng luha niya. Halos itulak ni Mia ang kasamang lalaki para mayakap si Aurora.
Sobrang higpit ng yakap nito. Umaalingasaw ang amoy ng alak. Naririnig niya na lang na humahagulgol rin ang kaibigan.
"’ina mo ka." mura ang natanggap niya sa nagaalalang kaibigan. Natawa ang lalaking kasama. Sino bang hindi? Muka silang tanga na umiiyak ngayong madaling araw. Ang hapdi na ng ilong niya kakasinghot. "Tara na. Tara na." yaya ni Mia, sumisinghot rin. Hihilain pa sana nang kaibigan ang mga maleta niya pero iniwas niya agad. Hindi na nga siya makatayo nang maayos dahil sa kalasingan bubuhatin pa ang gamit niya.
Naglakad sila papunta sa condo ni Mia dahil walang masakyan. Medyo malayo-layo pero ayos lang naman sa kanya. Basta may mapupuntahan siya.
Hindi niya alam kung bakit nandito ang kaibigan at paano niya ito nahanap pero wala na siyang lakas para tanungin ito. Walang pumapasok sa utak niya sa mga oras na 'to. Gusto niya lang na talaga mahiga. Tsaka lasing ang kaibigan. Tumitirik na ang mga mata.
"Ang layo naman! Ayoko na." reklamo ni Mia pero patuoy pa rin sapaglalakad, "pahinging jeep. Jeep pahingi. Gagapang na ako rito—ay, ayun. Hoy, JEEP!" may padaan ngang jeep. Umaga na pala. Haharangin sana ni Mia ang jeep kung hindi lang naawat ng kasama.
"Akala mo hindi parte ng Maynila. Walang masakyan? Probinsya lang?" aniya pagkatungtong ng jeep. Buti na lang sila pa lang ang unang pasada.
Bagsak si Mia sa higaan niya pagkarating na pagkarating. Hindi na tumaas ang lalaking kasama nila na pinagpasalamat niya sa loob niya. Kilala niya si Mia. Paniguradong hindi niya na ulit 'yun makikita. Hinayaan niya na lang ang lasing na kaibigan na magpahinga. Kahit sumusuko na rin ang mata ni Aurora hindi niya magawang mahiga. Natatakot na kapag humiga siya ay matutula at lalamunin ng isip niya.
Sinagad niya na lahat ng natitira niyang enerhiya sa paglilinis. Sobra ang kalat sa paligid kaya’t hindi rin siya makakatulog. Kung saan-saan nakatambak ang mga take out na lagayan ng pagkain. Magulo na nga ang isip niya, pati ba naman paligid niya? Inipon niya lahat sa isang plastic ang mga basura at nag walis-walis. Para kahit papaano rin may maitulong siya. Nakakahiya naman kasi. Mukang tatagal rin siya sa pagiging pabigat dahil hindi niya pa alam kung saan siya pupunta.
Pagkalubog na pagkalubog niya sa kama katabi ni Mia kahit hindi kumportable dahil sa sobrang lambot nito nakatulog agad siya.
"Si Alaska nagsabi. Baka raw wala kang matutuluyan." Ani ni Mia tungkol sa kung paano niya nalaman kung nasaan siya. Natawa siya sa ideya na ang nakababatang kapatid niya pa ang gumawa ng paraan para sa kanya. Hindi niya alam kung mapapanatag siya dahil alam niya na kung saan naroroon ang nanay niya. Bakit kailangan pa siyang iwan? P'wede naman hintayin siyang makauwi? Sobrang daming p'wedeng paraan pero nakalimutan niya, nanay niya pala 'yun. Gusto niyang magalit at magtanim ng sama ng loob pero iyak lang ang lumabas sa kanya.
She can't hate the person who let her out of this world kahit sobrang daming pagkukulang nito sa kanya. Alam niya sa sarili niya na hindi alam ng nanay niya kung paano maging sariling ina. Kaya she never asked for something mula sa kanya. But this? Hinding hindi siya makapaniwala. How can she do this to her own blood,her own flesh? Hindi niya alam kung babalikan pa ba siya ng nanay niya. Alam ng nanay niya na kaya nitong kalimutan ang pagiging ina. Kayang iwanan ng nanay niyang ang lahat para sa sarili nito. At kahit alam niya na kung saan naroroon ito hindi kaya pumasok sa isip niyang puntahan ito. Walang nang mas bibigat pa sa dibdib niya. She wants to hate her mother, but she can't. She's her mother.
Hindi niya alam na aabot siya sa puntong tatanungin niya ang sarili nang sa lahat ng nanay sa buong mundo, bakit siya pa ang nagluwal sa kanya? Sa lahat ng p'wede nitong maging pamilya, sa bilyong tao sa mundo, bakit sila?