Hinawakan ni Primo ang kamay ko habang naglalakad kami papunta sa Krymmenos sapagkat may meeting kami with our friends tungkol sa aming kampanya kay Hellary. Kailangan naming seryosohin at trabauhin talaga ang tungkol dito sapagkat in a month, baka magbago na ang mga buhay namin depende sa kung sino ang uupo sa trono. Maaaring mas mapaganda ang sitwasyon, o mas lumala kung sakaling si Tian Hermes ang maupo. Napalingon sa akin si Primo nang bawiin ko ang kamay ko mula sa kanya. Kumunot ang noo niya at akmang magrereklamo nang pigilan ko siyang magsalita. "You're still courting me, 'di ba? Who gave you the right to hold my hand?" iritable kong sinabi sa kanya at mas binilisan pang maglakad. Gusto kong matawa nang makita ang reaksyon niya na parang pinagbagsakan ng langit at lupa, pero humab

