Halos lahat ng mga estudyante ay abala sa magiging laro sa susunod na linggo. Lahat ay mayroong kanya-kanyang paraan ng pagsasanay. Biglang nagbago ang ihip ng hangin sa loob ng Academia. Yung noo'y mga chill lang na estudyante na pakalat-kalat sa hallway, makikita mo ngayon na nagbabasa ng mga libro sa silid-akalatan, nagsasanay sa Suicidal Square, o kaya naman ay nasa pagpupulong sa kani-kaniya nilang House.
Tuluyan na nilang nakalimutan ang pinakahihintay nilang petsa sa buong taon, ang unang araw ng Love Month. Usually, mga naggagandahang mga bulaklak at tsokolate ang makikitang bitbit ng mga estudyante. Nabasa ko sa isang libro na ganoon ang selebrasyon ng mga Pariah sa kanilang mundo. Ngunit ang normal na ginagawa dapat ng mga estudyante rito sa Magi Academia tuwing sasapit na ang ika-unang araw ng Buwan ng Pag-ibig ay ang pagbitbit at pagbibigay nila ng mga love potion, na galing kay Mrs. Fairylade, sa mga taong gusto nilang bigyan nito. Ngunit kakaunti lamang ang nakitaan ko ng maliliit na vial sa kanilang mga palad.
Maging ako ay mayroong hawak nito. Hindi pa rin ako sigurado kung sino ang bibigyan ko. Pipili na lang ba ako ng kung sinong unang makasalubong ko?
Nang mapansin kong wala nang estudyante ang nasa hallway, nagsimula na akong maglakad upang maghanap ng pagbibigyan. Ang unang makakasalubong ko...
Just a year ago, I was tasked to go back in Magus to do an important task. I had to check our world's situation and garner some information in order to strategize for my comeback. I was dispatched at the foot of the Mount Blaze and I had to climb my way up to meet with other magians.
Nakababad ang katawan ko sa rumaragasang tubig ng natagpuan kong ilog habang ako ay namumundok. Sumandal ako sa mga malalaking bato at hinayaan na tuluyang angkinin ng tubig ang aking pagkatao.
A surge of power crept inside me as the water embraces my soul. Naturally, I become invulnerable especially when I bathe in a natural body of water. I am a child of the sea and waves, after all.
Pakiramdam ko ay sobrang linis ko. Lahat ng pagod ko noong mga nakaraang araw ay tuluyan nang inagos ng tubig.
My body felt light that it wanted to shut down. 'Just a few minutes,' I promised.
Ilang linggo na rin simula nang nagtungo ako sa bandang timog, kung saan nagtayo ng matayog na bundok ang diyos ng apoy, kung kaya't uhaw na uhaw ang aking katawan sa tubig. I will go back home in three days—after gathering intel and reporting back to the wise, old man whom I work with.
Ipinikit ko ang aking mga mata.
'Five minutes,' I thought.
Segundo pa lamang ang nakakalipas ay naramdaman ko nang may matulis na bagay na papalapit sa akin. Iminulat ko ang aking mga mata at inilagan ang palaso na paparating—tumama ito sa bato na sinasandalan ko at nalaglag sa tubig.
Napamura ako. I couldn't even rest for a second, see.
Umahon ako mula sa tubig at pinakiramdaman ang paligid. Kadalasan, madali kong maramdaman ang enerhiya o presensya ng isang tao sa aking paligid, lalo pa ngayon na nakababad ako sa tubig. Ngunit wala akong maramdaman.
Inilahad ko ang aking kaliwang palad. Mula roon ay mayroong lumabas na tubig na naghubog isang mahabang armas.
The water transformed into a long, six-foot spear—its ancient gold head has a carving of archaic letters; it also has an ocean wave design on its neck, while the other end has a tail of a dragon, there lies the crest of the Kingdom of the Waves.
After a year of training, my weapon transformed into something cooler. The design had become a bit different from what it usually was. I guess it changes based on the user's capability and strength.
Humigpit ang pagkakahawak ko sa aking armas at bahagyang napaatras nang mapansin ang papalapit na buhawi sa akin—nang unti-unti itong naging isang tao.
Lumakad ito papalapit sa akin na may ngiti sa labi. Gayundin ang duende na nakaupo sa kanyang balikat.
"I did not mean to disturb you, lady," malumanay na wika niya, tila ba nakalimutan ang kanina'y ginawa niyang pag-atake sa 'kin.
"Who are you?" tanging nasabi ko.
Isinabit niya ang kanyang pana sa balikat at muli akong hinarap na kunot ang noo, ngunit mabilis na natuon ang pansin niya sa hawak kong armas.
"Ah, that thing is familiar." Muli niyang ibinalik ang tingin sa akin at pagkatapos ay ngumiti. "Why are you here? Hindi namin gusto ang mga anak ng tubig dito. You, guys, cause landslides."
"Not totally, boy. Our land and trees need someone like them, but not too much water, you know," komento ng duende sa matinis nitong boses.
Pinanood ko ang pagtatalo ng dalawa sa importansya ng mga taong katulad ko. Huminto lamang sila nang muling maalala ang presensya ko.
"I have a business here," depensa ko.
Hinawakan ng duende ang kanyang baba, ngunit mas napansin ko ang malapad ngunit matangos niyang ilong.
"What would that be?"
"Nothing important." Nagkibit-balikat ako. But then I realized something. Pinagmasdan ko nang mabuti ang lalaki—there is something about him... "You do not live here, do you?"
Tumaas ang kilay niya. "Dito ako ipinanganak," he snapped. "What is wrong with you?"
Binuksan kong muli ang palad ko. Tila yelong natunaw ang aking spear at unti-unting in-absorb ng palad ko ang likido.
"You belong to the Wind Palace," wika ko at tumingala sa kalangitan. "Up there."
He frowned. "Yes, but I do live here."
"He is different, young lady," said the elf with a sad look. "It looked like you need a shelter. Come with us."
Saka ko lamang napansin ang basang-basa ko pang mga kasuotan.
"Where?"
The wind guy pursed his lips. "You'll see."
Kinuha ko ang bagahe ko na nakasabit sa sanga ng isang puno at isinakbit ito sa balikat ko. Humabol ako sa kanila at sumabay sa paglalakad.
"What's wrong with you? You don't smell at all."
"I bathe everyday, duh," he said.
"I—" I scoffed. "It is strange, though. But never mind."
"Wind children have the ability to wash scents off them. You, sea kids, also do, right?" the elf explained. Tumango ako. "I am Agus, one of the eldest of the elder elves. I was named after our world."
"Magus. Right," I replied. "I am Lierre of the Waves. I live far away—at, uh, kind of an ice cave. It is still part of the Waves Kingdom, though. Just... far, you know." I didn't really know if they bought my lie, although it isn't totally a lie since I really lived there.
Tumango si Agus, as if saying 'got it.' I felt relieved that I do not need to explain further.
"Wow, same. I am also a loner," singit ng lalaki. "My name is Sethysus."
"You look fine," I assured him.
Nagkibit-balikat siya. "I plan on visiting Magi Island in two days, by the way. You shall come."
"Sounds good," sang-ayon ko. "But no."
"Why not?" he exclaimed.
Hindi ako sumagot. Pinasok namin ang liblib ng kagubatan at tumawid sa maliit na ilog. Dalawang oras ang nilakad namin hanggang sa marating ang aming destinasyon.
Tumalon si Agus mula sa balikat ni Sethysus at patakbong pumasok sa maliit na bahay na sa tingin ko ay kahit kalahati ng katawan ko ay hindi kakasya. Mag-isa ang bahay sa gitna ng malawak na lupa. Pinalilibutan ito ng mga matatayog na puno na nagbibigay sa amin ng preskong hangin.
Sethysus grinned. "The elves built that house for me. If you'd like to meet them, they live underground."
"Thanks, but I do not think I should meet them," tugon ko.
Naunang pumasok si Sethysus sa batong bahay, kinailangan pa niyang yumuko upang magkasya sa pinto. Sumunod ako kaagad na pumasok. Hindi ko na kinailangan pang yumuko dahil mas mataas pa sa 'kin ang pintuan.
Nang makita ko ang loob ng bahay, literal na nalaglag ang aking panga. Hindi nalalayo ang laki nito sa mga palasyo.
Nginitian ako ni Sethysus na nakatayo sa paanan ng hagdan patungo sa pangalawang palapag.
"Well, of course I will meet them later underground."
He chuckled. "Sure. Clean yourself first or you'll catch a cold."
"I am a water child," I pointed out. "I'll go, anyway. Saan ako pupwedeng magpalit?"
"Right. Upstairs. You can use the spare room." He blushed.
Humiga ako sa malambot na kama na inihanda ng mga elf para sa 'kin. Pakiramdam ko rin ay sobrang presko ng suot kong damit na pantulog—hindi tulad ng palagi kong suot sa labas na tila parati akong susugod sa giyera.
Sinilip ko ang maliit na bintana ng silid. Papalubog na ang araw, ganoon din ang aking mga mata na gusto nang magpahinga. I haven't had a chance to rest like this for years.
Pabagsak na ang mga talukap ng aking mga mata nang biglang may kumatok. Bumukas ang pinto at isinuka nito si Sethysus.
Dali-dali akong umupo.
Naka-itim na sando lamang ito at pulang shorts na lagpas tuhod. Nakasabit sa balikat niya ang kanyang pana at ngiting-ngiti na humarap sa akin—o sa kasuotan ko.
I was wearing a pair of blue pyjamas with sea waves and sea turtles print all over. I look like an ordinary non-magaè mortal, and I do not know what to feel. It kind of feels great to be ordinary, though.
"Dinner time with the elves." He beamed.
Kumunot ang noo ko. "You mean, underground?"
"Yes. The Zero kids' lair and forge, where our weapons are being made. By elves and other earthly beings, yup."
"The Zero Labyrinth, where Minth created a small town," I guessed. "Don't tell me, the people of Terra City collaborated with the Zero's?"
Sethysus eyebrow arched. "Is that a bad thing?"
Umiling ako. "Yes. I mean, they are not trying to start a war by doing this, are they?"
He pursed his lips. "I guess not. The elves would not say a thing, but I do not think it is a bad thing. Come on. Agus and his family are waiting."
I trusted his words. If something bad happens, at least I am sure that I can take care of myself. I was born a warrior.
"Right." I jumped out of bed then slipped my feet in my shoes. "A dinner at the forge. Sounds great."
Bumaba kami ni Sethysus sa unang palapag kung saan naka-ayos ang mga gamit niya at mga mahahabang upuan na gawa sa kawayan.
Pagtapak palang namin sa huling baitang ng hagdan, bigla kaming lumubog at tuluyang nilamon ng semento. Binalot ng kadiliman ang paligid ko, ngunit ilang segundo lamang ay bumalik ang aking paningin—at nasa isang lugar na kami na hindi pamilyar sa akin.