PART 19

1889 Words
RHEN POV Gulat ako ng makita ko si Asnee na nakaupo habang nakasandal sa sandalan ng upuan at nakapikit. Pagkalabas ko sa kwarto ay ito agad ang aking nakita. Hindi ko alam kung kanina pa sya o kakadating lang. Lumingon ako muli sa loob ng kwarto para tingnan si Rama na kasunod ko dapat. Ngunit hindi pala ito sumunod bagkos naka-indian sit lang ito sa ibabaw ng kama habang hawak-hawak ang kanyang nakasalapid na buhok. Akala ko nga kasunod ko na siya palabas. Bumaling muli ako kay asnee at ngayon ay mulat na itong nakatingin sa akin. Lumakad ako papunta kung saan nakapwesto si Asnee. "Kanina ka pa ba dito?" Tanong ko sa kanya ng makalapit ako. Bakit parang kinakabahan ako sa mga tingin nya sa akin. Tingin na parang nakagawa ako ng isang malaking kasalanan. Biglang tumaas ang isang kilay niya "Bakit parang kinakabahan ka? May ginawa ka bang hindi ko magugustuhan habang wala ako?" Tumayo sya sa pagkakaupo nya at lumakad siya papalapit sa akin hanggang sa magpantay na kami. Dahil sa sobrang lapit umatras ako ng kaunti "wala naman.. nagpahinga lang ako dahil galing kaming paghahunting" sinagot ko ang mga tanong nya. "Si Rama ba nandito?" Yung mga tingin nya sa akin ay parang sasamain ako kapag hindi maganda ang naging sagot ko. "Nandoon sya.. nasa kwarto--" At lumapit na naman sya sa akin kaya napaatras din ako. Kinakabahan ako ng hindi ko alam sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Siguro kinakabahan ako ng ganito dahil sa halos magdikit na kami. "--nagkwentuhan lang kami" dagdag ko pa. Tinititigan nya ako na parang sinusuri nya kung nagsasabi ako ng totoo. Ilang segundo syang ganon sa akin. Di nagtagal ay inalis na ni asnee ang tingin nya sa akin at dumistansya na din siya. "Kakadating ko lang huwag kang mag-alala wala akong nakita" huh? Ay marahil iyon ang sagot nya sa tanong ko sa kanya kanina. At wala daw syang nakita? Anong ibig nyang sabihin. "Napilitan lang ako sa set up natin na ito. Gusto ko tayo lang dalawa. Pero kung ayaw mo talaga sa akin sabihin mo lang nang sa ganon kayo nalang ni Rama ang masama. Ako na lang ang aalis total parang ako lang ang hadlang sa inyo..huwag kang mag-alala walang p*****n na magaganap sa amin ni Rama, sinabi ko lang naman dati sayo na papatayin ko siya dahil hindi ako sanay na may karibal. ...dumaan lang ako para icheck kung okey ka lang pero mukang ayos ka naman at mukang may nag-aalaga naman sayo...hindi na ako magtatagal aalis na ako" Tumingin muna ito sa akin bago ito bumaling patalikod sa akin. Ang lungkot ng nakikita ko sa mga mata nya. Lumakad ito papuntang pinto para umalis. Nakaramdam ako ng lungkot ng malaman ko na aalis din sya agad. At nafefeel ko na parang ang cold nya sa akin ngayon. "Paano mo masasabi na si Rama ang mas matimbang sa akin? Sinabi mo diba na tayo lang dapat pero heto ka parang sumusuko agad...akala ko pa naman ang isang Black Squad walang sinusukuan" Napatigil ito sa paglalakad. Pero nanatili lang syang nakatalikod sa akin. "Hindi ko lang masabi kung sino ang mas angat kung sino ang mas sinisigaw ng puso ko. Ayukong magdesisyon agad dahil ayaw kong magsisi bandang huli...pasensya na kung magiging unfair ako..nahihirapan din ako gulong-g**o na ako" dagdag ko pa. Baka magbago ang isip nyang umalis. Lumakad ako papalapit sa kanya. Hindi pa din sya humaharap sa akin. Nanatili parin kasi itong nakatalikod sa akin. Nang nasa likod na mismo nya ako ay tinawid ko ang pagitan naming dalawa yumakap ako sa kanya. Ang mga kamay ko ay nakapulupot sa mga beywang nya. Maliit lang ang beywang nya kaya sakop na sakop siya ng kamay ko. Napasinghap ito sa aking ginawang pagyakap sa kanya. Para pa siyang nagulat, hindi nya siguro inexpect na yayakapin ko sya. "Namiss kita" nahina kong sabi. Inilapit ko ang muka ko sa may ulo nito at mabilis lang naman ang ginawa kong paghalik sa likod ng ulo nito. Ewan ko ba sa halip na matuwa ako kung susuko na sya para hindi na ako mahirapan pang pumili pero ayaw ko syang mawala. Bobo ata ako sa decision making. "Aalis ka pa ba?" Tanong ko kay asnee. Bumitaw na ako sa pagkakayakap sa kanya at iniharap ko sya sa akin. Tumingin sya sa mga mata ko kaya napagmasdan ko din ang mga mata nya. Napangiti ako ng makita ko na parang kumikinang na ang mga mata nito sa saya wala na doon ang lungkot na nakita ko kanina. "Nagbago na ang isip ko, hindi na ako aalis. Dito na muna ako" Nakita ko ang maliliit nyang ngiti na akala ko dati hindi ko makikita. Ang ganda nya kapag nakangiti sya kesa sa lagi nalang galit. Hanggang sa pagtulog namin yong mga ngiti pa din ni Asnee ang aking nakikita. . . ************* Apat na araw na ang lumipas at sa loob ng apat na araw pinag-aralan ko kung paano gamitin ang kapangyarihan ko. Minsan nga pinagtripan ko si Asnee na gayahin habang nakatalikod ito sa akin. Kaya naman pagharap nya sa akin, grabe ang ikinagulat niya. Muntikan pa nga nya akong atakihin eh. Kaya mabilis ko din syang pinigilan sa gagawin nya at ipinaliwanag sa kanya na iyon ang powers ko. "Kailangan kong bumalik ngayon sa amin" sabi sa akin ni asnee. Hindi ko naman sya pagbabawalan basta magiingat sya. "Maghuhunting ba uli kayo?" Tanong ko sa kanya. "May paguusapan lang daw kami" Napansin ko na parang nababahala siya. Gusto kong tanungin kung ano ang tumatakbo sa utak pero baka naman ayaw nyang sabihin at sasarilinin nya muna. Inihanda na nya ang sarili nya para umalis. Sinabayan ko lang sya ng paglalakad hanggang sa gate. "Mag-iingat ka" sabi ko sa kanya saka ngumiti. Lumapit siya sa akin tapos mahigpit nya akong niyakap. At yumakap na din ako sa kanya. Hindi ako mapakali dahil bigla na lang din bumilis ang t***k ng puso ko, hindi ako makahinga ng maayos dahil parang kinakapos ako. Pero kahit ganon parang ayaw ko syang bitiwan mas gugustuhin ko pa na ganto lang kami. I feel safe sa mga yakap nya sa akin. Kung dati takot akong mapalapit sa kanya dahil baka patayin nya ako. Ngayon gusto ko yung lagi syang nandyan sa tabi ko. Ayaw ko pa sanang bumitaw sa yakap namin ng kumalas sya sa yakapan namin. Nakakaramdam ako na parang hindi sya babalik kapag aalis sya. Pero sana mali itong negativity na nararamdaman ko. "Babalik ka" Ngumiti sya sa akin "Oo ba" at tumango- tango pa sya. Lumakad na ito paalis. Nang lumingon ito sa akin ay kumaway ako sa kanya. Gumanti ito ng kaway sa akin. Tinanaw ko sya hanggang sa hindi ko na sya nakikita. . . ---ASNEE POV--- Hindi ko alam ang totoong rason kung bakit gusto akong kausapin ni Adrianus pero may mga tumatakbo sa utak ko na kaya nya ako gusto makausap dahil sa ginawa kong pagsuway sa kanya. Sa mismong bahay na nya ako dumiretso dahil sya naman ang nagpapunta sa akin dito. Naabutan ko sya na nilalaro ang apoy sa kamay nya. "Bakit gusto mo akong makausap?" Tanong ko sa kanya ng makita ko sya pagkapasok ko sa bahay nya. "Ano bang pinakain nya sayo at ganyan ka nalang kadesperada na makasama sya" "Asawa ko sya. Gusto ko sya, Mahal ko sya at gusto ko lagi syang kasama" Walang pinakain sa akin si Rhen sa totoo lang ako pa ang nagpapakain sa kanya. Desperada na kung desperada masaya at kuntento na ako kapag kasama ko si Rhen. "Hahaha kung ibang tagarito pa ang magustuhan mo baka pumayag pa ako pero putangina Asnee kaaway natin ang babaeng kinahuhumalingan mo!" pagkamuhi ang nakikita ko sa mga mata nya. At nagulat ako sa mga sinabi nya paano nya nalaman na si Rhen ang taong mahal ko. "Paano?" "Hindi ako tanga asnee at sa tingin mo hindi kita kayang sundan" matalim ang mga tingin nya saakin. Hindi ko naisip na maaari nga pala nya akong sundan. "Alam ko na sa Rhen na iyon ka pumupunta. Ano bang ginagawa nya para sayo?" Hindi pa ako nakakasalita ng nagsalita na uli sya. "Binago nya ako! Itinuro nya sa akin kung ano ang tama at mali" Inilayo nya ako sa masamang gawain. Dahil din sa kanya nandito pa din ako. Iniligtas nya ako sa tiyak kong kamatayan kahit may choice sya na pabayaan na lang ako. "Mahal mo sya pero sinabi ba nya na mahal ka rin nya. Kung mahal ka talaga ng Rhen na iyon tatanggapin ka nya kung ano at sino ka man. Hindi na nya kailangang ituro sayo kung ano ang tama at mali dahil malaki ka na alam mo na iyon. Ginagamit ka lang nya Asnee! Kinukuha nya lang ang loob mo nang sa ganon madali ka lang nya paikutin. At kapag nalaman nya ang kahinaan mo tiyak akong saka ka nya sasaksakin pagtalikod mo. Nilalason ka nya sa matatamis nyang salita" Natigilan ako sa mga sinabi ni Adrianus. Pilit kong iniwawaksi ang mga sinabi nya. Hindi magagawa sa akin ni Rhen na gamitin nya ako. Hindi ganon si Rhen. "Hindi!! nararamdaman ko na may pagtingin din si Rhen sa akin" tandang tanda ko pa kung paano nya ako yakapin kanina. Nakikita ko sa mga mata ni Rhen kanina kung paano ito mag-alala sa akin. "Binabalaan lang kita dahil ayaw ko na masaktan ka, pinoprotektahan lang kita sa maaaring mangyari sayo dahil ganon kita kamahal. Kung tutuusin nga ayaw ko sana na may mahalin kang iba. Bakit ba hindi mo makita ang halaga ko." Napakunot ang noo ko sa huling sinabi ni Adrianus. "Huh? Anong ibig mong sabihin?" "Matagal na kitang gusto Asnee at kaya kong ibigay ang lahat para sayo, hindi ang isang mahinang Rhen na iyon ang para saiyo" Nabigla ako ng nasa mismong harapan ko na sya at hinawakan ang magkabila kong balikat. Nakaramdam ako nang takot dahil sa mga mata nyang nag-aapoy ang kulay. "Anong ginagawa mo? Umalis ka sa harapan ko kung ayaw mong gamitin ko ang kapangyarihan ko sayo!" Sigaw ko dito pero para itong bingi sa mga oras na ito. Hindi ko inaasahan ang sunod nyang gagawin pilit nya akong hinihila palapit sa kanya at pilit nya din akong hinahalikan at ang gusto nya pang maangkin ay ang mga labi ko. Mabuti nalang at naiiwas ko sa kanya ang mga labi ko nang tangkain nya. Kahit kaibigan ko pa sya ayaw ko na mahalikan nya ako. Ginamit ko ang kapangyarihan ko para mapalayo sya sa akin. Habang nakapalibot ang kapangyarihan ko sa buong katawan ko hinding-hindi nya ako mahahawakan. "ANG LAKI MONG GAGO!!!!" Sigaw ko kay adrianus. Kaya pala sinisiraan nya si Rhen sa akin. Hindi ako nagkamali na mahalin si Rhen. Nagbago ang aura nya at parang natauhan ito sa mga ginawa nya. "Patawarin mo ako sa akin nagawa Asnee! Nagawa ko lang ang mga iyon dahil sa selos ko, mapatawad mo sana ako" nakaluhod na sya sa harapan ko at pilit nagmamakaawa. "Sana hindi na maulit ito. Aalis na ako" Mabilis akong umalis sa loob ng bahay ni Adrianus. Baka hindi ko mapigilan ang masama kong gagawin kapag nakaharap ko pa ito. Kailangan kong makabalik agad kay Rhen sya lang ang may kakayahan na pakalmahin ako. Yakap nya lang mawawala na ang galit na nararamdaman ko. ***************************************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD