RHEN POV Napamulat ang mata ko at tanging blur na paligid ang naaninag ko. Naririnig ko din ang tunog na nagmumula sa isang ospital machine. Ang mga tunog na naririnig ko ay tila ume-echo kaya dumadagdag sa pagsakit ng aking ulo. Muli akong pumikit dahil sa nahihilo ako. "Ms. Rhenziel!!" "Ms. Rhenziel!!" Rinig kong tawag sa aking pangalan at ang bawat pagtawag nila ay nag-eecho pa din sa pandinig ko. Wait nasaan ako. Panaginip lang ba ang lahat? Parang totoo ang aking napanaginipan. Hindi pa patay si Asnee dahil panaginip lang ang lahat. Tama panaginip lang ang mga nangyari walang Asnee na namatay. Walang nangyaring masama sa mahal ko. "Rhen!!! Anak!! Salamat sa diyos gumising kana!!" Boses yon ni mama Nagmulat ako at kumurap-kurap hanggang sa unti-unti nang nawawala ang pan

