Chapter 3

1294 Words
                                                                                       Argel's Pov ♪ Nais kong magpakalasing Dahil wala ka na Nakatingin sa salamin at nag-iisa  ♫ "Oh shot muna bago tayo makapunta, pampalakas ng loob," masayang sambit ni Kio na tila tinatamaan na ng alak. Napakaseryoso niya at medyo walang imik kapag matino pero kapag nakainom, napakadaldal naman. Iba talaga ang nagagawa ng alak. Itinaas niya ang hawak hawak niyang beer at nakikisabay sa kantang tumutugtog ngayon sa kotse ni Carson. Pulang pula na yung buong mukha niya ngayon. "Pre, mukhang lasing ka na huh," pang-aasar sa kaniya ni Carson habang nakatingin lamang sa dinadaanan. Si Carson ang nagdadrive at ako naman ay nasa tabi ko ng driver's seat samantalang si Mara, Megan at Kio ay nasa likuran. "Ako, malalasing? Malakas 'to pre, hik" pagmamalaki niya. "Duling ka na nga oh, haha"  "Tigilan mo na 'yan, Ki. Mamaya baka gumapang ka papunta doon," sabi ko sa kaniya at inagaw na yung bote ng beer na iniinom niya ngayon. Hindi naman siya umangal, mukhang nahihilo na rin. Napatingin ako sa watch ko, mag-aalas tres na ng hapon. Ang usapan namin kahapon ay umaga pa lang ay pupunta na kami sa gitna ng kagubatan ng barsulan para magvideo doon ang kaso ay naaya kami ng kaklase namin sa bahay nila dahil birthday niya ngayon kaya napagpasyahan nilang pumunta muna doon bago tuluyang gawin itong documentary. Ang galing 'no? Inuuna pa ang ibang bagay bago ang ibang proyekto. ♫ Ibuhos na ang beer Sa aking lalamunan Upang malunod na Ang puso kong nahihirapan  ♫ Napatingin ako kay Megan at Mara na nasa likod, nakatakip ang mukha at 'di na maidilat ang mga mata,  napasabak kasi kami sa inuman kanina doon. Sabi ko sa kanila na huwag iinom ng marami at may gagawin pa kami  pero ang kukulit nakadalawang bote yata sila o higit pa. Hindi naman talaga ako umiinom, napilit lang ako doon. Pero nasa katinuan naman ako. Napansin ko na biglang natawa ng bahagya si Carson, kita ko ang pagmumukha niya sa front mirror, "Tignan niyo yung dalawang girls, mga mahihinang nilalang. Iinom ng marami hindi naman kaya," sabi niya saamin. "Shut up panget, magdrive ka na lang d'yan. Yari ka na talaga sa'kin araw-araw mo akong inaasar ha" sabi ni Mara, akmang susugurin na niya si Carson pero pinigilan na agad ni Kio. Maya maya nagulat kami nang biglang may umiiyak, pagtingin namin si Mara. Lasing na talaga ang loko, tuwing nakakainom ay hindi maiwasan umiyak at kung anu-ano na ang pinagsasabi. "Lagi mo na lang akong inaasar, di mo ba alam na nasasaktan ako. Hindi mo ba ako mahal, huh?" sabi niya habang humahagulgol, nagulat naman kami sa sinabi niya. Hindi namin maiwasan matawa dahil lagi na lang siya gan'yan at pagkagising hindi na matandaan mga pinagsasabi. And I wonder kung totoo ba 'yang sinasabi niya o lasing lang talaga siya? "Aw, umiiyak yung bunso namin. Tara nga dito," sabi ni Kio at niyakap niya itong si Mara at hinagod hagod ang likod, wala namang itong imik at patuloy pa rin sa pag-iyak. "Heto kasi si Carson laging mapang-asar eh," sabi naman ni Megan, mukhang nahimasmasan na. "Alam niyo guys, ikanta na lang natin 'to" sabi naman ni Carson, malapit na kami sa aming pupuntahan. Nilakasan niya ang volume ng speaker at para kaming mga kinakatay na baboy habang kumakanta.  ♫ Giliw... Huwag mo sanang limutin Ang mga araw na hindi sana naglaho Mga anak at bahay nating pinaplano Ang lahat ng ito'y nawala no'ng iniwan mo ako.  ♫ "Sh*t, ang sakit ng kanta," sabi ni Kio na napapapikit pa ng mata at napapakagat sa labi  habang kumakanta. Napakaganda talaga ng kantang ito ng Itchyworms which is ang pamagat ay Beer, ang sarap niyang patugtugin habang nag-iinuman kayo tapos nagkekwentuhan sa inyo at may nagdadrama, it's so good. "Relate ba, ki? Sino yan? 'di mo shinashare saamin huh," tanong ni Megan sa kaniya. "Kailangan ba may jowa o galing sa heartbeak para masaktan? 'di ba pwedeng nadama ko lang yung message ng kanta?" sabi nito at nagpatuloy sa pagkanta. Maya maya unti unting lumabo ang salamin ng kotse dahil sa biglang pagbuhos ng malakas na ulan, nandito na kami ngayon kung saan natatanaw na namin ang kagubatan ng barsulan. Wrong timing nga naman itong pag-ulan oh kung kailan maglalakad na kami. "'Yan tuloy umulan, kanta kanta pa kasi e hik," sabi ni Mara, mukhang nahimasmasan na rin pero kung magsalita ay parang lasing pa rin. "So ano na gagawin natin? Wala ba kayong dalang payong?" tanong ni Carson, itinigil niya ang kotse malapit sa kagubatan. "Wala pre, uso ba sa'tin 'yon?" tanong ni Ki sa kaniya. "Pasukin na kaya natin habang nasa kotse, kasya ba?" suggestion ni Mara. May point siya dahil kung lalabas kami at maglalakad ay mababasa talaga kami ng ulan, maya maya ay naalala ko na chineck ko nga pala ito gamit ang 'your map' appat gladly meron nga papunta sa gitna ng kagubatan ng basulan. Inilabas ko yung cellphone ko, buti na lang ay may  data ako na 'di ko pa nagagamit at makakatulong ito para magamit ngayon, tinignan ko agad sa 'your map'kung kaya bang pumasok ng kotse o hindi. "Guys, according dito ay makakadaan naman yung kotse. Sundin na lang natin ito siguro, bilisan niyo na wala na tayong oras. Kailangan natin matapos dito bago mag-gabi," sabi ko sa kanila, nag-agree naman ang lahat. Muling pinaandar na ni Carson ang kaniyang kotse, itinapat ko sa kaniya ang aking cellphone para malaman niya kung saan ang direksyon, buti na lang ay humina na ang ulan. Ambon na lang kaya malinaw na naming nakikita ang paligid.  Sobrang lawak pala ng gubat na ito, I wonder kung may mga dumadaan rin dito pero ngayon sobrang tahimik ng paligid. May mga ibon na nagsisiliparan. Tumira ako dito ng halos sampung taon pero ngayon pa lang ako makakapunta talaga sa gubat na ito. "Please turn left," sabi ng 'your map'. Iniliko naman ni Carson ang kotse, malapit na kami sa aming paroroonan. Katulad ng nakagawian, pinaready ko na sa kanila ang dapat iready katulad ng camera, microphone, at iba pa. Binilisan na rin ni Carson ang pagmamaneho dahil dire-diretso na lang 'din naman ito. Hanggang sa... "Teka guys, ano 'yon?" nanlalaking mga mata kong tanong sa kanila nang may mahagip ng aking mata mula sa harapan. "Saan? Nananakot ka lang ata eh," kunot-noong tanong ni Megan, maging si Carson na patuloy lang sa pagmamaneho. "Ayon oh, yung kulay green na maliwanag," turo ko sa kanila, tinitigan ko ito nang mabuti at habang tumatagal mas lumilinaw ito sa aming paningin. "Huh? Wala naman," sabi ni Kio, nakakunot na ang ulo nilang lahat. "It's like a portal," sabi ko nang makita ko ito nang malinaw, hindi ko maiwasang mataranta. "Seryoso ka ba d'yan Argel? Carson, pakitigil muna  ang kotse," natatarantang saad ni Megan. Tumango tango si Carson pero maya maya lang ay  nanlalaki ang kaniyang mga mata at bakas ang takot sa kaniyang mga mukha, "Nawalan tayo ng preno, fudge," nararanta niyang sabi. "What the heck, what is happening right now?" hindi mapakaling tanong ni Mara. Papalapit na papalapit na kami sa kulay green na 'yon, para siyang portal na nakikita namin sa movie. Hindi ko alam pero para akong naistatwa sa kinauupuan ko ngayon habang nakatitig lamang sa bagay na 'yon. Para akong nabighani dito, "Come on Carson, itigil mo ang kotse," sabi ni Mara pati si Kio.  Nagkakagulo na lahat sa kotse, natataranta ang bawat isa. Nang makabalik ako sa sarili ay sinubukan kong tulungan si Carson para mapatigil na ang kotse pero huli na ang lahat. "WAAAAAAAAH!" malakas na sigaw ko nang papalapit na kami sa bagay na isang portal nga, wala na kaming magawa kundi dumiretso dito. Biglang lumiwanag ang aking paningin at pagkatapos noon... Hindi ko na alam ang nangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD