KILLER 1

1941 Words
KILLER 1 ༻─────── ·☠· ───────༺ Oh! My God!ˋ ‘Natatakot na talaga ako sa school na ˋto.’ ‘Hindi pa rin pala nahuhuli ˋyong Killer.’ ‘May bago na naman napatay.’ ‘Kahit mga pulis hindi mahuli ˋyong Killer.’ Napabuntonghininga na lang ako sa mga bulong-bulungan sa paligid. Dalawang linggo na ang nakaraan simula nang mamatay si Lea at ngayon ay mayroon na naman daw bagong namatay. Isinarado ng ilang araw ang building kung saan nakita ang kanyang bangkay para sa imbestigasyon pero natapos din iyon kaagad. Tumulong din ako sa imbestigasyon sa pagkamatay ni Lea dahil ako ang tinuturing na witness pero hindi ko rin naman nakita ang mukha kaya wala rin nangyari, sa oras na iyon ay hindi rin nahagip sa security camera ang kriminal kaya nahihirapan ang mga Pulisya. The Killer is still free. I’m afraid too, paano kung balikan niya ako? Napagitla ako nang may umakbay sa akin saka mabilis akong hinalikan sa pisngi. “Hey, my beautiful,” bulong niya. Naramdaman ko kaagad ang lambing sa kanyang boses, bahagya niya rin pinisil ang aking balikat kaya napalingon ako sa kanya. “Ang saya mo ata?” puna ko. Hindi ko maiwasan mapatitig sa maamo niyang mukha, ang makapal niyang kilay ay bumabagay sa suplado niyang mata. Tumaas ang sulok ng kanyang labi. “Yeah.” Lalong may sumupil na ngiti sa kanyang natural na pulang labi tapos ay isiniksik niya ang mukha niya sa aking leeg. Ginulo ko ang kanyang buhok, siguradong mapapagalitan kami kung may makakakita sa amin Professor. Napangiti ako sa simpleng niyang galaw. Luther is a sweet, protective and possessive boyfriend. Nasanay na rin ako sa kanyang ugali sa halos dalawang taon, ipinakita niya sa akin kung gaano niya ako kamahal. Kung gaano niya ako pinapahalagahan at kung ano ang mga kaya niyang gawin para lang manatili ako sa tabi niya. Siguro ganon nga siguro kapag mahal mo, kahit alam mo ˋyong bad at good sides niya ay hindi mawawala ˋyong pagmamahal mo. “Hey lovebirds.” Si Harold, isa sa mga kaibigan ni Luther na kaklase rin niya. “Hi, April,” bati ni Tristan. Tipid naman akong ngumiti sa kanila nang sabay silang umupo sa harapan namin. May dala silang tray na puno ng mga pagkain, kaya masaya silang kasama lagi, libre pagkain. Napatitig ako sa isang coffee cup na may pangalan ko na in-order nila. ‘Queen April Hindi ko rin alam kung bakit April ang pangalan ko, kung December naman ang birth month ko. Kapag tinatanong ko naman sila ay basta lang sinasagot. Mas okay sana kung umiisip-isip sila ng maganda-gandang pangalan. I’m in relationship with Luther Gray for almost two years, alam ˋyon ng buong school dahil lagi kaming magkasama kahit hindi kami magkaklase ay tuwing may vacant time kami ay siya ang kasama ko kaya rin siguro kaunti lang ang naging kaibigan ko sa school na ito dahil wala na rin akong oras makihalubilo sa ibang estudyante bukod sa kanila. Siguro kung mayroon man hindi nakakaalam na magkasintahan kami ay ˋyong mga bago lang at isa pa, sa isang private school kami at kamag-anak ni Luther ang may-ari nito. Ninong niya kaya talagang kilala rin siya rito. “April, gusto mo?” tanong ni Harold sabay alok ng hawak niyang ice cream. Oh my favorite! Kaagad naglaway ang bagang ko dahil doon, ngumiti ako at tumango akmang kukunin ko na iyon nang tampalin ni Luther ang kamay ni Harold na nakalahad sa aking harapan. “Don’t you dare give that damn ice cream to my Wife!” seryosong usal niya habang matalim ang kanyang tingin sa kaibigan. Kaagad nagtaas ng kamay si Harold na animong sumusuko. “Chill Dude, inaalok ko lang naman. Im no harm.” Natatawang wika ni Harold pati si Tristan, napapailing na lang ako, alam na alam na nila si Luther kahit kaibigan nito pinagseselosan. Imbes na mainis ay kinikilig pa ako sa tuwing pinapakita niyang ayaw niya akong maagaw ng iba. Feeling ko nga ang ganda ko, sinong hindi kikiligin sa ganon? Mas okay na iyon kaysa sa walang pakielam na boyfriend. “Hubby pero gusto—” Hindi na niya pinatapos ang sasabihin ko nang magsalita siya ulit. Bastos talaga! “Ibibili kita. Wait here,” aniya at walang sabi-sabing tumayo naglakad papuntang counter. Sinundan ko siya ng tingin at hindi ko maiwasan mapangiti. Masiyado talaga siyang seloso minsan kinikilig ako pero minsan naiinis na rin ako pero iniisip ko gano’n lang talaga siya. Mahal lang talaga niya ko. “Ibang klase talaga ˋyang boyfriend mo April pati kami ay bawal kang hawakan, bawal kang titigan, bawal kang ngitian. Ano ba ˋyan?! Para naman may lakas kami ng loob na agawin ka!” natatawang usal ni Tristan habang kumakain. “Parang hindi na kayo nasanay riyan. Masiyado lang talaga niya akong mahal,” paliwanag ko saka sumulyap ulit ako kay Luther na nakakunot ang noo habang kausap ang babae sa cashier. “Pero lahat ng sobra ay masama,” seryosong usal ni Harold kaya napatingin ako sa kanya, tatanungin ko sana siya kung ano ang ibig sabihin niya roon pero ngumiti lang siya sa akin. Hindi ko alam pero double meaning ang dating sa akin non. Parang mayroon siyang gustong ipahiwatig. “Here.” Halos mapaigtad ako nang ilapag ni Luther ang isang galong ice cream sa itaas ng aming lamesa. Napanganga ako at hindi makapaniwalang bumaling sa kanya. “Seryoso ka Hubby ang dami nito?” hindi makapaniwalang usal ko. Oo’t gusto ko ng ice cream pero hindi ˋyong ganito karami, magtatae ako sa lagay nito. “Just eat, Wife. Gusto kong mabusog ka. Gusto ko ˋyong tumaba ka, ayaw ko ng namamayat ka kasi pakiramdam ko napapabayan kita kapag gano’n,” sabi niya at ngumiti tapos ginulo ang buhok ko. Sobrang bilis ng kabog ng aking puso. Kinain ko na lang din ang ice pinagtulungan namin ˋyon dahil alam niyang hindi ko ˋyon mauubos. Tatayo na sana ako para bumili ng tubig nang hawakan niya ang kamay ko upang pigilan. “Where are you going, Wife?” takang tanong niya. Nginisian ko siya, parang aalis lang sandali ay hindi na mapakali. “Bibili lang akong tubig sandali lang,” sabi ko, magsasalita pa sana siya pero naglakad na ako papuntang counter. Pakiramdam ko ay may nanunuod sa akin nang nasa pila na ako, sinubukan kong ilibot ang aking paningin pero wala naman. Guni-guni ko lang ata? Nang nakabili na ako ng mineral water at babalik na sana sa table namin ay may humarang sa aking lalaki. Matangkad siya kaya halos tiningala ko siya. “Excuse me,” mahinang sabi ko at lalagpasan na sana siya nang hawakan niya ang braso ko. “Masiyado ka naman atang nag mamadali Miss,” aniya at nakangisi pa dahilan upang makita ko ang madilaw na ngipin niya. Pilit ko naman inaalis ang braso ko sa kanya. Bago ba siya rito? Are they some bullies? Hindi ko naman siya kilala, narinig ko ang hiyawan sa lamesa nila. “Bitawan mo ako,” matigas na usal ko pero pinanatiling kalmado. “Upo ka muna rito sa table namin Miss.” Ang kulit. Magsasalita na sana ko nang may humapit sa akin papunta sa kanya at naramdaman ko na lang ang matigas niyang dibdib dahil napasubsob ako ro’n. Kaagad kong nakilala kung sino iyon dahil sa pabango. “Don’t you dare touch my girl, asshole!” matigas na wika ni Luther alam kong galit na siya ramdam ko nanginginig siya sa galit. “Oh kaya pala ayaw sumama sa amin ni Miss Beautiful.” Nang-aasar pangtono ng lalaki kaya kinabahan ako. Kumalas na ako sa pagkakayakap ni Luther at hinawakan ko siya sa braso at bahagyang hinamas-himas iyon para kumalma siya, ramdam ko ang malalim na buntong-hininga niya. Tumingin siya sa akin at ngumiti na para bang sinasabi niyang ayos lang. Tinapunan niya ng tingin ang humarang sa akin saka siya humakbang papalit at bumulong. “I will give you five minutes,” mahinang usal ni Luther kaya hindi ko masiyadong narinig. Ano raw? Nakapamulsang umatras si Luther, kunot-noo naman ang lalaki. Bago pa sila magkasagutan ulit ay hinila ko siya paalis doon. Pagkaupo namin nakita ay naabutan ko sila Harold at Tristan na nakangisi animong tuwang-tuwa pa sila. Tiningnan ko si Luther na nakatingin pala na pala sa akin. Kinuha niya ang aking kamay at hinalikan iyon, I know he’s trying to calm down. “Wife, you know how beautiful you are right?” tanong niya kaya sinamaan ko siya ng tingin at sinapak siya sa braso, natawa lang siya sa ginawa ko. Mabuti naman at hindi na siya badtrip. “Ikaw ˋwag ka makikipag-away ha!” pagbabanta ko sa kanya. Hindi siya sumagot pero ngumisi lang siya ˋyong ngisi na nakakakilabot, pakiramdam ko ba ay makikipag-away siya pero malaki ang tiwala ko kay Luther. He can’t hurt other people. Ang bait kaya niya. Napaka tahimik lang na tao ni Luther, tanging sila Harold at Tristan nga lang ang kaibigan niya dahil mahiyain talaga siya. Kaya natatakot ako kapag napa-away siya, baka hindi niya kayang lumaban kasi hindi naman siya sanay sa Ganon. “I will just go to restroom, Wife. Stay here with them.” Tukoy niya sa mga kaibigan niya. Tumango naman ako kahit na naguguluhan akong nakatingin sa kanya. “Bilisan mo ha,” aniko ngumiti lang siya bago tumango at ginulo ang buhok ko kaya napasimangot ako. “Woah PDA!” sigaw ng mga kaibigan niya napayuko, nangingiting napayuko ako. Loko talaga ˋtong mga ˋto. Nagpatuloy kami sa pagkain at kwentuan nang umalis si Luther, kung ano-ano naman ang kinu-kwento ng dalawa tungkol sa mga chika-babes nila pero napatigil kami nang may biglang sumigaw. “Aaahhh!!” Napabalikwas ako mula sa aking pagkakaupo dahil sa malakas na sigaw. Nagtakbuhan din ang mga estudyante papunta sa sumigaw, tumayo na rin ako para pumunta roon dahil baka si Luther iyon, baka napahamak siya, iyon kaagad ang naisip ko pero may humawak sa braso ko upang pigilan ako. “Dito ka lang April,” si Tristan. Hindi ko siya sinagot, binawi ko ang kamay ko sa kanya at mabilis na tumakbo papunta sa mga nagkakagulo. Napatakip ako ng aking bibig pagkakita ko sa pinagkukumpulan ng mga estudyante. Halos bumaligtad ang sikmura ko nang makita ang isang lalaki na duguan at putol ang dalawang kamay, nasa hindi kalayuan ang mga kamay niya. Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang mukha ng lalaki. ˋYung humarang sa akin kanina, nanlalambot na ang tuhod ko at pakiramdam ko ay babagsak na ako sa sahig dahil sa nakita ko nang may yumakap sa akin mula sa likura. Pinatong nito ang baba niya sa aking balikat. Alam ko ang amoy na ˋyon, si Luther ˋyon kaya kahit papaano ay kumalma ako. “Lu-Luther,” pagtawag ko sa kanya, ibig ko nang sumuka dahil sa nakita. Dahan-dahan niyang tinakpan ang aking dalawang mata gamit ang kanyang mainit na palad. “Hmm?” alam kong nakangiti siya ramdam ko sa balikat ko ang paggalaw ng baba niya. ‘Bakit masaya pa siya?’ Parang narinig naman niya ang tanong ko sa isip ko kaya nagsalita siya ulit at hinigpitan ang yakap sa akin beywang, rinig ko pa rin ang hiyawan ng mga tao. “No one can touch my Queen. You are mine, mine only my Wife,” he whispered on my ear. ______________________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD