"Carm, I gotta go." Sabi ko at nagmamadaling kinuha ang aking sling bag. Mukha namang nagtaka siya. "Uy, nu ka? Kararating ko lang dito." Aniya na parang sobrang dismayado sa pagkakasabi ko. I bit my lowerlip, ano ba kasi ang sasabihin ni Derek at kailangan sa personal pa? "Sorry talaga. Don't worry, okay lang na mag stay ka dito. Mag cocommute nalang ako." Alok ko sa kanya. Agad namang kumunot ang noo ni Carmen. "Babae ka talaga, hahatid na kita.." "Ako na ang maghahatid sa kanya." Sabay kaming napatingin kay Sevhire na tumayo na pala. He fisted his car keys inside his pocket. Sinuot na rin niya nang pabaligtad ang kanyang ball cap. "S-Si Carmen na." Mas gugustuhin kong maistorbo sa paglalaro sa bata si Carmen kaysa siya ang maghatid sa akin. Umubo kunyari

