Maayos na nakalapag ang aming eroplano, medyo natagalan lang kami ni Derek sa mga bagahe. Ganito pala dito, no? Sa mga bagahe nagtatagal. Umabot pa nga ata ng isang oras. Buti nalang at madali kong nakita si Kuya Stan. Who wouldn't? He was with his two kids. Cascade and Razen, I was pretty amazed dahil bata pa lamang ang mga ito ay nakuha na ang angas ng ama. "How old are they?" Tanong ni Derek. Nakilala ni Ate Cadence si Derek noong pinuntahan niya ako sa Cali para magbakasyon pero for business trip lang naman niya iyon. Nalaman lang niya na boyfriend ko si Derek nang minsang magkatawagan kami sa phone. Pero si Kuya Stan ay mukhang hindi interesado. "Cascade's four while Razen's two." Ngiti ni Ate. Hinawakan ko ang maliit na kamay ni Razen, unlike Cascade, Razen is

