"Justine, tara na." Hinila ako ni Carmen para sana makalayo na kami doon. Ilang hakbang na rin lang naman at nasa Vista Verde na kami ngunit nanatiling naka apak ang mga paa ko at hindi manlang nagpapatinaod sa malakas na hila ni Carmen. Tumigil sina Kiana, nakita kong napaismid sa akin ang dalawang lalaki. "Mauna na kayo, Trent." Ani Jessica. Sinunod naman ito nila Trent at Greg. Ngayon kaming apat nalang ang naiwan sa gitna ng daan. Parang dinudurog ang puso ko kapag iniisip ko na ang dating samahan ay bigla nalang naglaho. "Iba na talaga ngayon, no? Mas pinipili ang lalaki kaysa sa bestfriend." Pasaring ni Kiana sa akin. Tumikhim ako. Si Carmen ay natigil ang paghila sa akin. Nilingon ni Jessica si Kiana. "Wala eh, baka mas mahalaga ang kalandian kaysa sa

