Nakaramdam ng saya si Joey ng purihin siya sa kanyang pag luto at pakiramdam niya unti-nti na siya nagiging komportable sa mga kasama niya. Pagkatapos kumain ng lahat nag tungo muna si Joey sa silid ni Enzo dahil may i-utos ito sa kanya at kahit kinakabahan nga siya pinilit parin niya kinalma ang kanyang sarili. " Boss ano po ipag uutos niyo sa akin" Kalmadong pagkakasabi ni Joey at lumapit sa kanya si Enzo kaya bahagya siyang napa atras. " Tulongan mo akong tanggalin ang damit ko hirap pa kase ang braso ko" Utos ni Enzo at kailangan sundin ni Joey ang pinag uutos nito. Dahan-dahan tinanggal ni Joey ang botones ng damit ni Enzo at habang ginagawa niya iyon napapalunok siya dahil nakita niya ang six pack abs ni Enzo at napansin ni Enzo na pinag papawisan na siya. "Ahhm okay na po Boss"

