CHAPTER TWO

1531 Words
pinagmasdan ko ang sarili ko sa harap ng salamin at hindi ako makapaniwala na nag mukha na talaga akong lalaki dahil sa pag putol ko ng aking buhok at pag kubli ko sa aking dibdib. Naiiyak ako dahil inaalala ko ang aking ina dahil sa sandaling ito alam kong sinasaktan na naman siya ng aking ama. sinubukan kong lakbayin ang bakanteng lote na natatanaw ko dahil nais ko sana na doon lamang magpalipas ng gabi dahil medyo malalim na rin ang gabi. Nang makarating nga ako sa bakanteng lote na yun nasaksihan ko kung paano saktan ng isang grupo ng mga kalalakihan ang isang lalaking duguan at nag hihina. " ano ba ginagawa nila?" tanong ko sa aking sarili at nakita ko ang isang lalaking bumunot ng baril at tinutok ito sa lalaking duguan. Natakot ako na baka matuloyan yung lalaking duguan kaya naman mabilis akong humanap ng malaking bato na pwede ko ibato sa kanila. " arayy, sino bumato sa akin?" Galit na tanong ng pinuno ng grupo nang tamaan ko siya sa ulo at napansin ko na dugo iyon kaya mabilis akong nagtago. " Boss may mga parating na parak kaya umalis na po tayo" Pabatid ng isang tauhaan at mas lalong na galit ang pinuno ng grupo. " Busit talaga, pasalamat ka Enzo bubuhayin kita ngayon" Nanggigil na sabi nito at sinipa niya ang lalaking duguan at iniwan na nila ito. Nagkaroon ako ng pagkakataon na lapitan ang lalaking iyon at hindi ako nag dalawang isip na tulongn siya. Inakay ko ang lalaki palayo sa bakanteng lote na iyon. mabuti na lamang may mga tao na tumulong sa amin at nadala ko siya malapit na ospital at laking pasaamat ko talaga na mabilis naman siya naasikaso ng Doctor. llan oras din ako nag hintay sa waiting area para sa resulta ng kalagayan ng lalaking iyon at sa tagal ng pag hihintay ko salamat naman at naging maayos na daw ang lagay niya sabi ng kanyang Doctor kaya naman mabilis akong nagtungo sa room niya. " Ano ba kasalanan mo bakit ka kaya nila nasaktan ng ganyan, kawawa ka naman" Nalulungkot kong sabi at pinagmasdan ko ang kanyang mukha. masasabi ko na gwapo ang taong ito kaya natutuwa akong pagmasdan siya ngunit nakakaramdam na ako ng matinding antok at pagod kaya naman hiniga ko ang ulo ko sa gilid ng bed. kinabukasan. nagising ako sa paulit- paulit na pag kalabit sa akin dahil ginigising ako nito kaya naman iniangat ko ang ulo ko at nakita ko ang nakataas na kilay ng lalaking tinulongan ko. Natakot ako sa pag hawak niya sa braso ko dahil may higpit iyon at tila ba galit ito sa akin at parang lalamunin niya ako sa mga titig niyang iyon. " Sino ka? Siguro spiya ka at sinisigurado mo na kung patay na ba ako" Galit na pagkaksabi nito at sabay hawak sa damit ko sa may bandng leeg ko kaya nasasakal ako sa ginagawa niya. " H'wag Enzo, kumalma ka. siya ang tumulong at nagdala sayo dito, tama ba ako?" Nakangiting sabi ng matanda at tumingin ito sa akin. " Opo, ako po ang nagdala sa kanya dito" Naka yuko kong sagot at binatawan ng lalaking tinulongan ko ang braso ko. " Nagpapasalamat ako sayo dahil niligtas mo ang buhay ng aking anak, ano pangalan mo hijo?" Tanong nito sa akin at hindi ko alam ng sasabihin kong pangalan. " Ahhm-ako po si... ako po si joey" Napapaisip ko pang sagot at joey na nga lang ang sinabi kong pangalan dahil wala na talaga ako maisip na pangalan na pwede ko gamitin sa panibgo kong pagkatao. " Hindi ko kailangan ng tulong mo dahil kaya ko naman sila" Saad pa ng lalaki at mukhang may pagka yabang at napaka seryoso niyang tao. " May gusto kaba hingiin o hilingin sa akin para makabawi man lang ako sa pag tulong mo sa kanya?" Ani ng matanda at nag iisip ako ngunit nahihiya ako magsabi kung ano ba ang gusto ko. nakaramdam na ako ng matinding gutom ng mga sandaling iyon. " Wala naman po ako gustong hingiin na kapalit" Sambit ko at narinig ko ang pag tunog ng tiyan ko dahil gutom na talaga ako. " Mukhang gutom kana yata, sumama ka sa amin" Sabi ng matanda at nagulat ako sa lalaking anak nito dahil tinanggal nito ang dextrose na naka kabit sa kamay niya" " Gusto ko na umuwe Papa" Saad ng lalaki at tumayo na ito na parang wala man lang nangyari sa kanya. nagdesisyon na silang umuwe agad at sinama nila ako. Paglabas nga namin ng hospital isang mercedes benz ang sumalubong sa amin at nag aalinlangan ako sumakay kasama sila. " Bakit kasi kailangan pa natin siya isama Papa, bigyan mo na lamang siya ng pera para maka alis na siya" Tila naiinis nitong pagkakasabi ngunit hindi pumayag ang kanyng ama. " Magtigil ka nga, gusto ko pa siya makilala, hijo sumakay kana" Seryosong pagkakasabi ng matanda at pinasakay na ako nito sa loob ng sasakyan nila. Nang makasakay nga ako nakaramdam ako ng takot ngunit pinilit kong maging kalmado ng mga sandaling iyon. Tinuon ko na lamang ang king paningin sa mga magagandang tanawin na nadadaanan namin at sa amin pagbabyahe huminto ang sasakyan sa isang napaka laking bahay at mansion na kung tawagin. Pagbaba ko sa sasakyan nagulat ako sa mga lalaking nakapalibot sa mansion at lahat sila naka suot ng black suit at nakakatakot silang tignan. " Nagpa handa ako ng makakain mo dahil alam kong gutom kana, tara sumabay kana kumain sa amin" Natutuwang sabi ng matanda at nagtungo kami sa hapag kainan nila. Halos tumulo ang laway ko ng mga sandaling iyon dahil napakaraming pagkain na hinanda nila. Nung una nahihiya pa akong dumakot ng pagkain ngunit nang matikman ko na ang malaking hita ng manok nakalimutan ko na nasa harapan ko ang mag ama. " Parang patay gutom yata Papa" Saad ng lalaking tinulongan ko na si Enzo pero patuloy parin ako sa pagkain ko. " Bakit parang hindi ka taga dito sa maynila? may pamilya kaba o trabaho man lang?" Pang uusisa sa akin ng matanda at napatigil ako sa pagkain ko. " Sa totoo lang po nakipag sapalaran lang po ako dito sa maynila at wala po akong mga kamag anak dito" Malungkot kong sagot ngunit tila natuwa ang matanda sa sinabi ko. " Tamang - tama naghahanap ako ng personal na tauhaan ng anak ko yung pwedeng pagkatiwalaan ko at nakikita ko na mukhang maasahan ka, kung gusto mo pwede ka maging isa sa mga tauhaan namin." Seryosong pagkakasbi ng matanda at napaisip ako na kung magiging tauhaan nila ako may matutulogan na ako ngunit paano kug malaman nila na isa talaga akong babae baka kung ano gawin nila sa akin. naisip ko naman ang mga siraulong humahabol sa akin na baka kung pagala-gala lang ako sa manila hindi malabo na makuha nila ako. "S-sige pumapayag po ako" Agad kong sabi at sumimangot si Enzo dahil mukhang ayaw nito sa akin dahil lagi nakataas ang kilay niya. " Papa ayuko sa kanya at wala ako tiwala sa kanya" Pagtanggi nito at tumingin ito ng masama sa akin nailang tuloy ako kumain." " Niligtas niya ang buhay mo kaya mag tiwala ka sa kanya at siya na ang magiging personal mong alalay." Paninindigan ng matanda at wala nagawa si Enzo sa desisyon ng kanyang ama. Pagkatapos namin kumain umakyat na si Enzo sa taas at hindi ko na alam ang gagawin ko at napansin ko na nakatingin sa akin ang iba nilang tauhaan. " Sundan mo si Enzo at baka may ipag uutos siya sayo" Utos sa akin ng matanda at agad akong sumunod kay Enzo. Nakita ko ang pinto ng kwarto ni Enzo na naka awang kaya pumasok na rin ako at tinawag ko ang pangalan niya ngunit walang sumasagot. " Sino may sabi pumasok ka sa kwarto ko?" Tila galit na tanong ni Enzo at nilingon ko siya sa aking likuran. Halos maluha ang mga mata ko dahil nakita ko na naka hubad siya at wala siyang suot na kahit ano kaya naman nakita ko ang malaki niyang dragon. Mabilis kong iniwas ang aking mga mata sa hubad niyang katawan at naiinis ako bakit naman kasi ganoon siya. " May kailangan po ba kayo?" Nahihiya ko pang tanong at nagulat ako ng nasa harapan ko na siya at naka titig siya sa mga mata ko. " Lalaki kaba talaga? parang may kakaiba talaga sayo" Nakangising tanong nito sa akin at pinag pawisan ako sa tanong niyang iyon dahil natatakot ako na baka mabuking niya ako. " Ahhmm- opo, lalaking-laki po ako" Taas noo ko pang pagkakasabi at lumayo na ito sa akin kaya naman naka hinga na ako ng maluwag. '' Maliligo ako at ipag handa mo ako ng masusuot" Utos nito sa akin at nagtungo na ito sa comfort room upang maligo na. " Grabe naka kaba naman siya" Saad ko habang nakahawak sa dibdib ko dahil ang lakas ng kalabog nito. Binuksan ko ang closet niya at nakita ko ang napakarami niyang mga damit at hindi ko alam kung ano nga ba pipiliin kong damit na ipapasuot sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD