CHAPTER 21 Napapikit ng mata si Mark sa kanyang hinihigaan na kama habang hinahayaan niyang pumatak ang kanyang sariling luha na nakangiti. Flashback.... "Nakikiusap ako sayo kuya..... si Princess.... Si Princess lang ang buhay ko kuya.... nagmamakaawa ako..... Pakiusap.... mahal na mahal ko sya.... " boses ni Mattew na umiiyak na parang bata na nakaluhod sa harap ng kanyang kapatid. "Huwag mo muna syang kunin sakin..... Ibibigay ko naman sya sayo kung hindi na sya dapat para sakin..... pakiusap huwag ka munang gagawa ng mga bagay na mahuhulog sya sayo kuya.... " dagdag pa nito. "Tsk! Tumayo ka nga dyan!! " Naiinis nitong wika habang hinaharangan nito ang kanyang dadaanan. Ngayong araw ang lipad niya patungong London. Ngunit sa kanyang pagbaba mula sa hagdanan ay nakita niyang d

