PRINCESS HEART

1451 Words
CHAPTER 14 REXJ POV Mula ng malaman kong buntis si Pat at nanganib ang kanilang buhay ay halos lamunin ako ng kadiliman. Dapat simula pa lang ng nawala sya ay hindi dapat ako nagpadala sa sama ng loob ko, dapat mas lalo ko siyang pinaglaanan ng pansin at hindi ako naging kampanti. Hindi dapat ako nagdalawang isip na huminge ng tulong sa kanya... kay inay. It's been five months, pinatagal ko pa ng limang buwan ang pagkawala nya... Si inay within 24hours, nakakuha na agad siya ng impormasyon. Dapat noong una palang nailigtas ko na sila at hindi ko na dapat hinintay na mangyari pa ito. "This is the address of your wife but she's not yet there. You don't have to worry about her Kwatro as well as no stress for her. Nasa Asian Hospital sya ngayon for bed rest. Mahina ang kapit ng bata dahil sa mga araw na masyado syang nag-iisip sa pagkakakulong nya sa hacienda ni Douglas Sagun. Masilan rin ang kalagayan ng pagbubuntis nya lalo pa't not just one lang ang laman ng tiyan nya. Tsk! Kakapacheck up nya lang kanina kaya derecho confine na sya. Regarding sa gender, ikaw na ang tumuklas. All I want to say, wag mong bibiglain ang asawa mo dahil baka may posibilidad na mapaanak sya ng maaga. Alalahanin mo, wala pang pitong buwan ang anak mo at narito tayo sa Pilipinas. Congrats kid! You deserve now to be happy and your mom deserve it too. " wika ni Tito Kim na pinuno nito ang puso ko ng kasiyahan bagamat nag-aalala parin ako. Agad akong tumungo ng Alabang matapos kong makuha ang impormasyon kay Tito Kim. Bawat nasasalubong kong tao ay napapatingin nalang sa akin dahil narin sa taglay kong hitsura. May sadya akong tao sa loob ng hospital na ito. Ang obygyny ng aking asawa na si Doktora Melda Cruz. Mabuti nalamang at katatapos lamang nya sa pagcheck-up sa kanyang pasyente kaya malaya akong nakapasok sa kanyang opisina na ikinatigil ng kanyang sekretarya at maging siya. "Good afternoon. Can I talk to you privately Doc.? " agad kong tanong dito. "S-sure. " nauutal pa nitong sagot. If im not mistaken she is around twenty eight years old and she is pretty enough. Agad kaming iniwan ng kanyang sekretarya. Ipinaliwanag ko ang aking sadya sa kanya na kanyang ikinagulat. Pumayag sya sa gusto kong mangyari. Ang magpanggap na observer niya. Nakiusap rin ako na kung maaari ay puntahan namin ngayon kung nasaan ang asawa kong si Pat. Limang buwan ko na siyang hindi nakikita.... **** "Ang lupit din ng genes ng asawa mo pinsan, kaya pala ganyan kalaki ang tiyan mo, kitang kita dun sa ultrasound kanina na ang tatangos ng ilong eh.... Ano kaya sila!? Babae o lalaki? Bakit kasi ayaw magpakita! For sure matutuwa si Kwarto kapag nalaman nya ito! " walang prenong wika ni Nica kay Pat na ikinalungkot nanaman ng mukha nito. Kagigising lamang ni Patrice ng tanghali na yun dahil sa nanghina ito kanina ng may dugong lumabas sa kanyang hita. Kaya naman pinastay na siya ng obygyny niya at pinagpahinga. Matapos kasi noong araw na nakarating siya sa apartment ni Nica ay akala niya ay ok lang siya pero dun lang lumabas ang pagod ng kanyang katawan. "Halahhhh sorry oiii pinsan wag mo munang pakaisipin ang asawa mo. Dapat healthy ang babies kapag inilabas mo.... Para kapag nagkita ulit kayo ay for sure di yun magagalit. Mauunawaan ka non. Oh ito apple kain ka...." agad nitong wika ng makita niyang napawe ang ngiti nito kanina. Maya maya ay bumukas ang pintuan ng kanilang kuwarto. "Hello ma'am , ililipat lang po namin kayo Maam sa itaas po. Nakaready na po ang kwarto nyo doon. " wika ng isang lalaking nurse. "Wait kuya.... For VIP lang po yung kwarto sa taas diba!? Pang mayaman lang yun kuya diba!? Si kuya patawa eh... Wala po kaming pera pambayad dun, ok na po kami dito.... Baka di po kami yung dapat na ilipat dun... " si Nica na nangingiti sa nurse. "Naku Maam, wag po kayong mag-alala. Bayad na po yung kwarto sa taas ng tatlong buwan!" agad na sagot ng nurse. "Baka di po kami yun kuya. Check nyo po yung patient name nyo.... " magalang naman na wika ni Pat. "Patient name po Mrs. Patrice M. GreenCastos po. Kayo po yun Maam diba?" nakangiti ring sabi ng nurse. "Oo nga, ako yun.... Pero papanong nangyari yun Nurse John ? " nagtatakang tanong nito. "Relax lang po kayo Maam. Wag po kayong mag-alala dahil di po yun makakabuti sa inyo. Sa taas po more relaxing po kayo dun Maam. " pangungumbinsi nito. Walang nagawa ang dalawa kundi ang sumunod na lamang. Sumakay siya sa wheelchair. Tama nga ang nurse na nakausap nila kanina, maganda sa kwarto na ito. Maraming pagkain sa malaking refrigerator, may TV, my sariling banyo, may napakagandang coach at may lutuan na parang bahay na nga kung tutuusin. Pero para kay Pat ay mas ok na nasa bahay nalang siya magbebed rest. Ngunit hindi siya pinayagan ng doctor. Wala pang isang oras ay may kumatok at pumasok sa kwarto, si Doktora Cruz na kasama nito ang isang lalaki na nakaputi tulad niya at may eyeglasses na colored. "Kamusta ka na Mrs. GreenCantos? Nakapagpahinga ka ba? " tanong sa kanya ni Doktora. Si Patrice ay titig na titig sa lalaking kasama niya ng walang emosyon pero ang puso niya ay kumakabog. Ganun rin si Rexj. Gusto niyang yakapin at halikan ang kanyang asawa at para maiwasan ito ay lumapit siya sa doktora at matapos na may sabihin ay lumabas na siya. *** "Pinsan ang gwapo nya nohhhh, first time ko makakita ng ganun kagwapo!!!!! Halos hindi ako makahinga kanina.....!!! Ito pa ha, sya ang magiging private nurse mo pinsan!!! I mean , kailangan mo ba ng magpapakain sayo? Ang social mo ha! Mamaya maya lang nandito nanaman sya..... Crush ko na sya!!!! " si Nica na namumutla. "I think I saw him before...... May kamukha sya pero di ko maalala.... " si Patrice naman na napapaisip. Mabilis lumipas ang mga araw. Si Rexj ay nagtratrabaho gamit ang kanyang laptop na sa mini table ito napwesto at kapag tulog ang asawa ay saka lamang haharap sa laptop. Kung may meeting naman siya ay ang kapatid niya ang umaattend nito. Hindi siya nawala sa tabi ng kanyang asawa. Kapag may kailangang pipirmahan ay si Mr. Arim ang pumupunta sa kanya at tinatagpo nya lamang ito sa cafeteria. Hindi sya masyadong dumidikit sa babae ngunit ang makipagtitigan ang lagi nilang ginagawa. May isa pang nurse sa loob na sya halos ang gumagawa sa pag-aasikaso at umaalalay lamang siya kung kinakailangan. Si Nica naman ay tuwing Sabado at Linggo lamang naroon dahil sa kanyang trabaho sa Munisipyo ng Alabang. Dumating ang araw ng panganganak ni Patrice. Nasa delivery room na ito at inaasahan na normal niyang ipapanganak ang kambal. Ang kambal na di parin malaman kung anu ang gender ng mga ito. Madaling araw na itong naglabor na naalimpungatan si Rexj na dumadaing ito na parang natatae at sumasakit ang tiyan. Ikasiyam na buwan na ni Patrice kaya agad niyang kinontact si Doktora Cruz at agad namang dumating ito. Tulad ng mga baguhan na tatay ay hindi rin siya mapalagay. Alasais ng umaga nang si Patrice ay nanganak. At maaga palang ay nagtipon tipon na ang pamilya ni Jewel sa loob ng kwarto ni Patrice maliban sa magkapatid na Hanna at Kisses. Buhat buhat na agad ni Timothy at Rexj ang dalawang sanggol na babae na pilit pinagsasawaan ng tingin ng mga anak rin nila. "Ang cute nila tatay parang ako..... Tingnan mo oh.... Magkakakulay kami.... Hehe" si princess na nasa gitna ng mga tatay niya. Si Rexj naman ay nasa tabi ni Patrice hawak hawak ang kamay at inaabangan itong magising. Nasa loob din si Doctor Cruz na natutulala sa kanyang nakikita. Panay ang lunok nito ng laway at halos ayaw pang umalis ng kwarto na yun kung hindi pa nagbeep ang kanyang beeper na kinakailangan siya sa emergency room. Si Nica naman ay pumasok ng pintuan. "Ay sorry po.... Mali ako ng pinasukan.... Sorry po talaga! " wika nito na agad ding lumabas ng pintuan. Agad nitong tiningnan ang nametag na nakasulat sa pinto at kay Patrice talaga ang kwarto na iyon ayon sa kanyang isip. "Papanong nangyari na may mga tao sa loob? Hindi ko sila kilala! Oh my God si Patrice!!! " bulong nito na muling pumasok sa kwarto. Ang mga mata ng mga naroon ay nasa kanya at nakangiti. "Hi!!! May be your Miss Nica? " si Jewel na sumalubong sa kanya. "Oyyyy artista ba toh!!!? Ang ganda ganda nya!!! " sigaw ng isip nya. "Y-yes ma'am. Ako nga po. Sino po sila at bakit po kayo --- ayyyy may baby!? Nanganak na siya!!!? " natutuwa nitong tanong. "Yes! Go ahead, silipin mo ang dalawang prinsesa. Ang mga pamangkin mo.... " natutuwang paanyaya ni Jewel. "Hehe mamaya nalang po.... " nahihiya nitong sabi ng makita niyang may mga nagwagwapuhan sa kanyang harapan. "Nasa heaven na ba ako!? Bakit ang daming kamukha ni nurse gwapo!!? Masyado ko na ba syang pinagnanasaan!!!??? Nakakahiya tuloy... Nananaginip ba ako???? May angel ding napakaganda!!!! May ano ba----? " sigaw nanaman ng kanyang isip at kinukurot niya ang pisnge niya at ang kanyang balat sa braso. "Masakit naman.... " nasabi niya. "Are you okay!? " si Jewel na hinawakan ang pisnge ni Nica. " A- A-ano po... Gising pala talaga ako... A- akala ko po kasi ay nananaginip lang ako.... Do- doon po muna ako sa tabi ng pinsan ko... " paalam niya na nangingiti at nauutal at mabilis na pumihit ang katawan paharap kay Patrice. Bigla nanaman siyang napatigil at nagtataka na katabi na ni Patrice si Rexj. "Kwatro!!!! Paanong!!!!! Bakit nandito ka!!!!? Alam mo???? " at sa tanong nito ay nagising si Patrice. Ngumiti lamang siya kay Nica. At hinalikan niya agad si Patrice ng magmulat ito ng mata. Halik na mariin na nakilala agad ni Patrice kaya agad na tumugon habang lumuluha ang mata. Napatigil sila sa paghalik ng makarinig ng iyak ng sanggol. Agad na inilapit ni Timothy at Rex ang mga sanggol na hawak na ikinagulat ni Patrice. "Baby... My meet my two father. Tatay Timothy Green at my Tatay Rex Cantos. "Hi dear.... Ito ang panganay mo wearing a fancy aqua vivid diamond earings.... She's hungry na." wika ni Timothy na maingat na iniabot kay Pat ang sanggol. "Hello dear... Rexj son, alalayan mo ang asawa mo.... Sabay na kakain ang kambal......sabay silang ginutom.... Almost three hours kang tulog hija kaya gutom na talaga itong mga prinsesa mo.... Huling mo naman itong inilabas. She's wearing a fancy ruby diamond earings naman. " pagbati naman ni Rex at ibinigay kay Rexj ang isang sanggol. Agad na umalalay ang nurse na nakaantabay. At ng matapos magpadede sa mga baby ay inilagay ito sa kuna na nasa loob ng room. Nananatiling nakamasid si Nica sa lahat lalo na ng lumapit ang mga ito kay Patrice. "Baby.... Meet my mother... Inay Jewel Cannor. " "Baby wag kang magbiro.... Kanina ka pa eh.... Ang bata naman niya para maging nanay mo, para ngang magkaidad lang kami eh... " nangingiting wika nito. "Hmmmm she look young, but she is 47 years old na baby...." "Hi hija.... Wala kami sa tabi nyo noong ikinasal kayo kaya uulitun natin ha. Sa church naman.... Ok lang ba!? " pagbati ni Jewel na humalik sa pisnge at tanging ngiti lamang ang naisagot ni Pat sa ina ni Rexj. "Baby, my little sister Princess.... ", na itinuro ang halos kamukha ni Jewel para sa kanya ngunit sa kulay nagkaiba na medyo maputi lang ito sa kanya ng kunti at napakaganda ng kutis. "Hello ate. Sa susunod wag ililihim ang kasal ha kasi hindi pwedeng di ako umaabay...." bati ni Princess kay Pat na humalik rin dito. "Pasensya na... " sagot naman ni Pat. Sunod rin niyang ipinakilala ang mga kapatid na lalaki na mas lalo siyang nagulat na hinalikan siya ng mga ito sa labi bukod sa parepareho ang mga mukha nila. Si Nica ay bigla namang napanganga sa kanyang nakita. Nagulat rin si Patrice ng kunin ni Rexj ang piklat niyang sunog sa mukha na ikinahimatay na ni Nica na mabuti nalang at nanalo ni Nathanielt at inihiga sa coach. Bigla rin sumipot si Basty sa kanilang harapan. "Maam Patrice, siya po talaga si Bossing Rexj o Kwatro na baby nyo. Sa kanya po ako nagtratrabaho. Kaya kung nagtataka po kayo noon na di ako nagrereklamo sa pinapagawa nya sakin para inyo, eh dahil takot po ako mawalan ng trabaho hehe" paliwanag naman ni Basty. "Quits na tayo baby ha.... Magsimula ulit tayo.... At wag mo na kong iiwan. Ikaw lang ang buhay ko tandaan mo yan.... I love you.... " si Rexj na hinahalikan ang kamay nito. " Ang dugas mo nakakainis ka...... Nakakahiya tuloy!!!! Nag-iwan pa ko ng pera sayo tapos barya lang pala sayo yun..... " natatawa niyang sabi dito. "Shhhhh tama na..... Magsimula ulit tayo ok. Ang dalawa kong kapatid taon taon nilang binubuntis ang misis nila at puro lalaki kaya maghanda ka, tayo rin baby ko ha dapat may mga lalaki rin tayo. Mabuti at may mga prinsesa na rin tayo... " si Rexj na umiral ang kapilyuhan. "Oo ba basta kaya ko. Ibibigay ko sayo lahat baby ko.... I love you Rexj. " "I love you more baby ko..... " "Bro!!! lang hya ka rin eh, wag ka ng humabol at dehado naman kami. Sayo kumakambal, kami isa isa lang..... " si TJ na napapailing. Matapos ang isang buwan at idinaos muli ang kasalan na kilalang tao lamang ang mga naimbitahan at kasabay nito ay bininyagan ang dalawang kambal. Umattend din si Mayor ng Bulalacao at ang mga magulang ni Basty. Sa reception area habang abala ang bagong kasal sa kanilang trono... (Princess love story continuation) Umattend naman ng kasal ang mag-asawang Revilla kasama ang anak nilang si Mark na pumilit na sumama. "Hi Princess, it nice to see you again... How are you?" si Mark na humalik sa pisnge ng dalaga. "Oh hi Mr. Mark.... Honestly di ako nagpapahalik but dahil sa mabilis ka, you have to pay me billions for that...." biro ni Princess sa binata na ikinagulat ng binata. But it's true. Hindi nagpapagaling si Princess except na siya mismo ang unang bumabati. "I'm just kidding Mr. Mark. Soon naman magiging family member na tayo.... " matamis nitong ngiti dito na ikinabuhay naman ni Mark. Pinaghila nito ng mauupuan ang dalaga matapos bumati at bumalik sa kanyang mga magulang. "Thank you. " si Princess. "You look so fragile hija..... Napakaganda mo like your mom..... " bati ng ni Mrs. Pearl. "Thank you po Tita. By the way Tito, about the last time we talked.... this is the part of it.... Gusto ko po sanang kausapin nyo si Mattew na pamahalaan nya ang isa sa negosyo ko. To be the sub-CEO of PrincessAlrosa Mining Diamond ." seryuso nitong wika. "PrincessAlrosa Mining Diamond!? " sabay na wika ng mag-asawa. Ang PrincessAlrosa Mining Diamond ay nangunguna sa buong mundo na nagsusuply ng diyamante. Kung saan ay mayroong 38.5 million carats. "Eherm!!!" si Senator na nagulat sa kanyang nalaman. "Sa-sayo ba yun hija!? " si Senator na lakas loob niyang tanong. "Opo. Ito po yung regalo sakin ng lolo nung ipinanganak po ako. Im the only one princess na anak ng inay kaya po sa akin ibinigay. Almost eight years ko palang po itong pinapatakbo. You don't have to worry Tito. Aalalay po ako kay Mattew. I will be his secretary secretly. Gusto kong makita kung paano nya aalagaan ang naging daloy ng buhay ko, at kung makakaiwas na sya sa mga babae nya... " Napatango na lamang ang mag-asawa habang si Mark naman ay nakitaan ng pagkalungkot sa mukha. "But if ever po na di ko parin siya mapatino.... " si Princess na tumingin kay Mark... "Kay Mark po ako magpapakasal ayon narin po sa napagkasunduan. Pero si Mark ay walang gagawin against Mattew. Si Mark narin po ang tatakbong sub CEO if ever na umayaw po sya sa kasunduang ito. That company will be his company kapag natuloy po ang kasal namin kaya mas mabuti pong pag-aralan na niya habang maaga pa." na ikinasaya ng mukha naman ng binata. "My parents already know about this po. Kaya just tell it to me Tito kung ready na po si Mattew. You can tell him na po about me but never show my picture. Babaero po yun eh.... Hehe, kahit naman po magsearch sya tungkol sakin, useless din naman po. " nakangiti nitong wika. "Ok hija. I'll inform you soon." si Senator na hindi parin uuweng talunan para sa kanya. He really wanted to be a part of her family talaga. Hindi lang dahil sa yaman ng pamilya, kundi dahil rin sa impluwensya na taglay ng mga Cannor. Napag-alaman niyang tuso at matatalino ang pamilyang ito kaya maingat parin siya sa mga bagay bagay. Totoong tao ang kanyang ipinapakita. Isa si Senator Revilla sa di nasasangkot na corrupt sa kanyang serbisyo kung kayat sa susunod na halalan ay napipisil itong lumaban bilang President ng Pilipinas. *** Revilla Family "I told you before na maeengage ka na next year Mattew! Your almost thirty na!!! And enough playing woman! Dammit it!!" sigaw ni Senator Jong. "Dad! I'm just enjoying my life being single! Isa pa, sino ba yang ipapakasal nyo sakin dad and im sure di kami tatagal nun! " tugon nito sa mahinahon na salita. "Ahhhhaissskt! Sinasabi ko sayo Mattew napakahalagang tao ng pakakasalan mo! At maraming nakaabang na kamay dyan once na inayawan mo ang babaeng ito! Wag mong hintayan na magsisi ka pa sa huli at huwag mong sasabihin na di kita pinaalalahanan! " seryuso nitong pahayag. "I told you already dad, marriage without love can't work out! At kailangan pa talagang magtrabaho ako sa company nya!? How about my business!? " Naiinis na nitong sabi. "Your Kuya Mark can handle your business Mattew for a while. Sa ngayon ang aalagaan mo ay ang PrincessAlrosa Mining Diamond. " derikta na nitong wika. "What!? Are you sure dad? eh very competitive ang business na yun ah!!! It was a huge business! Sa tingin nyo makakayanan ko yun!? " gulat nitong sabi. "Yun ang dahilan kung bakit kailangan mong pag-aralan patakbuhin yun son. Dahil sayo mapupunta ang negosyong yun na pagmamay-ari ng fiancee mo. Yes. Princess Cannor GreenCantos owned that business at gusto nyang makita kung may puso kang mahalin ang naging buhay nya. Mamili ka, tatanggapin mo ba ang hamon nya o your kuya Mark get that opportunity!?" "Si Kuya Mark!? Eh diba sa kanya naman talaga dapat!?" Tsk! " " Your kuya Mark fallen inlove that woman already son kaya gusto nyang makuha muli sayo ang set up na ito. But that woman still choose you pero kung tatanggi ka sa hamon nya si Mark na ang pipiliin niya. " "Wow dad ha. Napakaganda ba niya para mamili. f**k!!! Sound interesting. Ok deal. I grab it. " Si Mark at Mattew ay hindi magkasundo sa lahat ng bagay. Pero iisa ang ugaling taglay pagdating sa babae. "Dad join me.... I'm back and officially devorse. I heard that you talking about Princess Cannor. I'm the elder here so sa akin nyo ibigay ang pagkakataong ito. "Did you already meet her!? " si Mattew "Yes of course!!!! In London. Sya ang dahilan kung bakit hindi nagwork out ang marriage namin ni Stefanie. She is totally a princess! Admirable princess!! " sagot nito na kitang kita sa mata ang kasiyahan. Siya si Mores, panganay sa magkakapatid. Saktong dating niya ay naririnig niyang nagtatalo ang kanyang mga kapatid at ang kanyang ama. Lalo pa ng marinig nito ang pangalan ng babaeng kanyang lihim na minamahal. "Hell you!! This is between me and Mattew. Huwag na ng makigulo. " agarang sagot naman ni Mark na kanina pa tahimik. "Sound interesting huh!!! You both meet her already.... No dad, kelan ako magsisimula!? " si Mattew na lalong nagkaroon ng interest sa babae. Si Senator at Mrs. Pearl naman ay nagkaroon ng problema. Hindi nila inaasahan na ang dalawa sa anak nila ay nahulog na sa dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD