CHAPTER 32 BRILLIANA POV MAGKAKAROON NG POOL PARTY for team building daw ayon kay CEO GCantos para sa dalawang team na magsasagawa ng dalawang produkto na papapatukin sa masa next weekend dahil end of the month na. Kung tutuusin nga ay ginagawa lang talaga namin ito para sa isang kompanya pero sa aming dalawa ni RJ ay kumpetensiya ito kung sino ang mananatili sa iisang puwesto. Kami lang naman talagang dalawa ang maglalaban at hindi kasali ang mga kasamahan namin sa grupo. Nawala na nga sa isip ko na siya ay fiance ko kahit hindi sinabi ni papa na makakasama ko ang lalaking ito rito sa Cebu. Dahil sa totoo rin ang sinabi nito na professional nga siya pagdating sa trabaho. Mag-iisang buwan na ako sa pagtatrabaho at naeenjoy ko na ang magstay dito. Ang linguwahe sa loob ay tagalog at

