CHAPTER 23 HINDI malaman ni Aling Josefina kung sasama siya o hindi sa taong nasa harapan niya. "Nay si ate ikakasal ngayon? " nakatingin si Bambam sa kanyang ina na puno ng pagtataka. "Aba malay ko!!!! " Agad na sagot ni Aling Josefina. " Teyka, mister paano ikakasal ang anak ko eh wala namang nobyo yun? " dagdag nito sa sinabi nasa lalaki naman ang lumingon. "Biglaan po Mrs. pero isa lang po ang masasabi ko. Malaki po ang magiging pagbabago nito sa buhay nyo. Aangat na po ang buhay nyo sa madaling salita. Tara na po dahil aayusan pa po kayo at baka matraffic pa po tayo. " pag-aya na nito sa kanila. "Ay nay tara na!!!! Ito na yun ohhh!!!! Kuya sasama ako basta nandun si ate ha!!! " agad na sagot ni Bambam. "Bambam! " saway ng ina. "Nanay! Sinusundo na nga po tayo ohhh.... Bas

