REXJ meet PAT

3460 Words
CHAPTER 9 REXJ POV Agad na ipinasok ni Basty ang sasakyan sa di kalakihang bahay. May garahe ito sa baba ng bahay. Naikwento sakin ni Basty na ang kanyang ama ay isang Kapitan dito sa Barangay Maahas. Paglabas ko palang ng shotgun seat ay malakas kong naririnig ang masisiglang tunog na halos nakakabinge sa aking teynga. "Naku bosing, bukas po ipapalinis ko ang kubo at ililipat kita sa bukid sa sunod na araw, may kubo po roon, sa ama ko ho yun. Di ho masyadong malakas ang mobile disco doon. Dito po kasi ay ayan lang po sa harapan natin ang court. Every other day naman po yan. Hanggang June. Tsk! Baka sa ngayon mapupuyat kayo at baka sa kwarto ay malakas. Nakakahiya po sa inyo eh. Bukas wala naman po. " nangangamot ng ulo si Basty habang pasigaw na sinasabi ito at ako naman ay pilit kong inaabot ng tingin ang nasa labas ng gate at may nagkukumpulang mga tao sa labas. Marami ring nagtitinda ng kung ano sa bot. " Kaya lang sa kubo wala hong kuryente dun. Dito lang. Yung kwarto dito pinalagyan ko ng aircon para ho sa inyo pero sa tingin ko aayawan nyo ngayon rito. Paano kaya ito.... " si Basty na problemado. " OK lang sa akin sa sinasabi mong kubo basty. " maagap kong sagot dito ng pasigaw rin dahil sa totoo lang sumasakit ang ulo ko sa ingay dahil sa pagod. Maya maya lang ay nakita kong may ginang na papasok sa bukas na gate. Siguro nasa sixty taon gulang na ito. " Oh hayan na pala kayo..... Sebastian!!!! Anak ko!!! " wika ng ginang na agad na sinalubong ni Basty. "Ina mano po... kamusta po? Ang ama po!? Ay ina, ang boss ko po pala si bossing Rexj po pero tulad ng pinag-usapan natin ina ha, ako muna ang amo pag maraming tao, Galingan ang pag arte ina at may bayad po yun hehe!? " si Basty na inakbayan ang ina. "Magandang gabi po. " bati ko at ginaya ko ang ginawa ni Basty na pagmano. Nabasa ko sa aklat na ang pagmano sa mga nakakatanda ay nagpapakita ng paggalang at respeto ng mga Pilipino. Sa London wala nito. "Magandang gabi din sayo senyorito.... Anong trahedya ang naganap sayo senyorito at nagkaganyan ang mukha mo? Hindi naman ganyan ang mukha mo sa picture na pinadala sakin ng anak ko kahapon? Napaano ba iyan, kawawa ka naman...." nag-aalala nitong sabi . "Naku ina, tara na sa loob. Hayaan nyo na iyang mukha ng boss ko. Gwapo parin naman iyan!!! Basta yung usapan natin ina ha. Walang nakakaalam. Baka dayuhin tayo ng mga NPA dito. Boss tara na po sa loob. Pagpasensyahan nyo na po ang bahay namin at parang kusina lang ang laki nito sa mansion nyo....." sensero nitong pahayag at pumasok na sa loob. "Naku senyorito aalagaan ka naman namin dito hanggat nandito kayo. Malaki ang naitulong nyo samin dahil naitayo ang bahay na ito sa pagtatrabaho sa inyo ng anak ko. Salamat sa pagbibigay ng maayos na trabaho sa kanya hijo. Abah driver lamang siya pero ang sinasahod nya sa inyo ay daig pa ang sahod ng isang guro sa public school. Teyka muna at iinitin ko ang ulam nyo ha. Basty paupuin mo muna ang boss mo at yung electrician buksan mo. Buksan mo narin muna ang aircon sa taas. Medyo maingay ano pero di tulad sa labas na nakakabinge. Ang asawa ko nasa court pa nagroronda. Di naman masyadong malakas ang sound sa kwarto basta nakasara ang pintuan at bintana. Ipinuwesto ko yung kwarto mo hijo sa bandang likuran. Yung kay basty ang nasa harapan, yun ang maingay pero kung gusto mo basty maglatag ka sa sahig sa kwarto ng boss mo. " wika nito na nagsimula ng mag-init ng ulam na nakakagutom ang amoy. Ngayon ko lamang ito naamoy. Samantalang si Basty ay agad na sumunod sa ina. Dala narin nito ang mga gamit ko sa itaas. " Ano bang gusto mong itawag ko sayo hijo !? Nga pala nagugustuhan mo itong niluto ko. Sinaing na isda ito, at kung hindi magustuhan ng panlasa mo may inihaw na bangus pa rito at adobong baboy mangyan. Masarap ito hijo. " rinig kong wika nito dahil malapit lang naman ang kusina. Nakakatuwa ang bahay na ito habang nililibot ko ang aking paningin. May pagkakahawig ito sa bahay ng nanay ko na iniregalo sa kanya ng tatay Timothy noong una silang ikinasal. Tama nga si inay na masarap tumira sa bahay na maliit dahil pinaglalapit kayo nito sa isat isa. "Kwatro nalang po ang itawag nyo sakin ina. " magalang kong sagot. "Oh sige Kwatro na itatawag ko sayo ha.... Oh teyka, Sebastian! Halina nat kumain na kayo rito, nainit ko na!!! " sigaw nito. Napatawa ako kasi agad namang bumaba si Basty. "Ina sanayin nyo na munang huwag sumigaw, nakakahiya kay bossing, baka sabihin nag-aaway tayo dito. Pasensya na boss. Ganito kasi dito sa lugar namin,nagsisigawan at maingay, pero hayaan nyo, sana masanay kayo. Tara boss kumain na po tayo at makapagpahinga kayo. " aya nito sakin. Gabi na pero di ko mapigilan ang kumain ng kumain. Napakasarap ng luto niyang sinaing na isda. Di ko natikman ang bangos at adobo dahil sa ulam ko palang ay solve na ako. "Natutuwa ako't nagustuhan mo iyan Kwatro. Bukas ipagpriprito naman kita niyan. Mas malalasahan mo ang sarap ng isda. Ay Basty ipasyal mo si Kwatro sa bukid ha, baka magustuhan nya rin doon. Mas relaxing doon. Papahatiran ko na lamang kayo ng meryenda doon. O kaya doon nalang muna tayo maghapon." suwesyon ng ina. Totoo nga ang sinasabi ni ina. Hindi gaanong malakas ang music dito sa kwarto kaya nakatulog ako agad at dahil narin sa pagod. Maliit ang kwarto ngunit sapat lang sa akin upang makagalaw parin ako ng maayos. Hindi tumabi sakin si Basty dahil maaaring nahihiya rin ito sa akin. Kinabukasan ay maaga akong nagising. Nagugustuhan ko na atang magising ng may masarap akong nalalanghap na niluluto. Talagang nananaisin ko ng magkaroon ng maliit na bahay. Maaga rin akong naligo sa maliit na banyo. Pinatay ko ang aircon at binuksan ko ang kurtina. Binuksan ko narin ang bintana. Napakaganda ng paligid at tanaw ko ang mga bundok sa kalayuan. Nasa itaas rin kami ng bundok. Masarap ang simoy ng hangin. Agad akong bumaba. "Magandang umaga Kwatro, halika ka dito at kumain ka na. Ipagtitimpla na kita ng kape. Wag mo ng hanapin si Basty at madaling pa ay umalis silang mag ama at nangisda. Maya maya ay narito narin yun. " "Nangisda po sila? " ulit ko. "Oo, dyan sa kabilang Baranggay lang, sa Timog. May dagat dyan. Nangulong sila. Babaunin natin sa kubo mamaya at doon tayo manananghalian. Sariwang isda yun at masarap ihawin. Samahan mo na rin ako at mamamalengke tayo kung gusto mo... Ipaglulumpia kita, specialty ko yun at magugustuhan mo rin yun" nakangiti nitong wika. Umupo ako sa upuang gawa sa kawayan at langhap ko nanaman ang masarap na amoy ng piniritong ulam. Ibinigay sa akin ni ina ang aking kape at ng akin itong hinigop ay masarap din ito. "Ano pong kape ito ina? " "Naku Kwatro, nescafe lang iyan na tig dos pesos. :) Nilagyan ko lamang ng kunting asukal na pula.Hala sige kumain kana.! " natatawa pa niyang sabi. Inumpisahan ko na ang pagkain at tama si ina mas masarap ang isda ngayong ipinirito. Maya maya ay may sumisigaw sa labas. "Kapitana!!!! Puto po!!!! Bili po kayo ng puto!!!! Mainit init pa po!!! May kutsiyenta rin po at bibingka!!! " tinig mula sa labas. "Naku si Pat yun. Masipag na bata yun hijo! Mula sa sa kabilang baranggay yan. Ang sabi ko ay ako muna ang una niyang puntahan. Teyka at papapasukin ko. - Nene !!!! Halika at pumasok ka!!!! " sigaw pa nito. Secretly I smiled. Kakatuwa talaga dito. Maingay. "Kapitana, magandang umaga po. Kaganda naman ng sasakyan nyo dyan sa garahe. Gusto nyo po linisin ko, mura lang po. " rinig ko agad na alok nito. "Sa anak ko iyan, bigay ng boss nya. Halika pasok ka at papipiliin ko si Kwatro sa paninda mo. " "May bisita po kayo!? Sige po buena mano! " masigla nitong tugon. "Oo, kaibigan ng anak ko, ahhh ano driver nya. Pasok pasok! " At agad kong naramdaman na lumapit ito sa akin sa may lamesa. "Magandang umaga sayo Kwatro! Halika, pili ka sa pang meryenda mo! Masarap to, ako mismo ang gumawa!!! " bati sakin ng babaeng nasa harapan ko. Agad na bumilis ang t***k ng puso ko. Ang ganda nya sa paningin ko. Habang nilalaro ng hangin mula sa electrician ang kanyang bangs. Ang ganda ng kanyang labi na pinkish. Ang maliit niyang ilong na parang barbie. Ang mata na tamang tama sa bilugan niyang mukha. Iba ang ganda na taglay niya kaysa kay Kisses. Morena din ito. She just wearing a fitted yellow blouse with tukong at nakamedyas. Meron din itong beltbag. May isinubo ito sakin upang bumalik ang aking katinuan. "Diba masarap Kwatro. Wag mo ko pakatitigan nakakatunaw ang ganda ng mga mata mo! Pati ako napapatitig na sa iyo! May lahi ka ba!? Hehe Oh ayan kinagatan mo na kaya bilhin mo na yan ha. Special puto cake ko yan. Ilan ang kukunin mo!?" derecho nitong sabi. "P-pasensya kana!" nahihiya kong tugon. "Ina ilan po ang dapat na kukunin nyo? Masarap po. " si Ina na ang aking tinanong. "Nasarapan ka ba anak!? Hala sige bigyan mo ako ng tatlong balot. Tapos yang bibingka ganun rin. Mamaya ha alas tres puntahan mo kami sa kubo. Naroon kami. " "At sige po Kapitana. Magtuturon po ako mamaya at magbabananaque. Baka gusto nyo narin po ng lutong ulam kapitan!? " "Naku hindi na muna nene at magluluto ako, dumating kasi ang anak ko. Sa kubo kami kakain. Kung gusto mo sumama ka na samin para masaya. Ipapakilala narin kita sa nag iisa kong anak." " Naku po Kapitana sa susunod nalang po, sayang naman ang kikitain ko kapag tumambay ako doon. Ayaw ko naman na eat and run lang ang gagawin ko. Dapat dumaldal rin po ako. Oy Kwarto, lage kang bumili sakin ha. Paano po Kapitana, alis na po ako at ng makarami. " at umalis na nga ito matapos makuha ang bayad. "Oh segi ikaw ang bahala! Mamaya hatiran mo kami ng meryenda ha!!!" pahabol pa ni ina. Ipinagpatuloy ko ang pagkain, pati ang puto ay kinain ko narin dahil totoo ngang masarap ito. Maeenjoy ko ang pagstay ko rito lalo nat may pagkakaabalahan na ako :) Baka nga totoo ang sinasabi ni Basty na dito ko matatagpuan ang mapapangasawa ko. Pagkatapos kong kumain ay lumabas ako ng bahay, pumunta ako sa basketball court tutal ay ala sais trenta palang ng umaga. May mga ilan na naglalaro. May ilan na nanunuod at kakatuwa ang damit ng ilan. Ito na ata ang sinasabi nilang bahag o kasuotan ng mangyan pero ang ilan ay ok naman ang pananamit at may mga kung anung bagay lang sa kanilang leeg o nuo para pagkakilanlan na sila ay katutubo. "Kapatid gusto mong maglaro, halika, sumali ka samin, kulang kami ng isa. Pang-ehersisyo lang sa umaga!!! " aya sakin ng binatang sa tingin ko ay marunong makisama. Agad ipinasa sakin ang bola. "Mga kaibigan lapit muna, ako si Ruben kaibigan, ito si Benjie, si Arab katutubo, si Mark, Arman, Josep, Kawdaf katutubo din, Hans at Jake. Ikaw kaibigan anong pangalan mo? " "Rexj pare. " "Ngayon lang kita nakita dito. Taga saan ka kaibigan!? " "Kararating ko lang kagabi. Ahhh driver ako ni boss Sebastian, anak ni Kapitan. " "Ahhhh si kuya Basty! Kasama ni tatay ngayon yun sa pangungulong ngayon. Teyka marunong ka ba maglaro ng basketball pare?" walang pakiming tanong nito na tumango na lamang ako. " Mabuti naman! Sige hati tayo sa limahan. Benjie, Arab, Jake at ikaw Rexj, grupo tayo!!!! Ohhhh Game!!!! " sigaw nito at nagsimula na ang laro. Nakakatuwa rin silang maglaro, may mga violation silang ginagawa ngunit ayaw kong magsalita. Ito na ang kinasanayan nila siguro kaya sige lang basta ako pinapakita ko ang tamang paglalaro. Hanggang sa matapos. "Kaibigan, panalo tayo!!! Di manlang kami nakascore!!! Lahat shoot mo !!! Galing mo palang maglaro!!! " papuri ni Ruben. "Ruben eh MVP yang kalaro nyo eh! Magaling talaga yan at hindi kayo mamascore dyan. Ace player yan eh!!!! " sigaw ni Basty. "Rexj baka pwede ka naming isali sa liga. Makabawe man lang kami. Lage kaming talo sa laro eh. Kuya Basty, sumali ka narin!!! " paanyaya ni Ruben. "Pag-iisipan namin ha, hihiramin ko muna si Kwatro. May pupuntahan pa kami eh. " na agad namang lumakad palayo. "Sige bukas ulit Rexj! " sigaw sakin ni Ruben. Tumango na lamang ako at sa paglingon ko ay nakita ko si Pat na nakatingin sakin. Kumabog nanaman ang dibdib ko. Nginitaan ko siya at nakakatuwang ngumiti rin ito sakin at kumaway. Ang malala pa ay nagmamadali itong lumapit sakin. "Kwatro!!!! Ang galing mo namang maglaro!!!! Bukas ba maglalaro ka ulit!!!!? Manonood ako ah!!! Oh ito oh may subra akong kutsenta, masarap yan. Meryenda mo!!! Ang pawis mo ohhh tsk!!! Nakakahiya namang ipunas ko sayo itong towel ko at nagamit ko na." "Ha ehh hehe" tanging nasagot ko lamang pero ang gusto kong sabihin ay oo ok lang. Ang ganda nya talaga. *** Nakita ni Basty si Rexj na may kausap. Akala niya ay sumunod na ito sa kanya. Dito niya napansin na parang natutuliro ang kanyang bossing. Bago sa paningin niya ang dalaga. Maganda ito at sa tingin niya ay gusto ito ng kanyang amo. "Anak siya si Patrice. Ligawan mo! Taga kabilang Barangay yan. Masipag.! " biglang wika ng kanyang ina na nasa tabi na niya. "Naku ina, mahal ko po ang trabaho ko. Marami pa namang babae diyan. Tingnan nyo ohhhh gusto sya ni amo. " nakangiting pahayag ni Basty sa ina. "Ay oo nga noh.... Ama halika at tingnan mo, abah yang amo ni Basty ay mapapa-ibig pa ng dilag na tagarito. Pero bagay sila.... " "Sya na ba yung Rexj? abay napakalaking tao eh!!! Magaling rin pumili ng iibigin ano! Hala tama na iyan ina at tulungan mo ko. Maisakay na sa tricycle ang mga dadalhin habang hinihintay natin ay matapos na. Basty, padalhan mo ng damit at baka gustong maligo sa ilog mamaya, matutuwa yun dun. " wika ni Kapitan Simon. "Sige sige, wiling wili na ang batang yan eh, nakalimutan na kong samahan kanina sa palengke, pero mabuti naman at may mga kaibigan na agad. " Sa di kalayuan. "Naubos na paninda mo Pat? " nahihiyang tanong ni Rexj. "Naubos naman lahat. Swerte ka ata sakin eh, buena mano kita kanina eh, bukas ulit ha, ikaw ang una kong pupuntahan Kwatro ha. Oh panu una na ako. Mamayang 3pm ulit!!! Mamamalengke pa ako para sa mga gagamitin ko mamayang gabi. May pasayaw sa court namin, dun ako pwepwesto mamaya sa pagtitinda. Bye muna Kwatro, bukas ulit ha!!! " paalam ni Patrice. Ngumiti nalang si Kwatro sa papalayong si Pat. "Bosing sino yun? Maganda sya... Pakilala mo ko bossing, liligawan ko! " biro ni Basty upang makumpirmado nga ang kanyang hinala ngunit sa halip na sumagot ay tiningnan lang siya nito ng masama. "Nagbibiro lang ako bosing hehe ang kay Kwatro ay kay Kwatro!" agad na bawe ni Basty. "Nga pala bossing may ilog malapit sa kubo, magandang maligo dun bosing, dala kayo ng pambihis nyo! Tumawag rin si Señora Jewel kanina, tawagan nyo daw po. Tara po at papakilala narin po kita kay ama.! " Agad naring sumunod si Rexj kay Basty. Magiliw naman siyang tinanggap ng ama ni Basty at tulad ng ina ng binata ay mas maasikaso si Kapitan Simon sa kanya. Kauna unahang beses na sumakay ni Rexj sa tricycle. Kitang kita sa kanyang mata ang kagalakan na kanyang nararanasan. May pagkakataon pang nauuntog siya dahil sa di maayos na daanan at mabato. Liblib ang barangay nila ngunit karamihan sa kabahayan ay naglalakihan. Ayon sa kapitan ay ipinagbibili sa kanila ng katutubo ang kanilang lupain na di naman nila nagagamit sa murang halaga lamang. Magigiliw na bumabati sa kanila ang mga nakakasalubong. Tumigil ang kanilang sasakyan sa ilalim ng mayabong na puno. "Bossing doon tayo sa kubong yun ! Marami ding punong kahoy sa bawat gilid. Yun ang nagsisilbing bakuran ng kubo bossing. Magugustuhan mo dun at malamig. Mabuti nalang at dala ko ang gitara mo bossing, makakapagrelax ka diyan! " Tanaw ni Rexj ang maaliwalas na kubo. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong kapayapaan sa isip. Ang simoy ng hangin na dumadampi sa kanyang balat at si Pat ang biglang rumihistro sa kanyang isipan dahilan upang siya ay mapangiti. "Mamaya Basty bilhin mo lahat ng paninda ni Pat. Gusto kong tumagal sya dito at kasabay nating umuwi mamaya. " biglang nasambit ni Rex. "Pumapag-ibig na agad si bossing ohhh!!!! Whoooaaaah!!!! Aprobado boss!!!!" sigaw ni Basty. "Mabuti hijo at di ka masilan sa babae! May tuba ako diyan sa kubo at pag-uusapan natin ang panghaharana sa babaeng napupusuan mo!!!!" Segunda pa ni Kapitan Simon na nakangiti. "Ama paano po ginagawa rito ang panghaharana? " deretchong tanong ni Rexj. "Madali lang yun, halikat tumungo na muna tayo sa bukid. Doon ko ituturo. Ang alam ko'y ginawa na ito ng iyong ama sa iyong ina. " wika ng matanda at binuhat ang mga basket na agad tinulungan nila Basty at Rexj. Gandang ganda si Rexj sa kubo. Sa paligid niya ay may malawak na palayan. May mga punong mangga, langka, niyog, aratilis, kalamansi, at saging. Mayroon ding kulungan ng manok sa dulong bahagi ng bakuran at mga bebe na nag-iingayan. May papag rin malapit sa kubo sa ilalaim ng puno at duyan na gawa sa maninipis na hibla ng kahoy. "Bossing relax ka diyan muna, mamaya ipapasyal kita sa ilog!!! Malinaw ang ilog dito bosing, galing sa falls sa ikalawang bundok. Medyo malakas ang agos pero kakayanin bosing." si Basty na nakita niyang nagbubuhat ng kahoy. Agad siyang tumulong. "Naku Bosing huwag na!!!! Mapapagalitan ako ni ama at ina. Isa pa wala namang tao dito bossing kaya chill lang po kayo dyan!!! Kitang kita ako ng mga bantay nyo sa paligid bossing baka mawalan ako ng trabaho kapag naereport nila akong pinahihirapan kita dito!!!! Ang tatalas pa naman ng mga mata nila! " saway ni Basty. Hindi nagpapigil si Rexj sa kanyang pagtulong. Nagsibak din ito ng kahoy pandagdag sa pangpaapoy sa pagluluto ng ina ni Basty. At ng matapos ay nahiga ito sa duyan at nakatulog. Nagising nalamang siya ng nakaamoy nanaman siya ng masarap na iniihaw na isdang tamban at bangus na tansiya niyang malapit ng matapos. "Ang haba ng naitulog mo Kwatro, may panlaban ka mamaya sa sayawan sa kabilang barangay. Samahan mo si Pat mamaya kung iniibig mo siya, wag na patorpe torpe pa dahil maraming pumupurma doon. Wala lang magustuhan ang dalaga. Baka sakaling ikaw na !" wika ng matanda na nakapagpangiti kay Rexj na bagong gising sa duyan. "Kung hinahanap ko si Basty at si Ama hayun sila!!! Nagpapasabog ng abono. Yan ang gawain ng mag-ama pagmagkasama sila. Oh hito humigop ka muna ng mainit na sabaw ng tinola." alok sakin ni ina. "Masipag na bata yang anak ko. Alam mo ba na , nabili itong palayan dahil sa pinangarap ng anak ko na mabilhan ang kanyang ama. Mabuti nalamang at mura lang ang lupang ito. At sakto pa na kakilala ng iyong amang si Señor Rex ang asawa ko kaya naialok nya ng trabaho ang nag-iisa kong anak. Kaybuti ng Panginoon sa amin! " "May lupain nga pala dito ang tatay mo hijo. Malawak din yun. Ang sabi nya noon ay gusto nya mabigyan ng masayang tahanan ang nanay mo. Mula kasi noong isinilang ang nanay mo Hijo, minahal nya na ito. Kaya lang dahil nga sa mayaman ang ina mo ay nagdadalawang isip ito, pero tingnan mo nga naman at dininig ng nasa itaas ang panalangin niyang mahalin rin siya. Si ama ang bumibisita sa lote nyo Hijo. Maganda ang puwesto ng lupa na iyon at marami ng nagtatangkang bilhin yun. Pero sabi ng tatay mo, isa sa inyo magkakapatid ang iibig sa lupang ito, at maaaring ikaw na iyon. ! " mahabang pahayag ni ina. Mabilis lumipas ang oras. Masayang kumain ang mag-anak kasabay ng inuman ng mag-ama na sa unang lagok ay nakapagbigay kay Rexj ng init sa kanyang lalamunan. Tuba galing sa niyog na hindi na niya kayang sundan pa ng inom. Alas dos medya ng nakita ni Rexj si Pat sa mayabong na puno na ibinaba ng motor. Doon kasi nakatutok ang kanyang mga mata kanina pa at talagang hinihintay niya ito habang nagpapatugtog ng gitara. Agad siyang tumayo at gusto niya itong salubungin. Bakas na bakas sa kanyang mukha ang kasiyahan na mapapansin ng mag-asawa. Sinipat pa nito ang sarili kung okay lang ba siya. "Bosing kahit saang anggulo, gwapo ka parin!!!! Useless nga yang peke mong peklat eh, gwapo ka parin. " puna sa kanya ni Basty na di na niya tinapunan ng pansin dahil agad itong lumabas ng bakurang kawayan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD