Chapter 4

1346 Words
MARGARETTE POV Nakaupo lang ako tabi ng kalsada. Hinihintay ko siya. Dalawang araw na ang nakalipas, hindi pa rin nakauwi si Jason. Sobrang nag-aalala na ako. Saan siya dinala ng apat na yun? Ano ang ginawa nila sa kanya? Sa hindi ko nalamang dahilan naiyak na naman ako. Napayuko ako. Hindi ko alam kung ano ito pero parang sa isang parte ng puso ko namimiss ko siya.  Biglang umulan. Naman oh! Nakisama pa ang panahon sa pagluluksa ko. Jason umuwi ka na please! Oo ilang araw ko pa lang siya nakilala, mahalaga na siya sa buhay ko. Siya ang nagbigay kulay sa buhay ko simula nung nawala sina Mama. Siya yung tumulong sa akin para makakain ako. Kaya simula nung gabing kinuha siya ng apat na mga lalaki grabe na ang pagluluksa ko. Ikaw ba naman iniwan ng taong sinabi na hindi ka iiwan hindi ka iiyak? Masakit talagang umasa kahit hindi mo alam kung hanggang saan yung pag-asa na yun. Kasi kung itutuloy mo pa masasaktan ka lang! May naramdaman akong umakbay sa akin. Hindi ko siya tinignan. Nakayuko lang ako habang umiiyak. Ayokong makita niyang umiiyak na naman ako dahil baka malaman niyang siya ang iniiyakan ko. "Margarette..." Tawag niya sa akin. Nakahawak pa rin siya sa balikat ko. Yung boses na yun namiss ko! Bakit ba kasi ang dali kong mahulog ng loob sa isang kakikilala ko pa lang? Hindi ko pa talaga alam kung ano siya. Pero damn! Sa ilang araw ko pa lang siya nakilala napalapit na rin siya sa akin. At masasabi kong gusto ko siya. Maya-maya lang niyakap niya ako. Nasa balikat ko ang ulo niya. Iyak pa rin ako ng iyak. "Sorry iniwan kita." Sabi niya. Medyo basag yung boses niya. Umiiyak rin ba siya? "Sorry hindi ako umuwi." Hindi ko pa rin siya pinapansin. Nakayakap lang siya sa akin. Maya-maya lang humiwalay siya at inangat niya ang ulo ko at nagtama ang mata namin. Tama nga ako, umiiyak siya kasabay ng pagtulo ng luha niya ang ulan. Medyo nilalamig na ako pero hindi ko initindi iyon. Gusto ko siya kausapin pero parang ayaw ng bibig kong bumuka at kausapin siya. "Sorry na..." Pagmamakaawa niya. Pulang pula ang mata niya. Nakatitig lang ako sa kanya. Mayabang na may puso din pala 'to eh! Pero ang ayoko sa lahat eh magsorry sa akin kahit walang kasalanang ginawa. "Ayaw mo ba talaga akong patawarin?" May halong patawa, asar at pagmamakaawa ang sinabi niya. Ni iling o tango hindi ko ginawa. Umiwas ako ng tingin. "Ayaw mo talaga?" Sige Margarette snob pa kahit gusto mo siyang makausap! Nagulat ako ng dumampi ang labi niya sa labi ko. Dampi lang at walang galaw. Pero hindi ko namalayang napapikit ako sa ginawa niya. Humiwalay siya kaya napabukas ako ng mata. Nakita ko ang nakakalokong ngiti sa labi niya. Shet! He just kissed me? Ni sampal hindi ko magawa! Ibig sabihin... "Nagustuhan mo ba? Okay lang ba kung uulitin ko ulit?" Tumayo na ako at papasok sana ng gate pero hinila niya ang kamay ko at hinalikan ulit ako. Ngayon eh medyo torrid na at nasabayan ko na ito. Shet! Ang sarap niyang humalik! Wait! Anong sinabi ko? Naramdaman kong bumukas ang gate. Hindi ko na namalayang pumasok na kami ng bahay. Taas baba ang kamay niya sa likod ko. Nakakabaliw! "Uhm..." Ungol niya sa pagitan ng halik namin. Humiwalay siya sa halik at tinignan ako. "Ano? Pinapatawad mo na ba ako o gusto mo lang tikman ang halik ko?" Tanong niya. Nanlaki ang mata ko at sa hindi ko malamang dahilan... SLAP! Oo! Nasampal ko siya! Umakyat ako sa kwarto ko at nagkulong. Shet bakit nung dumating siya dito sa bahay eh lagi na lang akong umiiyak? Bakit siya ang dahilan ng mga iyak ko? "Margarette please mag-usap tayo!" Sigaw niya sa labas. Dumapa ako sa kama ko at nagtalukbong ng kumot. Bahala siya. Pero ang tanga ko naman! Gusto ko din siyang makausap pero bakit hindi ko magawa? Maraming tanong ang bumabalot sa akin. "Margarette buksan mo 'to!" Iyak lang ako ng iyak. Sige pa Margarette huwag mong pansinin! Ang gulo mo! --- JASON POV P.ta! Hindi na nga ako pinapansin, hinalikan ko pa! Ang tanga ko naman! Mas lalong hindi niya ako papansinin eh! Nakaupo lang ako sa pinto ng kwarto niya. Lock iyon kaya hindi ako makapasok. Ayaw ko namang sirain dahil baka mas lalo siyang magagalit sa akin. Hihintayin ko na lang siyang lumabas para mapag-usapan namin ng maayos yung problema ko. Kung hindi lang nila ako tinangay kung saan hindi sana maging ganito ang sitwasyon namin. Oo nga't  pinapatuloy niya lang ako dito sa bahay niya pero mahalaga na siya sa buhay ko. Gusto ko siyang protektahan sa kung anumang problema na darating sa buhay niya. Sa buhay ko. Naiyak na naman ako. Ang bakla ko! "Margarette, kausapin mo na ako oh!" Pabulong kong sabi. "Buksan mo na ang pinto please!"  Sana naririnig mo ako. ----- Nagising ako nung may naramdaman akong sumisipa sa paa ko. Kinusot-kusot ko ang mata ko bago ko siya tignan. Siya nga! Pero nakakunot ang noo. Naman oh! "Ginagawa mo dito?" Tanong niya. Buti naman at kinausap na niya ako kahit may halong galit ang boses niya. Tumayo ako at hinawakan siya sa kamay. "Mag-usap tayo please..." "Hindi ko kailangan ng paliwanag mo." Sabay pasok sa loob pero bago niya pa nasara iyon pinigilan ko at pumasok din. "Please let me explain, okay? Sorry kung ginawa ko yun ka--" She cut me off. "Sabi ngang hindi ko kailangan ng paliwanag mo!" Sigaw niya at medyo basag na. Bago pa ko makasagot nakita kong tumulo ang luha niya. Alam kong ako ang dahilan ng pag-iyak niya. Ang malas ko talaga! Pupunasan ko sana iyo pero tinabig niya ang kamay ko. "Umalis ka na!" Nakapikit siya kaya umalis na ako sa harap niya. Ito ang mahirap sa aming mga bampira, kung pinapaalis kami hindi na kami naghihintay na sila pa ang magpapalabas sa bahay nila. Kusang kami ang umaalis.  Dumiretso ako sa sala. Ayokong lumabas. Ayaw ko siyang iwan. Gusto ko siyang makausap ng maayos. Gusto kong sabihin sa kanya yung mga sinabi nila sa akin. Gusto ko siyang protektahan. Marami pa akong gustong gawin para sa kanya. Yung hindi siya dapat umiiyak dahil sa akin. Pero ayoko munang sabihin yung totoong pagkatao ko dahil baka mas masasaktan ko lang siya. Okay na itong pinapaalis niya ako sa harapan niya dahil mainit pa ang ulo niya pero alam kong okay lang siya dahil nandito ako. Ayoko siyang masaktan sa lahat na pinaggagawa ko. Narinig ko ang yapak niya pababa. "Saan ka pupunta?" Tanong ko. "Wala kang pakialam kung saan ako pupunta!" "Meron! Huwag kang lumabas!" Sigaw ko. Baka kasi nandyan lang sila sa labas at nagbabantay. "Bakit bahay mo 'to?" Napatigil ako. Bago pa ko makasagot narinig ko nang bumukas at sumara ang pinto. Tumakbo ako sa pinto at salamat naman nandyan pa siya. Kinuha ko ang kamay niya at hinarap siya sa akin. "Huwag kang umalis ng bahay. Mapanganib." May halong pagbabanta ang boses ko para maniwala siya. Pero kinuha niya ang kamay niyang hinawakan ko. "Wala kang pakialam!" Saka siya naglakad palayo pero hinatak ko ulit siya pabalik sa bahay. Kinulong ko siya sa bisig ko. Hindi naman siya nagrereklamo. Naks, nasarapan? Halikan ko na lang kaya ulit? Hahaha!  "Bi-bitawan mo ko!" Medyo mahina ang pagkasabi niya nun. Iba na talaga ang sarap ko palang yakapin? Lol. "Kakausapin mo ko o kakausapin?" Hindi ko pa rin siya binibitawan. "Wala sa choice mo!" "Eh ano? Hahalikan kita, yun ba?" Ang sarap asarin! "Sampal gusto mo?" Natatawang tanong niya. "Inlove ka na sakin niyan?" "ASA KA! Bitawan mo ko!" "Usap o halik?" Hindi siya sumagot. Lumapit ang mukha ko sa mukha niya. 1 inch na lang mahahalikan ko na siya. Hindi siya makatingin sa akin ng diretso. "Usap..." Sagot niya. Kaya nilayo ko ang mukha ko sa mukha niya at may ginawa akong nagpalaki sa mata niya. I kissed her in 5 seconds! Ang sarap sa feeling! Mahal ko na ata ang babaeng 'to! Hahaha!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD