Finale

960 Words
MARGE POV "Anak, ready ka na?" Tanong ni Mama sa akin. Halos dalawang buwan ng matapos mag-propose si Jason, hinanda na agad ng mga magulang namin ang mangyayari ngayon. Hindi ako makapaniwalang gagawin niya talaga 'yon para mapa sakanya na ako. Pero nababahala ako kung sakali mang darating si Lennard at sisirain ang araw na dapat masaya kami. "Opo, Ma." Malumanay na sagot ko. Naramdaman niya atang kinakabahan ako kaya lumapit siya sa akin. "What's the problem?" Tanong ni Mama. Tumingin ako sa kanya at marahang ngumiti pero parang tutulo na ang luha ko kaya napayuko ulit ako. "Kinakabahan ako sa mga mangyayari. Paano kung hindi matuloy?" Sabi ko sakanya. Hinawakan niya ako sa kamay at marahang pinisil iyon. "Huwag kang kabahan anak. Natural lang 'yan." "Paano kung may mangyaring hindi natin inaasahan? Pa'no kung dumating sila para sirain ang araw na 'to?" sunod-sunod na tanong ko. "Huwag mong isipin 'yan. Think positive. Kasal mo 'to kaya huwag kang umisip ng ganyan." Hindi na ako na ako nakasagot pa. Ayoko namang hindi matuloy ang kasal namin kasi pinaghirapan nila itong gawin para sa amin. Maya-maya na lang ay tinawag na kami para bumaba at tumuloy sa wedding hall ng hotel. Maraming bisita at alam kong ang iba ay mga bampira para magbantay. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko kapag natapos ang sitwasyong 'to. Gusto ko lang naman maging masaya kamipara sa pamilya at kaibigan namin. Pero nababahala ako kapag dumating sina Lennard at sirain ang araw na 'to. Nagsimula na ang kasal namin. At halos lahat ng bisita nakangiti sa amin ngayong papunta na ako sa harap niya. Ito na ang pinakamasayang pangyayari sa buong buhay ko. Ang makasal sa lalaking mahal na mahal ko. At mahal na mahal din ako. Sino mag-aakalang bampira ang mapapangasawa ko? Totoo nung una hindi ako naniniwala sa mga bampira kasi ilusyon lang iyon. Pero ng makita ko siya at sinabi niya sa akin ang totoo tinanggap ko siya kahit nagsinungaling siya sa una. Ano pa nga ba ang magagawa ng salitang pag-ibig kung isa naman sa inyo hindi naniniwala sa isa't isa? Kahit may magawang kasalanan ang isa hindi mo kayang tiisin ang sakit kahit gusto mo na siyang patawarin. Pero ngayong ikakasal kami, kakalimutan ko na ang lahat na mga masasamang nangyari kasama siya. Dahil gusto ko puro kasiyahan lang ang mga ikukwento ko sa magiging anak namin. Natapos at nagsimula ang kasal namin na puro halik siya sa pisngi ko. Ang saya lang kahit hindi ito ang tunay na pagkatao ko, ang pagiging bampira, masasabi kong lahat sila masaya para sa amin. —- JASON POV Tatlong taon na ang nakakalipas matapos kaming ikasal. Hindi ko maipaliwanag ang saya namin sa isa't isa sa araw na yun. At nagpapasalamat kami dahil hindi dumating sina Lennard para sirain ang araw namin. Pero nagmamatyag pa rin kami ngayong may magbabalik. Tahimik na ang buhay namin ng pamilya ko. "Baby, nakita mo ba yung maleta natin?" Tanong ng asawa ko. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya pati hinalikan sa labi. Ganun pa rin. Nakakaadik pa rin siyang halikan. "Hindi eh. Aanhin mo ba?" Tanong ko nang maghiwalay kami. "Magbakasyon tayo." sabi niya. "Saan naman?" "Kahit saan. Tatlong taon na tayo nakakulong dito sa bahay." Oo nga naman. Simula nung kinasal kami hindi kami nakalabas ng bahay. Mahirap na baka bumalik pa sila Lennard at ilayo ako sa kanya. "Baka nandun lang sa bodega." Sabi ko at hinalikan ulit siya. Nakakabaliw o ako lang ang nababaliw sa kanya? "Ma! Pa!" Sigaw ng anak namin mula sa pinto. Lumapit ako sa kanya at binuhat siya. Kahit dalawang taon pa lang 'tong anak namin masasabi kong ang bilis niyang lumaki at nagsasalita na rin ng medyo hindi bulol. Para siyang four years old. "Musta ang araw ng Jana baby ko?" Hinalikan ko sa pisngi ang anak ko. Hinalikan din niya ako pabalik. Ngumiti naman ako. "Sama ka ba samin ng Mama mo, anak?" Tanong ko, tumango naman siya. "Saan po ba kayo pupunta?" "Magbabakasyon tayo anak." Sagot ng asawa ko. "Saan po?" Napatawa kami ni Marge. Ang daldal kasi ni Jana. Sa ganitong stage ng mga bampira masasabi kong ambilis nila lumaki. Pero ang kinakatakot lang namin ay ang mapahamak siya. "Saan mo gusto anak?" "Sa beach po." - At gaya nga ng gusto ni Jana pumunta kami sa beach. Pagkababa niya pa lang ng kotse tumakbo agad siya kaya nataranta kaming dalawa ni Marge na sundan siya. Nagtatampisaw siya ngayon sa alon. Napangiti na lang kami siyang pinagmasdan. Yumakap sakin ang asawa ko kaya niyakap ko rin siya. "Ang saya no, Jason? Kahit tao ako tinanggap mo pa rin ako. Kahit hindi tayo pwede dahil iba ka pinaglaban naman kita. At kahit anong nangyaring mga nagpahiwalay sa atin, tayo pa rin." "Yeah, baby. mahal na mahal natin ang isa't isa kaya destiny natin 'tong mga nangyayaring kasiyahan." Sagot ko at niyakap siya. Hinalikan ko siya sa noo. "I love you, Jason." Sabi nia, napangiti ako. "I love you more Marge." Sagot ko. "Yiieee magkikiss na yan!" Sigaw naman ni Jana na nasa harapan na pala namin. Napatawa naman kaming dalawa at binuhat ko si Jana. Wala nang mas makakapasaya sa akin dahil alam ko namang may forever. Kahit ilang taon ang agwat niyo, as long as you love each other, magkakaintindihan ang puso't isip niyo. WAKAS. —- Huhuhu! Sorry po sa matagal na paghihintay sa update! Thank you na din kahit ilang buwan ako mag update ready pa rin kayong basahin 'to. Sobrang busy po eh. Thank you ulit!  May story po si Jana. :) Hindi ko pa alam kung ano ang ilalagay kong title. Feel free to suggest :) Baka po may special chapter 'to. See you po sa next story ko. :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD