chapter 3

2616 Words
Nagising sya ng maramdaman na may nakatitig sa kanya. Unti unti nyang minulat ang mga mata at kinusot ito. Naaninag nya deretso ang mukha ng isang lalaki na nasa kanyang harapan at nakatingin sa kanya Gumolong sya sa kabilang side ng kama para hindi sya matitigan ng lalaki, pero nang akmang gugulong sya ay agad naman syang kinubawan ng lalaki kaya napatingin sya dito " Let me stare you" saad nito at tinitigan sya Ngumiti sya dito at tinulak ito pahiga sa kama " staring is rude" saad nya at tumayo sa pag kakahiga Akmang tatayo na sya sa pagkaka upo sa kama ng bigla syang hilahin ng lalaki at niyakap pahiga " staring to my soon to be wife is not rude, i just wanted to appreciate the beautiful view that sleeping beside me" saad nito at hinalikan ang kanyang noo Hindi nya alam kung ano ba ang dapat nyang gawin, kiligin ba sya? . Pero hindi nya naman ito mahal kaya bakit sya kikiligin, niyakap nya nalang ito pabalik dahil hindi nya naman alam kung ano ba ang dapat naramdaman Ilang minuto silang nagyakapan, hanggang sa napagpasyahan nyang humiwalay sa yakap nito. Umaga na kaya dapat ay kumilos sila at hindi lang na mag yakapan lang sa umaga " Kailangan na nating kumilos may mga trabaho pa tayong aasikasuhin" nakangiti nyang ani Umupo sya sa gilid ng kama para isuot ang sleeper nya. Tatayo na sana ay ng maramdaman ang braso ng binata na yumakap sa kanyang bewang Nakaramdam sya ng kiliti ng maramdaman ang mainit na hininga ng fiance sa kanyang batok na inaamoy amoy nito. Hinaplos nya ang braso nito na nasa kanyang bewang at isinandal ang likod sa binata Kung may makakita sa kanilang dalawa ay hindi nito maiisip na isang force Marriage lang ang relasyon nila dahil sa napaka sweet ng binata sa dalaga " My company can run without me just for a day" saad ng binata sa boritone nitong boses Sinubukan nyang alisin ang braso ng binata na nasa kanyang bewang para makakilos na sya dahil papasok pa sya sa cafe shop nya, pero mahigpit ang yakap ng binata kaya hindi nya ito mabaklas " But i need to manage my cafe, kailangan ko pang mag bake para sa mga order ko" saad nya sa normal na boses " Are you seducing me?" Agad na nakunot ang noo sa tanong ng binata, mabilis ang kanyang ginawang pagharap dito at muntikan pa silang maghalikan dahil sa lapit ng muka ng binata sa muka nya " I- I'm not, that's my normal voice" nautal nyang saad dahil sa lapit ng kanilang mga muka Nakatingin lang sa kanya ang binata at nakita nya ang emosyon na hindi nya alam kung bakit nandoon ang emosyong iyon sa mga mata ng binata na nakatingin sa kanya Itinaas nya ang isang palad at hinaplos ang pisnge ng binata " i miss you" saad nito sa mahinang boses pero sapat na para marinig nya ng klaro Pagkatapos bigkasin ng lalaki ang tatlong katagang iyon na hindi nya alam kung bakit nito iyon binanggit ay hinalikan sya nito. Ipinikit nya ang mga mata at hinayaan na halikan sya ng fiance Hindi nito ginalaw ang mga labi at hinayaan lang na magkadikit iyon. Unang bumitaw ang lalaki sa halik at pinagdikit ang kanilang mga noo habang habol ang hininga Nakapikit ang kanyang mga mata habang magkadikit ang kanilang mga noo. Naramdaman nya ang paghaplos nito sa kanyang pisnge " I want to stay my whole life with you" minulat nya ang mga mata at tinignan ang fiance " i don't want to let you go....." Saad nito pero may huling sinabi ito pero hindi na nya narinig dahil parang hangin nalang iyon Nginitian nya ito at tumayo " kumilos na tayo dahil may mga trabaho pa tayong aasikasuhin" pagkasabi nya niyon ay nakita nya ang pagngiti ng binata at binitawan ang kamay nya Naglakad sya papasok sa cr para maligo. Pagpasok nya ay sinara nya ang pintuan at hinubad ang lahat ng saplot, at naglakad na parang bagong silang hubo't hubad. Agad syang pumasok sa shower at naligo Pagkalabas nya ng cr ay naabutan nya ang binata na naka higa sa kama at naghihintay sa kanyang matapos. Nang makita sya nito na lumabas na ng cr ay tumayo ito sa kama at naglakad sa derektion nya Inamoy sya nito kaya napatawa sya ng mahina. Naglakad ito papasok sa cr kaya naglakad sya papasok sa walk in closet. May mga damit na sya dito dahil pinadala na ng magulang noong nasa cafe sya Scout ang mga magulang dahil prenapare talaga ng magulang ang mga gamit nya na para bang sigurdao na silang papayag sya na titira na sya sa binata Hindi pa man sila nagkalayo ng binata ay narinig nya itong magsalita kaya humarap sya " sabay na tayong baba, ipapakilala pa kita sa mga maid dito sa bahay" tango lang ang sagot nya sa sinabi ng fiance at naglakad na sya papasok sa closet Nagbihis sya ng normal nyang damit. Dress na lagpas sa tuhod nya. Nasanay na sya na iyon lang ang damit nya sa araw araw dahil bagay naman iyon sa kanya at magmukha pa syang dalagang filipina kung tingnan Pagkatapos nyang magbihis ay humarap sya sa isang parang variety mirror, nakadikit lang ang salamin sa kabinet at may space dito na lagyanan ng mga ibang gamit na gagamitin pagkatapos maligo, tulad ng pabango, make up kit nya at blower Kinuha nya ang blower at blinower ang kanyang buhok para mabilis na matuyo. Nang matuyo na ito ay sinuklay nya at hinayaang nakalugay Tinignan nya ang sariling replika sa salamin kung presentable ba sya tignan " your already beautiful" agad syang napatingin sa pintuan ng may marinig na boritoneng boses Nakita nya doon ang kakatapos lang na paligong si anthone. Nag padaloy pa ang tubig sa katawan nito pababa sa v- line nito. Agad syang tumingin sa replika nya sa salamin ng makita ang v- line ng lalaki Naka tuwalya lang ito at ang isang towel ay nakasablay sa leeg nito. Naramdaman nyang naglakad palapit sa kanya ang binata. Hindi nya alam ang gagawin kaya napahawak nalang sya sa gilid ng dress at hinintay nalang ang lalaki Naglakad ang lalaki sa kanyang likod at hinawakan ang kanyang balikat at tinignan ito sa replika. Ramdam nya ang kakaibang pakiramdam sa tyan nya ng naramdaman na may tumusok sa kanyang likuran Hindi sya ganoon ka inosente para hindi malaman kung ano iyon. Para mawala ang kabang naramdaman ay nagsalita sya at ngumiti sa salamin " Ahhhh.... Ipaghanda lang kita ng sosootin mo" kinakabahan nyang saad tumango naman ang lalaki kaya tumalikod na sya dito at kumuha ng mga naka hanger nitong nga polo at texedu Agad syang napahinto sa ginagawa ng yumakap sa kanya ang binata at hinapit sya palapit dito " your so sweet, im great full you are my fiance" Hindi nya alam pero ramdam nya ang napakabilis na t***k ng puso nya. Ngumiti sya at humarap dito, binigyan nya ng destansya ang pagitan nila ng lalaki at pinakita dito ang napili nyang sosootin nito Pagkatapos tanggapin nito ang damit ay nagpa alam na sya dito at kwarto nalang syang maghihintay nito. Hindi na nya hinintay ang maaring isagot nito at naglakad nalang palabas ng closet Pagdating sa labas at maisara ang pintuan ng closet ay sumandal sya doon at hinawakan ang dibdib. Napaka bilis parin ng t***k niyon Huminga sya ng malalim ng dalawang beses at naglakad palapit sa kama. Pagdating doon ay umupo sya sa paanan para hintayin na matapos ang lalaki sa pagbibihis Walang lang trenta minutos ng lumabas na ang lalaki na nagsosoot ng nicktie nito. Nagtama ang mga tingin nila agad syang tumayo at naglakad palapit dito at sya na ang nag soot ng nicktie nito Inilibot ng fiance ang mga braso nito sa kanyang bewang habang inaayos nya ang nicktie nito. Inaayos nya ang ang kwelyo ng texedu nito ng maayos na ang pagkakalagay ng nicktie " Baba na tayo" saad nya Bumitaw sa pagkakayakap ang braso ng lalaki at hinawakan ang bewang ng dalaga at sabay silang naglakad palabas ng silid. Ganoon rin ang posisyon nila hanggang pababa sila ng hagdan Pagdating sa kusina ay iniwan sya nito kaya umupo na sya sa dining. Pumasok ang lalaki sa isang pintuan at ilang minuto lang ang lumipas ng bumalik na ito Agad syang tumayo sa pagkakaupo ng makitang may apat na babae itong kasama, dalawa ay matanda na ang dalawa naman ay mga nasa 40+ pa Naglakad sa kanyang gilid ang binata at hinawakan ang kanyang bewang " Hannah sila ang mga maid dito sa bahay" tinuro nito ang isang matanda na may soot na apron " sya si manang karya" pakilala nito nginitian nya naman ito, Mukha namang hindi ito suplada dahil ngumiti naman ito pabalik sa kanya. Tinuro naman ng lalaki ang isa pang matanda " sya naman si manang pilang" pakilala nito tulad ng nauna ay nginitian nya ito Sunod naman na tinuru nito ang dalawang babae " sila naman si emma at vilma" pakilala nito Ngumiti sya dito " Ito naman si hannah ang fiance ko, dito na sya titira " pakilala ng lalaki sa kanya Pagkatapos na maipakilala sya ng nga ito ay umalis na ito at bumalik sa mga kanya kanyang ginawa, sila naman ay umupo sa dining para mag agahan " Ipakilala kita sa mga boy dito sa bahay para kung may mga mabibigat kang iutos at pwede mo silang tawagin" tango lang ang sagot nya sa lalaki at kumain na ng agahan Tahimik lang silang dalawa na kumain hanggang sa matapos. Walang nagsalita sakanila hanggang sa nasa kotse na sila at ihahatid na sya sa cafe nya Nakatingin lang sya sa labas ng kotse. Hindi sya sanay na nakasakay sa ibang kotse kaya medyo hindi din sya komportable. Napatingin sya sa kanyang hita ng may humawak dito Agad syang nag angat ng tingin sa lalaki na nasa kanyang tabi na nasa daan ang tingin habang ang isang kamay nito ay nasa manobela Hindi nya alam kung ano ang gagawin nya na nakahawak ang kamay ng lalaki sa kanyang hita hanggang sa pumasok sa kanyang isipan ang isang movie na pinanood nya Kinuha nya ang kamay ng lalaki at pinagsiklop ng sa kanya. Napatingin sa kanyang ginawa ang lalaki, pero nginitian nya lang ito Tumingin sya sa labas ng kotse at pinagmasdan ang mga naglalakad na mga tao sa gilid. Hindi nya namalayan na nilaro laro na nya pala ang kamay ng binata kung hindi nya palang ito narinig na nagsalita " Are you ok?" Agad syang napabaling sa lalaki na ngayon ay nasa harapan na ang tingin " Yeah I'm fine why you ask?" Tanong nya, tumingin sandali sa kanya ito bago nagsalita at tumingin sa daan " You're playing with my hands" saad nito kaya napatigil sya Mahina syang tumawa " hindi lang ako sanay na inihatid ako o nakasakay ako sa ibang kotse" pag amin nya " what about you? Umiiling ang katabi " im fine" Tango ang sagot nya dito " did i let you feel sweet or uncomfortable?" Tanong nya Agad naman na napatingin sa kanyang derektion ito at mabilis lang din na bumaling sa daan, mahina itong tumawa " why you ask?" Tanong nito pabalik " The last time i watch a movie, at hinawakan kasi ni girl yung kamay ni boy, while boy feel uncomfortable. Then there's a another movie i watch na hinawakan ni girl yung kamay ni boy and the boy find it sweet....so...." Pag kwento nya " do i let you feel uncomfortable or you find it sweet?" Naramdaman nyang huminto na sila kaya tumingin sya sa labas at nakita nya ang cafe shop nya. May mga worker na nasa loob at naglilinis ng mesa at nag mop " The truth is..." Humarap sya sa binata at agad na nagtagpo ang mga mata nila ng sabay silang tumingin " i feel uncomfortable, dahil hindi ako sanay na may humawak sa kamay ko maliban kay mommy" agad nyang binawi ang kamay ng marinig ang sagot ng lalaki Nakaramdam sya ng kalungkutan sa sagot nito. Nang bawiin nya ang kamay ay mabilis naman ang kilos ng lalaki at hindi sya hinayaan na bawiin ito at mas hinigpitan pa ang pagkakahawak " And i find it sweet" agad na bawi nito kaya hindi nya napigilan ang ngiti na kumawala sa kanyang mga labi Pagkatapos magsalita ng lalaki ay natahimik silang dalawa at mabilis syang sumandal sa sandalan ng upuan at tumingin sa ibang derektion para maitago ang pag iinit ng pisnge Naramdaman nya ang mainit na kamay na dumapo sa kanyang pisnge at pinaharap sya sa katabi. Unti unti nitong nilapit ang muka sa muka nya Hinintay nya ang pagdampi ang mga labi nito sa kanya pero hindi nya iyon naramdaman sa mga labi kundi sa noo nya, kaya ngumiti sya Binitawan ng lalaki ang kanyang kamay kaya lumabas na sya ng sasakyan nito. Napangiti sya ng lumabas din ito ng sasakyan at naglakad sa harapan ng kotse kaya naglakad din sya palapit dito Umupo ito sa hood ng kotse at hinila sya palapit dito. Agad na nilibot ang mga braso nito sa kanyang bewang at hinapit sya palapit dito " Can i just stay with you all day?" Pinitik nya ang noo nito " Pumunta kana sa opisina mo" saad nya at binaklas ang paglakayakap nito Nang mabaklas nya ay naglakad na sya, agad naman syang napahinto ng hinawakan nito ang kanyang kamay at parang bata na ayaw magpa iwan " What?" Kinilig nyang ani She was dreaming of having a man in her life like the leading man in every romance drama or movie she watch. Hindi nya akakalain na mangyayari pala sa kanyang buhay ang mga nakakakilig na scene sa mga movie na pinanood " I will miss you" saad nito na parang bata Tumawa lang sya ng mahina at inagaw ang kamay nya at naglakad na palayo dito " ingat sa byahe papunta sa trabaho, see you" saad nya at deretso na pumasok sa cafe nya Pagpasok nya ay agad syang napahinto ng makita ang mga worker na may mga kakaibang ngiti sa mga labi nito. Konot noo syang naglakad palapit sa mga ito " Parang ang saya natin ha?" Naguguluhan nyang tanong sa mga ito " Sino yung binata na yun?" Konot noo syang napatingin sa isang medyo nakakatanda na employee nya Nang marealize kung ano ang sinasabi nito ay naramdaman nya ang pag iinit ng pisnge at ang ngiting hindi mapigilan. Hindi nalang sya sumagot at deretso nalang sa pag akyat sa second floor dahil doon naka pwesto ang kanyang office Hindi nya akalain na nakita pala iyon ng kanyang mga employee. May naramdaman syang hiya pero mas nangibabaw ang kilig na naramdaman nya Kilig dahil sa mga hokage moves ng binata, na para ba silang mga teenagers na sobrang inlove sa isa't isa at hindi akalain na isang force Marriage lang iyon Sikat ang pangalan ng lalaki sa business world at minsan nya na rin nababasa sa mga balita na, cold ito at cruel pero sa mga pinapakita nito sa kanyang ugali ay wala sa dalawa na nabanggit ang ugali nito maliban sa sweet at ang hokage moves nito Siguro kung hindi sya nag volunteer na sya nalang ang ipakasal sa gusto ng magulang para sa kakambal siguro ay hindi nya mararanasan ang ka sweetan ng isang anthone fuentaverde Siguro busy lang sya sa cafe nya at sa mga pang rereject sa mga manliligaw nya. Nakakatuwa at may isa palang lalaki na kaya syang pakiligin at hindi lang sa mga drama na napapanood kundi sa totoong buhay nya
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD