" Mom i said i don't" she was just sitting on the other side of the sofa listening on her mother and sister argue
kanina pa ang mga ito na nag sasagutan dahil sa gusto ng magulang na ipakasal ang kapatid sa anak ng kaibigan ng mga ito, pero may nobyo ang kapatid at ayaw nitong magpakasal sa iba maliban sa nobyo nito
" Broke up with your boyfriend and marry the man we want for you" saad ng ina habang nakahawak sa bewang nito at kaharap ang kapatid
Araw araw na nagsasagutan ang mag ina lalo na kapag nasa hapag kainan at pinag usapan ang petsa ng kasal ng kapatid, pero ang kapatid ayaw hindi pumapayag sa kagustuhan ng magulang
Naawa na sya sa kapatid dahil sa pinipilit ng magulang na ipakasal ito sa ibang lalaki kung may nobyo naman ito. Gusto na nyang matigil ang pag sasagutan ng mga ito kaya tumayo sya at sumabat dito
Agad namang napalingon ang mga ito, pati ang ama na may kausap sa cellphone nito. Nakaguhit sa mga mukha ng mga ito ang gulat at hindi pag akala na sasabihin nya iyon
" H....hannah" hindi makapaniwala na tawag ng ina sa pangalan nga
Naglakad palapit sa kanya ang kapatid at niyakap sya " thank you twiny" malambing na saad nito
Tinapik nya ang likuran nito at nginitian, unti unti naman na bumitaw ito
Pagkatapos nyang sabihin iyon ay umakyat sya sa kanyang silid para magbihis dahil kailangan nyang pumasok sa cafe shop nya. Hindi nakapagsalita ang magulang sa kanyang desisyon maski sya ay hindi makapaniwala
Nasabi siguro nya iyon dahil sa napapagod na syang marinig ang pagsasagutan ng nga ito na pareho lang naman ang resulta. Aalis ang kapatid at mag alala naman ang magulang
' I will marry who's the man you wanted to marry haliya' ipinatong nya ang ulo sa lamesa na nasa variety mirror. Napa isip sya kung tama ba ang naging desisyon
" Anak... nandito kaba?" Agad syang napatayo sa kina uupuan ng marinig ang malambing na boses ng ina
Naglakad sy palapit sa pintuan at pinagbuksan ang ina " ano yun mom?" Tanong nya ng mabuksan ang pintuan
" Pwede ba kitang makausap?" Tanong nito, tumango sya sabay ngiti
Nilakihan nya ang pagbukas ng pintuan at pinapasok ang ina. Naunang naglakad sa kanya ang ina dahil sa sinara pa nya ang pintuan. Pagkatapos isara ang pintuan ay sumunod sya sa ina
Natagpuan nya ang ina na nakaupo sa sofa na malapit sa bintana ng kanyang silid. Umupo sya sa kaharap na sofa na kina uupuan ng ina at nasa gitna nila ang bilog na lamesa na may flower vase
" Ano ba ang pag uusapan natin mom?" Kahit may edeya na sya kung ano ang pwede nilang pag usapan ay nagtanong parin sya
Hinawakan ng ina ang kanyang kamay at inilagay sa ibabaw ng lamesa, may pag alala itong nakatingin sa kanya habang hinihimas ang likod ng kamay nya
" Anak..... Siguro ka ba sa sinabi mo" nag alalang saad nito
Bumuntong hininga sya at hinawakan ang kamay ng ina " hindi ko rin alam mommy pero ayaw kung nakikita si haliya na nasasaktan" pag amin nga
" Pero kalayaan mo ang naka atang dit---"
" Bakit kay haliya ba ay hindi, mom may nobyo si haliya mahal nila ang isa't isa kaya bakit mo sya ipilit na ipakasal sa taong to kung may mahal naman itong tao" putol nya sa ibang sasabihin ng ina
Bumuntong hininga ang ina at tumingin sa labas ng bintana. Sinundan nya ang tingin ng ina at nakita nya ang dalawang tao na nag uusap sa loob ng gazebo
" Mom unfair kayo kay haliya, kayo ang nagdedesisyon sa buhay nito samantalang hinahayaan nyo ako sa gusto ko" saad nya sa kakaibang emosyon
Tumingin sa kanya ang ina at hinaplos ang kanyang muka " anak hindi naman iyon sa ganoon pero anak ginagawa namin iyon dahil para sa kinabukasan ni haliya, May tiwala kami sayo----
" At kay haliya wala, mom malaki na ang kakambal ko alam nya ang ginagawa, wag naman na natin masyado pakialaman ang buhay nya" putol nya sa ina
Hinawakan nya ang kamay ng ina na nasa kanyang pisnge at ngumiti dito " mom madali lang naman ang magpakasal sa sinasabi mong lalaki dahil sabi nyo mabait ito at hindi babaero, kaya ko to,wag lahat iatang sa balikat ni kambal ko"
"We have a dinner meeting with them " nakangiti na saad ng ina kaya nginitian nya ito pabalik " papasok kaba sa cafe mo?"
Mabilis syang tumayo ng ipinaalala ng ina na papasok pala sya sa cafe shop nya " I almost forget" saad nya at humalik sa pisnge ng ina, naglakad sya study table nya at kinuha ang pursue nya
Bago sya umalis ay bumaling sya sa ina " Etext mo nalang sa akin kung saang restaurant para deritso na ako mamaya" saad nya at nginitian ito
Habang naglalakad pababa sa hagdan ay may narinig syang nag uusap sa malambing na boses. Pagdating nya sa baba ay nakita nya ang kakambal at ang nobyong si Jeffrey na naka upo sa mahabang sofa at naglalambingan
" Wag masyado maglambing sa isa't isa baka magkaroon ng langgam dito sa loob ng bahay sa ka sweetan nyo" pagbibiro nya
Tumingin sa kanya ang kapatid na may ngiti " ganito kapag mahal nyo ang isa't isa" tumawang saad nito
" Try having relationship with someone you love" sabat naman ni Jeffrey
Agad syang umismid dito " naku wala namang lalaki ang magtatagal sa akin"
" Ikakasal kana kaya yun na Yung lalaki magtatagal sayo" saad ng kakambal at umupo sa kandungan ng nobyo
" Hindi ko naman yun mahal" saad nya at naglakad palapit sa kakambal para humalik sa pisnge nito " oh sya aalis na ako kailangan kung pumasok sa cafe ko busy pa naman ngayon" saad nya at naglakad palabas ng bahay
Seeing her sister that happy made her happy to. Hindi na nya kailangan ng ibang tao para magpasaya sa kanya hanggang nakikita nya na masaya ang kakambal ay masaya na rin sya
Deretso ang paglalakad nya papunta sa kanyang kotse na binagay ng papa nyo noong nag debut sila ng kapatid. May sasakyan rin ang kapatid, tulad nya regalo din ito
Nang makarating sa sasakyan ay binuksan nya ang driver seat at umupo dito. Pinasok nya ang susi sa keyhole nito at nang umandar ay agad nya iyong pinatakbo palabas ng garahe
Nag makarataing sa parking lot sa harap ng H cafe shop ay pi nark nya ang kanyang kotse. Pagkatapos ma ipark ay lumabas sya bit bit ang pursue nya
Naitayo nya ang kanyang cafe shop nag aaral pa sya ng second year sa college sa kursong business. Dahil na rin sa hilig nya sa pagbabake ay nag aaral din sya ng pagluluto sa bahay para mahasler sa pag bake
Grumaduate sya sa edad ng twenty- two, samantalang ang kakambal ay grumaduate sa edad na twenty. Hindi sila sabay na grumaduate dahil sa narin sa aksidente na nangyari na dahilan ng pagkacoma nya ng isa at kalahating taon
Ngumiti sya sa costumer na naka upo sa malapit sa pintuan ng makapasok sya sa loob. Napakarami ang mga naka upo sa mga table ng makapasok sya ng tuluyan. Deretso sya sa paglalakad paakyat sa second floor dahil nandoon ang kanyang opisina
Halos puno ang mga table sa second floor ng makapasok sya. Ngumiti sya ng magkatagpo sya ng isang waiter. Deretso sya sa pagpasok sa kanyang office at nilagay ang kanyang bag doon, hindi naman sya nagtagal doon at bumaba na rin para tumulong sa mga trabahante
" Ma'am kaya naman po namin hindi nyo kailangan tumulong" magalang na saad ng kanyang cashier
Nginitian nya lang ito at nagsoot ng apron. Wala ng nagawa ang cashier ng lumabas sya sa counters at naglakad palapit sa mga customer para kunin ang mga order ng mga ito
" Dito sir" nakangiti nyang ani sa bagong dating na customer. Iginaya nya ito sa isang lamesa upang doon hintayin ang oorderin nito
" Ano po ang iinumin nyo?" Tanong nya ng maka upo na ito, tumingin muna ito sa cellphone bago sumagot
" Mamaya na muna, may hinihintay pa ako" tumango tango sya at umalis sa table nito
Babalik sana sya sa counter ng may makitang pamilyar na babae na naka upo sa isang table at nag iisa. Naglakad sya palapit dito para siguraduhin kung tama ba ang nakikita nya
" Athena" nagdadalawang isip nyang banggitin ang pangalan ng kaibigan. Tumingala ito at nagtagpo ang kanilang mga tingin
Walang emosyon itong bumalik ng tingin sa mocha latte nito kaya umupo sya sa harapan nito. Malungkot ang kaibigan ramdam nya ito kaya siguro ay nandito ito sa cafe nya para may karamay
" Nagkasagutan nanaman kayo ng mama mo" tumango ang kaibigan at sumandal sa sandalan at nilaro laro ang mocha latte nito
Bumuntong hininga ang kaibigan para maalibas ang mabigat na nararamdaman nito. Pumupunta ang kaibigan dito sa cafe nya para dito magpalipas ng araw. Hindi na rin sya magtataka kung sasabihin nito na dito ito matulog dahil ayaw nitong makita ang ina
" Pinagsabihan ko lang naman yung anak nya na huwag kukuha kuha ng pera sa pitaka ko pero Yung malanding yun pinagtanggol pa ito at ako pa naging masama" himutok nito
Kita nya sa itsura ng kaibigan ang inis dito kaya hinawakan nya nalang ang kamay nito dahil wala naman syang masabi dahil hindi nya alam kung ano ang sasabihin para gumaan ang loob nito
Nagkaroon ng bagong asawa ang ina ng kaibigan noong nag edad sya ng sampo. At nagkaanak, may mga kapatid sya apat, isa doon ay dalaga na at nasa fifteen na ang edad at yun ang hindi nya makakasundo
Mabait naman ang step father ni athena pero itong nanay nya lang ang hindi nya maintindihan dahil parati nitong pinamuka na masama sya tulad ng tunay nitong tatay
Hindi nakilala ng kaibigan ang tunay nitong tatay dahil sa nabuntis lang naman ang nanay nya sa isang lalaki doon sa dating pinagtatrabahuan ng nanay nito. Dating bar worker ang nanay nito kaya nabuntis
" Maghahanap na talaga ako ng maari kung asawahin para makaalis na sa bahay ng mga iyon" napatawa sya sa sinabi nito
Kilala nya bilang isang play girl ang kaibigan dahil kahit sino sino lang ang boyfriend nito pero hindi naman seryoso. Lahat nalang ng lalaki na nakilala ng kaibigan ay hindi na ito seneryoso dahil sa alam na nila kung ano ang kaibigan
" May seseryoso kaya sayo?" Biro nya
Bumuntong hininga ito at nag pout " yun nga ei, lahat nalang ng lalaki ko hindi ako seneryoso"
" Mahilig ka kasing maglaro sa mga lalaki yan tuloy wala ng sumeseryoso sayo"
" Ikaw rin ba kaya wala kang jowa"
Binitawan nya ang kamay ng kaibigan at sumandal sa sandalan " hindi ko ba alam kung bakit tumitigil sa panliliwag sa akin Yung mga lalaking yun"
" Gaga malamang nirereject mo" malakas na saad ng kaibigan kaya tinampal nya ang kamay nito na nasa lamesa
Umismid sya sa sinabi nito " if a true man wanted a girl to be with him, even how many times the girl rejected him, he will still court untill he can achieve what he want. It just like a dream, you keep on pursuing untill you achieve the price"
Napa hist naman ang kaibigan at uminom sa latte nito " hindi naman sa lahat ng panahon kailangan mong mag go kapag ramdam mo na wala ka talagang pag asa, kailangan mo ring mag stop at maghanap ng iba para makuha mo ang gusto mong i achieve. At yung mga nanligaw sayo tumigil yun dahil ramdam nila na wala silang pag asa sayo"
" And I'm to cute para sagutin sila" pagbibiro nya dahil naging seryoso ang pinag usapan nila
Tumingin sya sa labas ng cafe at pinag masdan ang mga nagpapark na bagong customer ng cafe. Sa kanyang peripheral vision ay nakita nya na nakatingin din ang kaibigan sa labas
Gusto nyang sabihin sa kaibigan ang nangyari kaninang umaga pero hindi nya alam kung paano ito sasabihin. Tumingin sya sa kaibigan na nakatingin sa labas, bumuntong hininga sya para kumuha ng lakas ng loob na sabihin dito
" I'm getting married" nasamid naman sa sariling laway ang kaibigan at tumingin sa kanya
" Ano? May jowa kabang hindi ko alam tas nag propose sayo ng hindi ko alam? What kind of friend you are, alam mo ang nangyayari sa buhay ko samantalang ako hindi ko man lang alam na may jowa kana at ikakasal pa. You are unbelievable hannah" agad nyang tinampal ang kamay nito sa mga sinasabi
Grabe kung makapag react nagdadrama agad. Kaya minsan nagdadalawa isip syang magsabi ng mga desisyon dahil sa over react ang matalik na kaibigan. Hindi nya ba alam kung bakit sila nito magkaibigan
" Hinaan mo nga ang boses mo" saway nya dito at kinuha ang latte at iniinom, hindi naman nagbigay ng reaction ang kaibigan sa pagkuha nya ng latte dito dahil nagkasanayan na sila
" No! Traidor ka" himutok nito at nag cross arm
Inirapan nya ito at sumandal sa sandalan " How i became a traitor?" Nagmamalditahang saad nya
" Ikakasal ka without me knowing na may jowa ka palang hindi ko alam" maldita nitong saad at tinuturo sya
Binaba nya ang kamay nito na nagtuturo sa kanya " sino ba ang nagsabi na may jowa ako?"
" Wala kang jowa pero ikakasal ka? Ano yun walang ligawan? Walang date? Proceed to married na?" Sarcastic nitong ani
" Pwede ba wag kang masyadong mag react para kang tanga"
Napahawak ang kaibigan sa dibdib nito at nakanganga ang bibig na parang hindi makapaniwala sa sinabi nya. Tumingin sya sa labas " gusto nila mommy na ipakasal si haliya sa anak ng friend nila, they keep on arguing every morning at narindi ako. Kaya sumabat ako this morning at sabi ko ako nalang yung magpakasal sa anak ng kaibigan nila. Hindi ko rin kayang makikita na nasasaktan si haliya dahil ipagpilitan nila mom na maghiwalay sila ng boyfriend nito..." Huminto muna sya at tumingin sa kaibigan na may manghang tingin
" Ang bait mo namang kakambal" asar nito
" Hindi naman sa mabait, i just can't bare to see haliya in pain. Sila dad na ang nagdedesisyon sa buhay nito, pati ba ang pag aasawa sila parin. May mahal si haliya, at ayaw kung maghiwalay sila dahil sa ipilit na ipakasal ito sa hindi nito mahal. As for me single naman ako, at wala nang pag asa na may magtatagal pa na manligaw so it's better to married in arrange para hindi na hastle"
Tango tango lang ang kaibigan sa sinabi nya " haliya is really great full to have a twin like you even though may kasalanan ito sayo"
" Wala namang may kasalanan siguro non. Alam ko na nga na may heart is weak tapos pumatol pa ako sa kamalditahan ng kakambal ko at dahil sa napikon din sya nagkasagutan kami hanggang sa inatake ako, hindi ko pa masyado naalala ang nangyari pero i feel na ganoon ang nangyari" paliwanag nya
Natahimik silang dalawa, hanggang sa may marinig silang malakas na pag usog ng lamesa. Agad syang napa angat ng tingin at dumako sa isang lalaki na tumayo at basa ang mukha nito
May kaharap itong magandang babae, sa tingin nya ay magjowa ang mga ito at nag away. Agad syang tumayo at naglakad palapit sa mag jowa. Na nag away
Hindi nya sana gustong maki alam pero nasa loob kasi ang mga ito sa cafe nya at nakakakuha na ng attention ng ibang customer
" Sa labas nalang kayo mag away ma'am sir, nakakuha na kasi kayo ng attention sa ibang customer" pagitna nya, tumingin sa kanya ang lalaki at agad na kinuha ang jacket nito na nasa sandalan ng upuan
" What's your problem woman, i don't even know you?" Saad nito at tumingin sa kanya " I'm sorry for what happened" tumango at ngumiti lang sya sa lalaki
Naglakad na ito palabas ng cafe nya kaya humarap sya sa mga customer at pinakalma na ang mga ito " balik na kayo sa mga ginagawa nyo"
Bumaling sya sa kinauupuan nila ng kaibigan. Agad na nakunot ang kanyang noo ng makita na wala na ang kaibigan. Nilibot nya ang tingin para hanapin ang kaibigan pero hindi nya ito nakita
Ilang oras muna syang nanatili sa cafe at tinulungan ang mga crew para mapadali ang trabaho dahil parami ng parami ang mga customer na pumasok sa loob kay medyo naging busy sya