Ngayon na sa harap nako ng hapagkain sa mahabang lamesa. Kasama ang mag asawa na magulang ko raw rito, pati narin ang isang binata. Nandito rin ang prinsipe at apat pang babae na nasa gilid nya, kaharap ko sya. Kahilera ko ang mag asawa na matanda at ang binata.
"Kung maayos na ang lagay ng anak ko zayus maglalakbay na kami matapos kumain. Nais ko pa sana magtagal rito ngunit hindi na kaya ng akin oras dahil may kailangan pa akong asikasuhin." Pagbukas ng usapin ng mahal na hari. Seryoso ang tindig nya may balbas pero kita sa kasuotan ang kapangyarihan. Kakaiba kasi ang mga kasuotan nila.
It's heavy but looks expensive.
Tumingin naman sila sakin ngunit hindi ko sila pinansin. Tutok lang ang mata ko sa mga nakalatag na pagkain. Kahit hindi ko gusto ang nakahain ay kumain pa rin ako para hindi mapaghinalaan. Katulad ng sabi ni madi huwag kong ipaalam na nawawala ang alaala ko kahit hindi naman. Iba lang talaga ang pumasok sa katawan nato.
"Hayaan nyo pong ihatid ko kayo sa hangganan para maayos na makapag pa alam amang hari. " Ngayon ko lang napansin na may dimple pala sya kapag ngumingiti. Ngunit kahit nakangiti ay bakas parin ang karangyaan at kapangyarihan. Napatingin naman sya sakin at masama na naman ang tingin. Pasimple naman akong umiwas ng tingin.
Pinakiramdaman ko nalang ang paligid at tahimik lang na kumakain ang ibang babae nya, ngunit nakikita ko ang pagsimpleng sulyap nila sakin tapos ngingisi.
So bully pala talaga sila?
Bakit kasama namin sila kumain ,diba dapat kami lang ng magulang ko ang nandito.
Bakit may mga kabit.
Nacuculture shocked ako dito.
Kung normal na tao baka magpatayan na sila pero sa nakikita ko para bang close pa sila.
Bumalik ako sa kwarto ng matapos kumain kasama si madi.
Tumapat ako sa malaking glass window at tinignan ang mga nag gagandahang bulaklak na nasa garden. Iba iba ang mga klase may roses, tulips ,lavender, marigold.. at ang iba familiar pero hindi ko maalala. Pero ang pagkakaayos nila ay kaakit akit sa mata ng mga tao. Napaligiran din ng mga matataas na puno.
Meron din naman samin sa bahay pero hindi ganito kaganda.
Kumunot ang noo ko ng may mapansin na mga nakatayo sa mga sulok ng garden.
"Madi, bakit may mga lalaki sa garden. Parang mga hindi gumagalaw?" Kunot na tanong ko habang nakatingin sa mga lalaki.
"Sila ang mga bantay ng palasyo mahal na prinsesa." Ani nya.
"Bakit may bantay?" Ano to kaharian? Dynastiya?
"Sila ang mga kawal ng palasyo mahal na prinsesa."
Parang inulit lang nya ung sagot e.
Pero kung ganon rich pala ang lalaki?
Ang asawa nya dito...
I mean yung asawa ng may ari ng katawan na'to.
May narinig akong kumatok sa pinto ngunit hindi ko nilingon.
Ilang segundo ng sumara ito.
"Maglalakbay na kami iha." Napalingon ako ng marinig ang boses ng babae na may edad.
Sya yung nanay ko dito.
Hindi ko man sya totoong magulang , naguilty ako sa inasal nitong mga nakaraan. Alam kong hindi ko katawan to pero siguro naman hindi ko kailangan maging bastos sa harap nila diba?. Nang mapansin na hinihintay nila ko, tumango ako at lumapit. Yinakap ko sya naramdaman ko naman ang pagpatak ng luha nya.
Para syang si mommy.
"Mag iingat ka rito anak, sabihin mo sakin kung may problema ha." Maluha luha saad nya ng kumalas ako. Tumango ako at nagsalita.
"Opo ina pasensya napo kung hindi ko kayo pinansin nitong mga nakaraan araw, masama po kasi ang pakiramdam ko." Nakangiti saad ko. pilit naman na tumango sya at ngumiti. "Naiintindihan ko athena anak. Sadyang nag aalala lamang ako sayo." Malumanay na sagot nya. Tumingin naman ako sa lalaki may edad.
Lumapit ako at yumakap din sa kanya. "Ama, mag iingat po kayo." Hinagod nya muna ang likod ko bago kumalas. Kita sa mata nya ang lungkot na pati narin ako ay nahahawa.
"Ikaw rin athena, ingatan mo ang iyong sarili. Huwag mo hayaan na saktan ka nila rito dahil huli na ito at hindi ko na hahayaan na maulit pa ito sa anak ko." Tumalim ang tingin nya sa kawalan pero bakas parin ang tindig. Tumango ako.
"Matapos na isang buwan ay dadalaw ako sayo rito ate. Ingatan mo rin ang iyong sarili. kung maaari labanan mo ang mga babae ng prinsipe. " Natawa ako dahil sa kulitan ng boses nya. Namimiss ko tuloy si kuya. Hindi ko alam kung nakauwi na ba sya o uuwi palang.
Ngumiti ako at ginulo ko ang buhok nya. Pumasok sa kwarto ko ang prinsipe ngunit hindi ko sya pinansin.
"Pwede ko bang samahan kayo ina? Ama?" Wala naman sigurong masama kung sumama akong ihatid sila. Saka gusto ko rin makita ang labas kung nasa element world nga ako.
Nagkatinginan muna sila mag-asawa bago nakangiting tumango.
"Huwag kang gumalaw." Rinig kong inis na saad ni zayus sakin. Angkas nya kasi ako sa kabayo sa likod. Sa karwahe dapat ako uupo pero pinilit nya ako rito dahil ayaw nya raw isipin nila ina na hindi maganda ang trato nya sakin.
Kung ayaw nyang makita naisip nya ba ang ginawa nyang pagtulak sakin? Stupid.
Sakay ng mabilis na pagtakbo ng kabayo ng ilibot ko ang tingin sa mga madadaanan na kakahuyan. Una puro malalawak na palayan ngayon puro puno sa mga kabilang gilid at ang kalsada ay sementado. Malinis ang kapaligiran walang mga tuyong dahon sa sahig. Pero may mga nadadaanan kaming mga bahay.
Hindi man lang sumagi sa isip ko noon na makakapunta ako sa ibang mundo na sa ibang katauhan.
Tapos malalaman ko na may asawa ako rito.
The heck? Never kong hiniling na mag asawa ng maaga. NBSB nga ako tas asawa agad.
Tatlong oras ang ginugol namin ng makarating sa sinasabi nilang hangganan.
"Narito na tayo. Bumaba kana." Saad ni zayus nauna syang bumaba na hindi man lang ako tinulungan. Pero dahil ako ang nasa katawan nato hindi ko na kailangan ng tulong.
"Mag iingat kayo ama ina , athrius. alagaan mong maigi ang i-na at ama." Bilhin ko kahit hindi naman dapat talaga ginagawa yon. Ayoko naman maging bastos sa kanila dahil kita ko sa mag asawa ang kabutihan at pagmamahal ng isang magulang sa anak.
Ngunit hindi ko maimagine ang magiging reaksyon nila kapag nalaman nilang hindi ako ang totoong anak nila.
Yumakap ako isa isa sa kanila at maya maya ng umalis na ang karwahe nila.
"Sa karwahe ka. Ayokong kasabay ka." Malamig na saad nya.
As if naman na gusto kitang kasabay.
Mabilis syang sumakay sa kabayo at agad na pinatakbo ito.
Great hindi manlang ako hinintay.
Yumukod sakin ang dalawang kawal na kanina pa akong inaantay na sumakay. Ilang sandali ng maka assakay ako.
*Palasyo*
Bumaba ako at sinalubong naman ako ni madi. Pero hindi ko sya pinansin dahil hinahanap ng mata ko si zayus.
Nasan na yon?
"Dumating po ang inang emperatris na ina ng prinsipe mahal na prinsesa. Pinapatawag ka po nila." Kumunot ang noo.
Inang emperetris?
Bakit naman nila ako pinapatawag?
Ano naman pakialam ko sa kanila.
"Gusto kong magpahinga madi sumasakit ang ulo ko."nanlaki ang mata nya na para akala mo ay big deal sa kanya ang pagkakaron ng sakit ng ulo.
Tss.
"Sige po, mahal na prinsesa magpahinga kana po muna. Matapos kong sabihin sa kanila ay magdadala po ako ng mabisang inumin gamot." Matapos nyang magsalita yumukod sya at umalis.
Iba din to si madi masyadong loyal bihira makakita ng katulad nya.
Luminga linga ako sa paligid kalat ang mga taong may uniform na katulad ng kay madi. Ang iba kawal naman ay nakabantay sa mataas na gate ang iba ay nakabantay sa mataas na doubledoor na nilabasan namin kanina.
Napakalawak ng palasyo nato.
Sa tantya ko mga nasa 700 hundred ang mga naninilbihan sa kanila o mas marami pa don.
Ano kayang pinapasahod sa kanila?
Pilak tsaka ginto?
Ilang minuto ng matapos akong magtititingin sa paligid napagpasyahan kong pumasok sa loob.
Nadaanan ko sa malawak na parang hall ang apat na asawa ng prinsipe at isang ginang. Nakaupo ito sa harap na may parang upuan lang ng isang makapangyarihang tao.
Lumingon sila sakin na hindi ko binigyan ng pansin at nagdederetso sa malaki at magandang hallway at paakyat sa pangalawang palapag patungong kwarto at nahiga.
Hindi ko alam kung may iba pa bang daanan o ito lang. Parang ang uncomfortable kasi kapag doon dadaan. Madaming kawal na nakahilera at nakatayo habang may nakasabit na espada sa gilid ng bewang nya.
Saka nalang ako haharap sa kanila. Wala akong gana makipag usap e.
"Hindi ko alam na ganito ka pala kawalang galang pangunahin asawa ng prinsipe? Isang linggo pa lamang ng ikasal ka sa aking anak athena... Ngunit nakukuha mo lang na humiga rito?"
Napaikot ang mata ko sa kawalan. I hate it when someone calling my name even i know na hindi ako ang athena na tinutukoy nila.
My only family and friends can call me athena. But this woman? Inang emperatris? The heck?
She dont know how to knock huh?
Thats rude.
Kahit sila kenjie ay kumakatok muna sa kwarto ko bago pumasok but her? Tss
I just want sleep peacefully is that bad?
"Ako ang inang emperatris pero hindi mo man lamang ako babatiin? Anong klase ka?"
This old woman si getting into my nerves. Ang ingay ingay.
Hindi nya ba alam na baka tulog ako o pagod or di kaya masama ang pakiramdam ko.
"Ina? Ano pong ginagawa niyo rito?" Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ang boses ni zayus.
Sarcastic na tumawa ang inang emperatris kahit hindi ko tignan ay alam kong bakas sa mukha nya ang inis.
"Ito ba ang pangunahing asawa mo? Bakit hindi man lang marunong magbigay galang sa akin?"
"Kakausapin ko sya pagkagising nya ina." Bakas sa boses ng lalaki ang pagod. Ilang segundo ng marinig ko ang mga yabag ng paa nila palabas.
Saan naman sya napagod?
Gwapo nga pero madami namang asawa.
Gusto ko magbake ng chocolate cookies. Kompleto kaya ang gagamitin ko?
Pagkalabas ko ng pinto ng may makita akong kawal. Tinawag ko sya at agad naman syang lumapit.
"Nasan ang kusina rito?" Tinuro nya sakin ang tinungi ko naman yon.
Kusina ba 'to? Napakalawak, tinignan ko mga kagamitan na gagamitin ko. Ganito pala kayaman kapag royal family? Pati mga kitchenware gold.
Kinuha ko ang mga kakailanganin recipe na gagamitin ko at pinatong sa countertop at inumpisahan gumawa. Step by step.
Ilang sandali ng matapos ako. They hate me here right? Lalo na ang prinsipe. Ayaw nya sakin hmm. lets see kung magbabago ang ihip ng hangin kung ako ang unang lalapit.
Dumeretso ako sa malaking sala at nakita sila ron kasama ang apat na babae ng prinsipe na akala mo mga alalay. Magkakahiwalay ang mga ito ng upuan. PA yarn?
Tumaas naman ang mga kilay nila sakin pati narin ang inang emperetris. Ang prinsipe naman ay matiim lang na nakatitig sakin habang papalapit.
"Binabati ko po kayo inang emperatris. Pasensya na kung hindi ako nakabati, sumakit po kasi ang ulo ko. May dinala po akong meryenda para sainyo." Aniya ko habang nakangiti at yumukod. Bakas naman sa mukha nya ang katarayan. Nilapag ko sa lamesa na nasa harap nya ang cookies.
Nginitian ko naman ang apat na babae ng prinsipe na magkakatabi na sa lamesa.