Kabanata-2

1606 Words
"Bakit hindi pa rin sya gumigising?" "Kumalma ka kamahalan, baka napagod ang katawan nya." "Kasalanan ito ng pangalawang asawa ng prinsipe ina. Tinulak nya si athena sa sapa." Kahit nakapikit rinig ko ang mga nag uusap sa gilid ko. I dont know if im dreaming or what. Unti unti kong dinilat ang mga mata ko. Mabilis akong napatakip sa mata ng masinagan ng araw. Mabilis naman hinawi ang kurtina ng isang lalaki. Inilibot ko ang tingin sa paligid. Kumunot ang noo ko dahil sa mga kakaibang gamit. Hindi ito ang kwarto ko nasan ako? Nilibot ko pa ang tingin at nahinto sa lalaking nasa likod na masama ang tingin sakin. He has a blue eyes , thick and long ayelashes... Thick eyebrows. Sharp pointed nose , even he's lips... i want to taste... Damn the guys was hot. He had that face of authority and charisma. Napaiwas ako ng tingin ng parang mas lalong sumama ang tingin nya sa pagtitig ko. Nabigla ako ng yakapin ako ng isang babaeng may edad. The heck? "Anak, mabuti nalang at nagising kana." Ani nya habang umiiyak. anak? "Magsalita ka anak, maayos na ba ang pakiramdam mo?" Saad naman ng isang lalaking may edad. Hindi ko maintindihan bakit alam nila ang pangalan ko? Pero hindi ko naman sila kilala. ""W-ho are you guys?" Utal na saad ko habang isa isa silang tinignan. Nanlaki naman ang mga mata nila na hindi ko alam kung ano ang dahilan. "Ano ang ginamit mo na salita athena?" Kumunot ang noo ko. English? Bakit ba ang dami nilang tanong? "Teka, sino ho ba kayo? Nasan ako ? Bakit ako nandito at paano nyo nalaman ang pangalan ko?" Kunot na kunot at sunod sunod na tanong ko. Nagkatingin naman sila pati ang lalaking may blue na mata ay nakakunot narin. Ang isa naman na babae sa gilid ko ay umiiyak parang kaedaran ko lang. Ang natatandaan ko lang ay ang isang babae na pilit akong pinapatalon sa bangin. "Nasan na sya?" Sambit ko sa kanila. Kita ang pagtataka sa mukha nila. Na lalong nag painis sakin. "Yung babaeng pinatalon ako sa bangin? Nasan na sya?" Sigaw ko. Bakit ang tatanga nilang kausap! Fvck! "Nandito ako binibini. Ngunit ano ang iyong sinasabing pinatalon sa bangin? Aksidente lamang ang nangyare." Saad ng babaeng mukhang maldita na kakapasok lang sa kwarto. Tumabi sya sa lalaki na blue ang mga mata. Tumaas ang kilay ko sa kanila. At dahan dahan na tumayo. So sya pala yung babaeng tawag ng tawag sa pangalan ko at pinatalon ako sa bangin? Hindi ko alam na sa madilim lang pala sya maganda. Malakas ko syang sinampal ng makalapit ako sa kanya. Tumabingi ang mukha nya. At dinaluhan naman agad sya ng lalaki. "Anak..." "Athena!" "Mahal na prinsesa." Sabay sabay na sambit nila pero hindi ko pinansin. "Ibalik mo ko don!" Saad ko at hinawakan sya sa kamay. Pilit naman tinatanggal ng lalaki ang kamay ko sa babae. "Tigil! Anong karapatan mo para saktan ang babae ko?!" Marahas naman akong tinulak ng lalaki kaya napasubsob ako sa sahig. Inis ko syang tinignan. binaliwala ang pagtulak nya sakin at tumayo. "Yang babae mo ang may kasalanan kung bakit ako nandito ngayon!" Sigaw ko sa kanya kita kong natigilan sya. At umiiyak naman ang babae sa dibdib nya. Tangina , pinatalon mo ko tapos iiyak ka lang? Hinala ko sya at pilit sinasama sa labas. Kailangan kong bumalik don. Hindi ko maintindihan kung paano ako nakarating dito. "Anak ano ba nangyayare sayo?" Umiiyak naman na sambit ng babaeng may edad. Hindi ko sya pinansin at hinila lang ang babae. "Kamahalan tulungan mo ako...Aksidente ang nangyare binibini." Nag papaawang sambit naman nya. "Cut the bullshit! Ilang beses mokong pinaglaruan kaya wag mokong artehan!" Inis na sambit ko. Napatingin ako ng may malakas na humatak sakin at pilit akong hinihila sa kama at pabagsak na pinapupo. "Ano ba!"sigaw ko sa lalaki. Ngunit hindi sya nakinig at binigyan nya lang ako ng matalim na tingin. Nilibot ko ang tingin ko sa kanila at kita sa mga mata nila ang lungkot at sakit. Bigla akong natauhan dahil sa sitwasyon. Ano to god? Sino sila? Mga elemento ba sila? I dont know pero napatakip ako sa mukha at lumabas ang hikbi ko. Mom dad....hindi ko alam kung nasaan ako ngayon... Kinuha na yata ako ng mga elemento my. Ito lang yung pinagkukuwentuhan namin nila razel sa bahay. Ngayon nag katotoo na. Dinala ako sa mundo nila. Natipuhan nila ako mom dad... "P-wede bang lumabas muna kayo?" Nanghihinang saad ko ng hindi parin nakatingin sa kanila. Humiga ako at tumalikod sa kanila. Maya maya rinig ko ang pagsarado ng pinto. Lumabas na naman ang hikbi ko, ayokong nakikita ng iba ang kahinaan ko. Pero ngayon para akong isang bata na parang inabandona ng magulang kahit na hindi naman. Kung alam ko lang na huling pagkikita na namin nila mommy at daddy. Nagpakabait na sana ako. Nakipagbati na muna sana ako kay daddy. Pero ngayon na alam nilang nasa nature tripping ako kasama ng mga friends ko. Baka masaya pa sila dahil sakit lang ako sa ulo. Pinunasan ko ang luha ko at umupo dahil nahihirapan akong huminga. Napatingin naman ako sa lalaki na blue ang mga mata. Akala ko lumabas na sya? Matiim syang nakatitig sakin. "Matulog ka na para makapagpahinga, ipapatawag kita sa tigapagsilbe mo mamaya para kumain." Ngayon ko lang napansin na malalim pala ang boses nya. Tumango nalang ako at humiga ulit. Hinayaan ko nalang na lamunin ako ng antok. Isang linggo na ang lumipas pero hindi parin ako makapaniwala sa mga nakikita ko. Nasa loob lang ako ng kwarto buong linggo at hindi sila pinapansin. Kahit ang dalawang mag asawa na tinawag ako sa pangalan ko ay hindi ko kinikibo. Nanghihina ako, hindi ko maintindihan kung papaano. Ngunit kahit ganon ang babae na lagi nasa tabi ko ang siyang nagsisilbi sakin. Kaya kahit papaano ay may kaunting kaalaman ako. "Natatandaan mo ba ako binibini? Ako si madi. Sampung taon na po akong nagsisilbe sayo." Nakangiting sambit sakin ng babae na tigapagsilbe ko raw. Mukha syang mabait. Hinayaan ko nalang sya sa gusto nyang gawin. Inabutan nya ko ng tsaa at tinikman. Ginger tea? Lasang luya. "Mukha ngang nawalan ka ng alaala mahal na prinsesa, Hayaan mo maaari mo akong tanungin tapos sasagutin ko binibini." Galak na saad nya. Maganda naman ng ngiti nya pero bakit hindi ko parin makuhang ngumiti sa kanya. "Sino ang dalawang matanda na laging pumupunta rito? Yung binata sino sya? Yung lalaking may asul na mga mata at yung babaeng kasama nya nung unang magising ako?" Bakas sa mukha nya ang gulat ngunit mabilis rin nakabawi. "Ang unang tanong mo binibini, ay ang mahal na hari at mahal na reyna sila ang mga magulang mo. Ang pangalawa naman po ang binata ay ang kapatid mo. Sya si Athrius. At ang huli po sya ang asawa mo na si prinsipe zayus at ang kasama nya ay ang pangalawang babae nya na si binibining siren." Asawa ? Kelan pa ko nagkaroon ng asawa? "Wait a minute. Bakit ako nagkaroon ng asawa?" Nagugulan sabi ko. Ngumiti naman sya at nagsalita uli. "Hindi mo po ba natatandaan binibini. Pinilit mo po ang iyong ina at ama na pakasalanan si prinsipe zayus. Dahil noon pa man hinihiling mo lagi na ikaw ang maging asawa nya." Parang kinikilig pa na saad nya pero ilang sandali ng mapalitan iyon ng lungkot. "Ngunit ang prinsipe ay kaylan man hindi ka itinuring na asawa, para ka lang nyang isang tigapagsilbe kung tratuhin. Hindi ka nya kaylan man minahal. Matapos nyong ikasal nagkaroon ng apat na babaeng ang prinsipe. Ngunit sa lahat ng babae ng prinsipe ikaw lang po hindi itinatrato ng tama." Maluha luha na saad nya. Alam kong wala akong karapatan masaktan sa kwento nya pero bakit parang nalungkot ako ng malaman na isang tigapagsilbe ang turing sakin. Hindi lang pala ang babae siren ang babae nya may iba pa? Gwapo nga pero pervert! "Ngunit binibini, maaari ba na huwag mo nalang sabihin na hindi ka pa rin nakakaalala? Kasi narinig ko sa mahal na hari na dadalhin ka sa pagamutan kapag hindi pa bumuti ang iyong lagay... At isa pa po lumayo nalang po kayo kay binibini siren at sa mga iba pang babae ng prinsipe." Maingat na sambit nya. Ramdam ko ang galang sakin ng babae. Pero binabalewala ko lang yon. Hindi ko lang kasi talaga maintindihan kung bakit isang pitik isang kurap napunta na agad ako rito. Nagtataka akong tumingin sa kanya at nagtanong. "Why? Bakit?" Ani ko ng hindi maintindhan ang unang tanong. Mukhang hindi sila nakakaintindi ng english. "Lagi po nila kayo inaasar mahal na prinsesa, lagi nila po kayong pinag iinitan kahit nariyan ang prinsipe ay wala po syang pakialam saiyo." So my bully pala sa lugar na'to? Lets see kung maasar nga nila ko. Ngumiti ako sa kanya at kita ko naman na ganon din sya. "Pwede ko bang malaman kung anong klaseng personality meron ako? I- mean ugali anong klaseng pag uugali ang meron ako?" Ani ko sa kanya. Malungkot naman syang sumagot. "Mabait po kayo mahal na prinsesa, lagi lang po kayo umiiyak kapag inaaway kayo ng mga babae ng prinsipe. Hindi po kayo lumalaban sa kanila." So kung prinsesa ang tawag nila sakin dito it means nasa ibang katauhan ako? I mean parang swapping soul? If her soul is inside my body, buhay pa ako? Mabait....laging umiiyak parang hindi makapabasag pinggan... Tss kung nakita nila ang katawan ko at na iba na ang kilos ko sigurado akong baka matuwa pa sila ngayon. Ngayon may anak na silang susunod sa kanila. Hindi na basagulara.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD