Charm POV "Umagang-umaga, nagwa-w*****d ka, Charm?" Hindi ko pinansin kung sino man ang nagsalita niyon. Ramdam kong may lumapit sa’kin. "Linggo, pero nagbabasa ng possessive series? Seriously, Charm?" Napatingin ako sa taong may sabi noon—si Beng. "Dark Montero naman? Nung nakaraan kay Knight, tapos ngayo—" "Nakita mo?" "Ang alin?" takang tanong nito. "’Yung pake ko," sambit ko bago ibinalik ang paningin sa binabasa ko. "Charm, hindi ba uso sa'yo ang simba?" tanong naman ng isa ko pang kaibigan—si Telle. "Oo nga, magsimba ka naman teh. Masyado ka nang makasalanan," sabat pa ni Maine. "Iharap n'yo muna sa'kin si Ace Craige, at baka sumunod pa ako," aniko. "Charm. I’m Ace Craige. Mag-simba ka," sabay batok niya sa'kin. "This is an order from the highest Supreme Student Governme

