CHARM POV Nagising ako dahil sa may písteng pumitik sa ilong ko. Inis akong bumangon at tignan ng masama kung sino man ang Poncio Pilatong iyun. "ANO BAN— press?" Gulat kong sambit nang prenteng nakaupo ito sa upuan sa harap ng hinihigaan ko. "A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. "Obviously? Binabantayan ka," masungit na sambit nito, kaya napairap ako sa hangin. "Ang tapang-tapang mo, sakitin ka naman pala," sumbat nito sakin. "Kasalanan ko bang nagkasakit ako?" "Tsk," asik nito. "Asan nga pala yung lalaki kanina?" Bigla kong tanong ng maalala yung lalaki kaninang tumulong sakin. "Ako yung nandito, pero iba yung hanap mo? Seriously, tsk?" Halatang iritadong sambit nito. "Eh, siya kasi yung—" "Just say thank you. Magpasalamat ka nalang sakin dahil dinala kita dito," iritang sam

