[ABBYGAILE POV]
“ABBYGAILE MONTEALCO!!!” sigaw na tawag sa'kin ni dad kaya napabalikwas ako ng bangon sa kama ko at dali-daling lumabas sa kwarto
“Yes dad?” tanong ko dito
“Bakit walang white sugar tong Juice ko?”
“Dad nilagyan ko ng sugar yan lima pa nga eh” sagot ko dito
“Lima? 3 scoops lang sabi ko want mo ba ako magka diabetes?, anyway kung limang scoop yung nilagay mo dito bakit walang lasa” saad nito, kinuha ko naman sa kamay niya yung juice niya at tinikman ito
“Gosh dad ang tamis na nga nito eh”
“matamis? wala ngang lasa” wika niya
“Dad matamis talaga siya, sadyang wala ka lang panlasa at dahil na rin siguro bitter ka” pang-aasar na saad ko sa kanya
kumunot naman yung noo niya kaya tumakbo ako papuntang kwarto ko
“Sorry na dad I love you na minsan kasi try mo ding maging sweet para hindi ka bitter okay dad? i love you muahhhh” natatawa kong wika sa kanya bago pumaosk ng kwarto ko
Napahagalpak naman ako ng tuwa nang marinig ko yung galit na sigaw niya
—
[ABBY]
“Si Dad talaga ang sarap asarin nagagalit agad” wika ko sa aking sarili nang makapasok ako sa kwarto ko
Pupunta na sana ako sa cabinet ko para kunin yung uniform ko ng may biglang tumawag sa cellphone ko
[Calling: Unknown Number]
“Unknown number? sino naman kaya ‘to”saad ko at sinagot ang tawag
“Hello?”
(“Hi Abbygaile”) sagot nito
“Ah, sino ka po? bakit kilala mo ako?” tanong ko
(“no need to know kung sino ako, makikilala mo rin naman ako later on, tumawag lang ako because I want to hear your beautiful voice”)
“Huh? Beautiful voice? wait lang sino ka nga po ba? at bakit alam mo yung phone num—” hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla niyang pinatay yung tawag
t*ng*na pinatayan ako, tsk walang manners
“Hays makapag bihis na nga lang” turan ko tsaka kinuha yung uniform ko sa cabinet at pumasok sa c.r para magbihis
Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako sa c.r at inayos yung buhok ko tsaka kinuha yung bag at yung mga gamit ko at lumabas sa kwarto
“Dad alis na ako” paalam ko kay Dad, tumingin lang ito sa'kin at tumango
Lumabas na ako ng bahay namin at pumara ng taxi, wala kasi kaming driver ngayon dahil nagbakasyon sa province nila
“Ma'am saan po tayo?" tanong ng driver
“Sa Vlamir University po” sagot ko, tumango na lang din ito at nagsimula na sa pagmaneho
—FEW MINUTES LATER—
Nang makarating na ako sa University ay agad akong pumasok sa loob
Pagkapasok na pagkapasok ko sa university ay agad na bumungad sa'kin ang mga kaibigan ko sila ni Hana, Lesley, Angelica, Nathaly at si Yannah
“Ghurl ang tagal mo”turan sa'kin ni Hana
“Oo nga kanina pa kami nag-aantay sa'yo”singit ni Lesley
“And kanina pa din ako nilalangaw”saad naman ni Yannah
“Sorry naman, kaya lang naman ako natagalan dahil may tumawag sa number ko na Hindi ko kilala” paliwanag ko
“huh? hindi mo kilala?”tanong ni Nathaly
“kakasabi ko lang diba? paulit-ulit”
“Omg baka secret admirer mo anong name niya?”masaya naman sabi ni Angelica dahilan ng pagbatok sa kanya ni Lesley
“Hoy hindi nga kilala diba tapos itatanong mo pa yung pangalan” wika nito
“Oo nga Hindi ka rin nakikinig eh”sabat ni Hana
“Grabe ka naman nagtatanong lang yung tao eh” wika ni Angelica kay Lesley
“Hala tao ka pala? akala ko kasi alien ka, charizzz hahaha” pang-aasar naman ni Yannah
“Magsitigil na nga kayo pumasok na lang tayo” suway ko sa kanila
“Ano pa lang first sub natin?” tanong ko
“Cled ang first sub” sagot ni Nathaly
“Hay nako makikita na naman natin si Sir Panot” wika ni Hana kaya nagsitawanan kami
“#start your day with the panot teacher”dugtong pa ni Lesley.
—TO BE CONTINUED ?