[ABBYGAILE POV]
H-ha?
Ano daw?
you will be mine?
Pinipilit kong i sync-in sa utak ko ang sinabi niya dahil para akong nabingi nang marinig ko ang salitang iyon
“owemji sis you will be mine daw” kinikilig na wika sa akin ni Lesley
Nandito kami sa cafeteria ngayon break time kasi namin sa totoo lang matapos sabihin ni Damian sa akin iyon ay wala nang ibang pumasok sa isip ko kundi yun
ni yung lesson nga ni Prof hindi pumasok sa utak ko
“kung ako sa’yo Abby hindi na ako magpapaligoy-ligoy magpapa-mine ma ako agad” wika ni Nathaly
“kung ikaw pero magkaiba tayo and besides malay natin baka nagbibiro lang yung taong ‘yun imposible na magustuhan niya ako”
“hay nako nagbibiro ba kamo? eh halos buong klase sayo lang nakatingin tapos sasabihin mo nagbibiro lang?”-Hana
“kumain na nga lang tayo nagugutom na ako” turan ko sa kanila at nagsimula nang kumain
habang tahimik kaming kumakain na anim ay bigla na lamang nagtilian yung mga babae dito sa cafeteria at hindi na ako magtataka kung bakit dahil panigurado sila Damian lang naman ‘yan
wala na silang ibang titilian kundi yung mga ‘yon
Umupo sila sa upuan na katapat namin and guess what nakaharap sa akin si Damian ngayon
Two sides of sits kasi ang meron and isang table
Umupo si Damian sa left side na upuan eh ako naka upo ako sa may right side kaya kung titignan mo parang magkatapat lang kami
Nakatingin lang siya sa'kin habang kumakain ako pero wala akong paki gutom ako eh bakit ba?
“Damian matakaw din pala ‘tong future wife mo” natatawang wika sa kanya nung lalaking naka salamin teka ano nga ba ulit yung pangalan niya?
“cut it krioff” walang emosyon nitong saad sa kanyang kaibigan
“Miss Abbygaile dahan dahan lang yung paglamon baka lumobo ka” natatawang turan sa akin nung lalaking naka blue na jacket, sinamaan ko naman ito ng tingin ngunit agad din iyong napawi ng batukan siya ni Damian hah! buti nga deserve mo ‘yan
“Aray naman Damian nag advice lang naman ako” turan nito sa kanya
Walang emosyon itong tinignan ni Damian at binaling ulit ang tingin niya sa‘kin
hindi ba talaga siya titigil kakatingin sa‘kin? alam ko namang maganda ako pero sana naman tumigil na siya nakakailang kaya pero wala na akong magagawa dahil halata namang hindi niya iaalis sa akin ang atensyon niya.
—TO BE CONTINUED ?