Nakaraan ang ilang sigundo bigla nalang siyang nawala. "ANO NA BA ANG NANGYAYARI SA AKIN! HINDI AKO BALIW!"Sigaw ko habang sunod-sunod na pagtulo ang aking mga luha. "Mama anong nangyayari sa kanya?"rinig kong tanong ng bata pero hindi ko iyon pinansin. Takot lang ang nararamdaman ko ngayon. "LAYUAN MO AKO! HUWAG MO AKONG SUNDAN!"Sigaw ko habang umiiyak habang sinasabunutan ang buhok ko. Gabi na at andito parin ako sa harap ng resto. Ayokong umuwi! Wala rin naman pakialam ang mga magulang ko sa akin. Tumayo na ako at naglakad. Habang naglalakad ako sa isang foot walk parang may naramdaman akong may sumusunod sa akin. Paglingon ko wala naman at pagharap ko agad akong may nakitang tatlong adik na lalaki. "Hi Miss."nakangiting sabi ng lalaki habang hinihimas ang aking braso. "Ano

