Kabanata 6: He Finally Approved It

2021 Words
MAX "Mayor, naghihintay na po sila sa conference room." Ibinaba ko ang hawak kong iPad nang magsalita ang aking sekretarya. Kinuha ko ang iniabot niyang folder at mabilis na binasa ang laman nito bago ako tumayo. "This hasn't started yet?" I asked with my brows furrowed referring to the hospital that I approved months ago. Napahinto ako sa paglalakad at agad nagsalubong ang aking kilay nang mabasa ko ang initial report ng site. "Nasa loob ba lahat?" tanong ko na agad niyang tinanguhan at sinagot. Binuksan niya ang pintuan para sa akin. Agad namang tumayo ang mga tao sa loob na tila ba nakakita sila ng taong hindi dapat nila makita. "Explain everything to me in detail," I said as soon I sat down to my chair. "Angelo," tawag pansin ko sa engineer na siyang nag ma-manage sa hospital. "A-Ah yes Mayor." He cleared his throat. "Hanggang ngayon hindi pa rin nauumpisahan ang hospital? Ilang buwan ng aprobado ang project na ito pero ni isang haligi ay wala pang napapatayo. Kailangan ba talagang imonitor ko ang mga ginagawa niyo at bisatahin ko kayo sa site para gumalaw kayo?" Nagtaas ang aking tinig. Ramdam ko ang takot nilang lahat. Ni hindi nila magawang tingnan ako. "Pasensiya po Mayor. Nagkaproblema po kasi sa mga materyales kaya..." "Kaya ang tingin ng mga tao sa mga politiko ay kurakot dahil hindi niyo magawang gawin ng tama ang trabaho niyo! We are paying you big for this... giving you budget you proposed on your own..." I sneered. "Ako pa ba mismo ang bibili ng mga gamit?" "H-Hindi po Mayor. P-Pasensiya po. Ginagawan ko na po ng paraan." Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at hinilot ang aking sentido. "Kiko." Agad siyang nag-iwas ng tingin sa akin. "The medical mission, when will it happen?" Kita ko ang pangingig ng kaniyang mga kamay nang buklatin niya ang folder na nasa harapan niya. "Next week po, Mayor. Nakipag coordinate na rin ako sa center." "Do you already have the list of the doctors and other medical personnel who will attend the mission?" "Y-Yes Mayor." Tumayo ito at iniabot sa akin ang kopya ng papel na hawak niya. I scan the names. She's coming, I guess. "How about you, Melody? How's the schoolar?" "Na-schedule na po namin Mayor ang distribution ng financial assistance para sa mga mag-aaral." "Make sure that everyone will be able to receive the assistance. I already approved the bigger assistance for them and make sure that no one will be left behind." "Y-Yes Mayor." Nagpatuloy ang meeting na tumagal nang ilang oras. This is the work I dedicated my whole life with. Maraming tao ang bumuto sa akin at umaasa na magiging maayos ang pagpapatakbo ko. Ayoko silang biguhin. They put me into this so it's my turn to give everything I can. Nang matapos ang meeting ay dumiretso ako sa aking opisina. Kinuha ko agad ang aking iPad at umupo sa aking upuan. Huminga ako ng malalim at mariing ipinikit ang aking mga mata. "Dada, is it possible po na mag school ako this coming pasukan po?" Hindi ko siya binalingan ng tingin ngunit ramdam ko ang tingin niya sa akin. "Why?" "Gusto ko lang po. Gusto ko po sana sa school na parang sa probinsiya po. Yung simple lang po. Alam mo po Dada naging happy ako ro'n. I played with the other kids and went to day care center." She's talking as if she's already a grown up. She's just four but she's good in having conversation. "Dada, okay lang po ba?" Huminga ako ng malalim at binalingan ko siya ng tingin. "I'll think about it. Just go to sleep. It's already late." "Dada, last po. P'wede po ba tayong mamasyal bukas? Hindi pa po tayo namamasyal..." "Just sleep," putol ko sa sasabihin niya. That night, it is the longest conversation that we had together. I didn't know that she can talk that well already for four years old. "Mayor, excuse me po." Nakuha ni Robi ang aking atensyon. Lumapit ito sa akin habang hawak nito ang kaniyang selpon. "Tumawag po si Vice, iniimbitahan po niya kayo sa dinner mamaya." Nagsalubong ang aking kilay. "Why?" "Kasama po sa dinner ang ibang senador." "Tell him I won't go. I'll eat dinner at home " "Okay po Mayor." Tsk. I know what he's planning to do. Masyado pang maaga para bumuo ng kaalyado at kung sa tingin niya makukuha nila ako, nagkakamali sila. Wala sa sistema ko na sumama sa kanila at wala sa plano ko ang muling pagtakbo. --- KEN "Hindi naman halatang masaya ka," puna ni Luna sa akin na inabutan pa ako ng ice cream. Hindi matanggal sa aking mga mata si Koko na masayang nakikipaglaro sa ibang mga bata. "Makita ko palang ang anak ko na masaya, masaya na ako." "Kita ko nga. Ano na palang balak niyo? Ie-enroll niyo ba siya sa school ngayon?" Huminga ako ng malalim. "Gusto ko sana kaya lang desisyon pa rin naman ni Max ang masusunod." "Kung siya ang magdedesisyon, paniguradong hindi iyan. Bakit hindi na lang kasi ikaw? Tutal pala desisyon ka rin naman." Masamang tingin ang ibinaling ko sa kaniya ngunit tumawa lang naman ito. Nang matapos niyang maglaro ay kumain kami. "Ayaw mo ba talaga ng bagong laruan?" tanong ko ulit. Nakailang tanong na ako sa kaniya. "Moma, marami pa po akong toys sa bahay. Ah! P'wedeng sketch pad na lang po, Moma? Ubos na po kasi yung akin." Katulad ni Max ay nahihilig din si Koko sa pagguhit at pagpinta. "Okay." Umalis na pala si Luna dahil may emergency sa hospital at kailangan siya kaya naman kami na lang dalawa ni Koko ang naiwan. Nagtungo naman kami agad sa stationary area at binili ang gusto niya. "Dra.?" Napalingon agad ako sa nagsalita. Napangiti ako nang makita si Nurse Bea. Oo nga pala, off niya ngayon. Hindi naman lingid sa kaalaman ng mga empleyado sa hospital na may anak ko... ngumiti ang hindi lang talaga nila alam kung may asawa ako o sino ang ama ng anak ko. "Ano pong ginagawa niyo rito? Sino po ang kasama niyo?" Napatingin siya kay Koko na nasa tabi ko at matamis na nakangiti. "Hello po. Nice to meet you po, ako po si Koko." Nagmano si Koko sa kaniya. "Anak ko," nakangiti saad ko. Nakita ko naman agad ang panlalaki ng mga mata niya. Alam nilang may anak ako pero hindi pa nila ito nakikita ng personal. "Moma, yung eyes po niya." Hindi ko naiwasang matawa dahil sa sinabi ng anak ko. Yung mata kasi ni Nurse Bea ay halos malaglag na. Pribado man ang impormasyon ni Koko at ako sa buhay ni Max, sa buhay ko hindi ko magawang itago si Koko. Naiintindihan naman ni Koko ang sitwasyon namin kaya kahit nasa labas talaga kami minsan ay hindi niya binabanggit ang tungkol kay Max. "Dra. akala ko po sa picture ko lang makikita si Koko. Napakagandang bata talaga." "Salamat po. Ikaw din po ang ganda." "Ay naks! Sabi ko na nga ba hindi nagsisinungaling ang bata." Dahil mag mimiryenda naman na kami ni Koko, isinama ko na lang si Nurse Bea sa amin. "Dra..." Pinanliitan ko siya ng mata. "Hindi po kasi ako sanay na tawagan ka lang basta-basta, Dra. Ang awkward no'n." Napailing na lang ako. Nagpatuloy kami sa pagkain. Hindi naman nagtanong ng kahit na ano si Bea dahil alam din naman siguro niya na hindi ko siya sasagutin. Nag-uusap lang sila ni Koko tungkol sa mga bagay-bagay at ako ay nakikinig lang naman sa kanila. Nang makauwi kami, nadatnan namin si Max sa pool side na abala na naman sa kung ano. Hinayaan ko si Koko na lumapit sa kaniya ako naman ay dumiretso sa kwarto ni Koko upang ilagay ang mga pinamili namin para sa kaniya bago ako bumaba para maghanda ng aming pagkain. "Dada, next time sama ka po sa amin. Maganda po sa game zone. Super funny!" Maririnig ang kasiyahan sa tinig ni Koko habang kausap niya ang kaniyang ama na mukha na namang walang pakealam sa nangyayari. Nakakainis talaga ang lalaking ito. Sana naman kahit magpanggap ka lang siya na interesado. Sana gano'n lang din kadali na ibigay kay Koko ang isang masayang pamilya, pero alam ko namang imposibleng mangyari iyon sa amin. Alam ko kung saan ako lulugar sa buhay ni Max... at alam ko na kahit ilang taon na kaming kasal, hindi maaalis sa kaniya kung paano kami humantong sa ganito. Nang matapos naming kumain at mapatulog ko si Koko ay bumaba ako para kunin ang laptop kong naiwan sa sala. Hindi sana ako tutuloy nang mamataan ko si Max sa veranda na naninigarilyo ngunit nabaling ang tingin niya sa akin kaya wala akong nagawa kung hindi tumuloy na lang. Dumiretso ako sa aking laptop nang hindi siya pinagtutuunan ng pansin. "I heard someone met her today." His tone is a bit off. Tinig na alam kong hindi masaya sa kaniyang narinig. Ayaw na ayaw kasi talaga niya na may ibang nakakakita o nakakaalam sa existence ni Koko. "Oo, si Nurse Bea." Binalingan ko siya ng tingin. "Huwag kang mag-alala hindi ko naman pinagkalat na ikaw ang ama." "I let you go out because you tell me that you'll be careful." Huminga ako ng malalim. "They know Koko... she's my daughter after all. Tinatago mo na nga natin siya, ang gusto mo pa ide-deny ko siya?" Hindi ko napigilang maging sarkastiko. Kuhang-kuha niya talaga lagi ang inis ko. "Just make sure that this won't make any noise," he said in a cold deep tone before he passed me by. Inambaan ko na lang siya sa hangin dahil sa inis. Kung ako lang talaga ang masusunod, ipagkakalat ko pa sa buong mundo ang tungkol kay Koko. She doesn't deserve to be hidden and locked up here... kung may magagawa lang sana talaga ako para sa anak ko. Naging mas abala na ako nang bumalik na ako sa hospital. Sa tuwing uuwi ako ay tulog na si Koko, at kapag umaga naman ay hindi ko na siya naaabutan pang gising dahil maaga rin ang pasok ko. Nang makauwi ako ay ibinagsak ko na lang ang aking katawan sa sofa dahil sa pagod. Madaling araw na kaya paniguradong tulog na rin si Koko. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at hinilot ko ang aking sentido. "What are you doing?" Nang imulat ko ang aking mga mata ay bumungad sa akin si Max na madilim na naman ang mata. Lagi na lang may galit sa mundo ang gagong ito. O baka sa tuwing nakikita niya ako ay galit talaga ang namumutawi sa sistema niya. Tumayo ako. "Nagpapahinga." "Tsk. Go to your room and rest up properly." "Kumusta pala si Koko?" Nakakalungkot lang din talaga na madalas ay naiiwan siyang hindi kami kasama. Tipong kailangan namin siyang dalhin sa bahay ng aming magulang para lang may magbantay sa kaniya. "Ask her if you want." Napairap na lang ako nang talikuran niya ako. Bago pa man maubos ang pasensiya ko ay tinungo ko na lang ang hagdan. "That kid will go to school this coming school year." Literal na napahinto ako sa aking paglalakad dahil sa sinabi niya. Binalingan ko siya ng tingin. Hindi ko maiwasang matuwa dahil sa sinabi niya. Shootangina! Seryoso ba siya? "It might be girls school." Nagtaas ng bahagya ang aking kilay. Matutuwa na sana ako eh. "I'll give the list of schools tomorrow." Aba! Talagang naplano na ata niya ang lahat. "Bakit hindi ngayon? I can check it now..." "Stop talking and go straight to your room. Just rest up for now," masungit na saad nito. Magsasalita ulit sana ako nang muli kong makita ang pagbabanta sa kaniyang mga mata. Buong akala ko ay hindi na magbabago ang isip niya. Paniguradong matutuwa rito ang anak ko kapag nalaman niya ang tungkol dito. Finally! Mukhang tama nga ang kasabihan. There's a light in any darkness. Ano kaya ang dahilan ng pagbabago ng isip niya? Knowing Maxwell... hindi siya ang tipo ng tao na papayag na lang bigla. Well, kung ano man ang dahilan... at least magiging masaya ang anak ko... ang anak namin. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD