Patrick’s pov “Iisa na nga lang ang gagawin ninyo ay hindi pa ninyo nagawa! Bata lang si Tina Manang Lourdes. Nawala niyo pa?” bulalas niyang galit na galit sa mga kasambahay. Sa Manila kasi siya nananatili dahil nandoon ang kanyang ibang negosyo at kailangan niyang tutukan ang mga iyon. Isa pa ay si Samuel naman ang in charge sa mga naiwan niya rito. “Sir, binantayan naman talaga namin pero mukhang tumakas po talaga si Tina. Hinanap din namin siya pero hindi namin nakita,” wka sa kanya ni Manang Lourdes na takot na takot sa kanya. “Bullshit Manang!” sigaw niya. “Kung binantayan ninyo bakit nawala? Ngayon sabihin niyo sa akin kung saan ko siya hahanapin? Sige nga?” sigaw niya rito. “Hindi ko kasi alam kung gaano kahalagan si Tina sa akin. Magagamit ko ang batang ‘yon!” “Patawad po.” “

