{25} Anger

1030 Words
Emma’s Point of View Fine! Kung ayaw mo ‘di wag! Naglakad ako palayo kay Alex dahil sa inis na nararamdaman ko sa kaniya. Hindi man lang ako intindihin at talagang pagsasabihan pa ako. Pasensya ka na pero hindi maari na sayangin ko pa ang aking oras makinig sa iyo. Ilang araw na rin ang aking pinalipas para magsanay sa paggamit ng baril kaya hindi pwedeng hindi ko maililigtas si Juna. Ang isipin pa nga lang ang kaniyang kalagayan ngayon ay hindi ko na maatim isipin pa. Masyado akong nasasaktan, sana ay naintindihan man lang ni Alex yon. Akala ko pa naman ay mapapapayag ko siya pero nagkamali ako at nainis pa ako. Naramdaman ko namang sumusunod sa akin si Alexa pero nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad. Gusto ko nang makita si Juna. “Emma!” sigaw ni Alex pero hindi ko siya pinansin. Sa harap lang ang aking tingin, at dere deretso ako sa aking lakad. Ipinapasok ko lamang sa aking isipan ang kalagayan ni Juna. Masyado akong naiinis, lalong lalo na sa aking pamilya. Hindi ko maatim ang kasakiman nila, nasusuka ako. Hindi ko matanggap na anak nila ako, na kadugo nila ako. Masiyadong nag iinit ang aking dugo dahil kadugo ako ng mga kriminal. Nilampasan ko ang mga volunteers na nakatingin sa akin ngayon pero hindi ko na sila inintindi at nagtuloy tuloy pa rin ako sa paglakad. Lumabas ako sa pasilidad at dineretso ang aking sasakyan. Sumakay ako rito at sumakay din naman si Alexa. Tumingin siya sa akin at tumango lamang siya sa akin bilang senyales na magtuloy tuloy na kami. Hindi na kami pwedeng tumigil sa plano at magpapigil man lang. Pinaandar ko ang makina ng sasakyan at huminga ako ng malalim saka ipinikit ang aking mga mata Naimahe ko nanaman sa aking sarili ang komprontasyon namin ng aking kapatid sa kulungan na iyon at hindi ko man lang na tinuturing niya ako na kadugo nung mga pagkakataon na iyon, ngunit isang mababang nilalang ang tingin  niya sa akin, at parang bata niya akong tinakot na isusumbong niya ako kela mom and dad. Aaminin ko natakot ako pero yung mga kasunod na nangyari nun, nung iniwan si Juna mag isa sa kulungan na ganun ang kaniyang kalagayan? Unforgivable! Pakiramdam ko ay naguusok ang aking ilong sa galit. Idagdag pa ang pagkakataon na kinompronta ako ng aking mga magulang nung pagkakataon na iyon, sila pa ang may ganang magalit sa akin kung kailan malinaw naman na mayroon akong rason para magalit sa kanila. Gaano na nila katagal iyong tinago sa akin? Kung masama na sa kanilang paningin ang ginawa ko, pwes mas masama pa ang kanilang ginagawa. Kinuntsaba pa nila ang magaling kong kapatid na proud na proud pa sa harap ko na pinagkakatiwalaan siya nila mom and dad. Kung may tsansa lang ako ay sinuntok ko na siya sa mukh nung nagkaharap kami that time. Sobra sobra ang urge ko na suntukin siya sa totoo lang, pero sugatan si Juna kapag ginawa ko iyon. Kilala ko ang utak ng kupal na iyon at gagawin nun ang lahat para galitin ako. Marinig ko pa ang nanggagalaiting mura ni dad, hindi lang ako nanghina that time, naiipon na ang aking rason para magalit sa kanila. Ilang taon na ba nila akong niloloko ng ganun? Hindi ko maisip na magagawa nila sa akin yun. Gusto kong umiyak dahil naiisip ko na anak pa ba nila ako? Si mom wala ring nagawa sa galit ni dad. GEEZ! I wan’t to cry but I can’t. Naramdaman ko ang pagtitig sa akin ni Alexa pero inignore ko na lamang ito dahil baka mapagbuntungan ko lang siya ng aking galit na nag iinit ngayon. Tinitigan ko lamang ang manibela ng kotse at nang maalala ko ang mga nakita ko doon sa lab. That’s so messed up, that’s disrespect for life itself. Geez! I can’t. Imagine for so many years the forced me to be a great doctor, and I did, that’s why I am the most known doctor here in our country after Alex because he really deserved that, but I am still pissed towards him for ignoring my request. Imagine ha, ang doctor ay kailangan magligtas ng buhay, at kami dapat ang unang una na nakakaalam kung ano ba talaga ang halaga ng buhay na siya namang nagagawa ko. Ginawa ko iyon para lamang maging proud sila sa akin, tapos malalaman ko na lang na ginagawa lang nilang isang laruan sa kanilang munting lab ang bagay na iyon. Napakakapal ng mukha ni Anthony na tawagin akong hipokrito kung sa unang pagkakataon ay siya na ang sumisira nun. Ahh! Gusto ko sumabog! Hindi ko alam kung isusumbong ko ba sila sa awtoridad pero naalala ko na may kapangyarihan nga pala sila paikutin ang mga nasa itaas kaya wala ring magandang maidudulot iyon kundi ipahamak ang aking sarili at ang aking mga kaibigan. Kung irerelease ko naman sa masa ang kanilang mga gagawin ay hindi ko magawa dahil sa kakulangan ng hawak kong ebidensya, pero ang tututokan ko lamang sa pagkakataon na ito ay ang mailigtas si Juna sa kamay ng hayop na Anthony na iyon. Ang mas lalong nakakagalit pa ay hindi man lang nila pinakinggan ang side ko, at hindi man lang nila ako hinayaan magpaliwanag. Siguro masasabi kong kwits na kami dahil may sikreto din akong tinatago sa kanila at ang vial ay nasa aking mga kamay na ngayon kaya masisigurado ko sa aking sarili na nasa akin ang huling halakhak Iminulat ko ulit ang aking mga mata at muli itong pinikit at nakita ko ulit ang imahe ni Juna na hinang hina habang nakasanday ang kaniyang likod sa pader at hawak hawak niya ang tama ng baril. Ano na kaya ang kalagayan niya ngayon, at nakikita ko pa rin ang mukha ni Anthony ng mga pagkakataon na iyon. Nakakagigil talaga. Ang Maalala lamang ang mga bagay na ito ay pinagiinit talaga ang ulo ko. “Let’s go?” aya naman sa akin ni Alexa. “Yes, cause I’m quelling up with anger!” To be continued... -Into the Apocalypse-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD