Alex’s Point of View “Emma,” tawag ko sa kaniya habang kinukuha ko sa lamesa ang mga naiwang pinagkainan. “Hmm?” tugon niya sa akin ng hindi man lang ako nililingon at nakatuon lang ang paningin sa lababo. “May gusto lang sana akong malaman,” pandederetsa ko sa kaniya. Napatigil naman siya sa kaniyang ginagawa at natulala ng panandalian, at kaagad din naman siyang bumalik sa kaniyang ginagawa. “Ano iyon?” tugon niya. “Tungkol sana ito sa mga kilos mo ngayon,” kinakabahang saad ko sa aking mga intensyon pag usapan. “Anong meron sa mga kilos ko? May nagawa ba akong mali?” sunod sunod na tanong niya. “Ano kasi...” nilalamon ng kaba ang aking dibdib at hindi ko sa kaniya masabi ng matuwid ang mga gusto kong itanong sa kaniya. “Napansin ko kasi, este namin na kanina ka pa malungkot,” tuk

