Alex’s Point of View “Aling Karen,” mahinang tawag ko sa kaniya habang sila ay abala sa kanilang mga ginagawa. Nilingon niya ako at dahan dahang tumayo para hindi siya mapansin ng kaniyang mga kasama saka siya naglakad papunta sa akin. Balak kong sabihin sa kaniya ang lahat dahil wala ng katiyakan ang mga mangyayari sa akin at in case mayroon akong mapagiiwanan ng mensahe para sa kaniya. Kung nagkataon ay mas mauuna pa ako sa aking ina na lisanin ang mundong ito. Masakit pero kailangan kong gawin para sa kaniyang kapakanan. Mas maigi nang alam niya ang mga nangyayari kesa sa umaasa siya sa wala. “Bakit Alex?” tanong niya sa akin nang makalapit na siya sa akin. Hindi ako mapakali at pabalik balik ang aking tingin kela mama. Malayo ang aming distansya sa kanila kaya hindi nila maririnig a

