In the Radiant Night

1672 Words
SIMULA.. Wala sa plano ni Allyshia,ang magkagusto sa isang matured at mayamang lalake. Marami syang manliligaw,ang tanging iniisip nya lang ay makapagtapos ng pre-law sa kolehiyo at maging ganap na isang lawyer. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon nakatagpo nya ang isang lalakeng magpapatibok ng puso nya. Isang lalakeng nagmula sa angkan ng Mayayaman at Kilalang pamilya pagdating sa business industry. Sila ay magkaiba sa ibat ibang aspeto kagaya ng edad,kagustuhan,estado sa buhay. Ito naging hadlang sa kanilang pagmamahalan. 7 am na nag ring ang alarm clock Door knocks..... "Ally Bestieeee!! gising naaaa" -nagising nalang ako mula sa isang mahimbing na pagkakatulog dahil sa isang malakas na tinig na nagmula sa katabing kwarto ko, mula lang pala ito sa kaibigan ko.. same lang kasi kami ng bahay na inuupahan. "Anong oras na ba." "Halaaaaaa, late na 'ko!" "Punyeta! bakit kasi ngayon lang nag ring ang alarm clock ko!" Agad akong napatayo mula sa aking masarap na pagkakahiga. "Bestie! Wait maliligo lang ako ha. Antayin mo 'ko,mabilis lang 'to. Bakit kasi ngayon mo lang kasi ako ginising huhu," wika ko. Sa sobrang pag papanic ko, ni hindi ko na alam kung ano ano ang mga dapat kong unahin. "Gaga!" galit na sagot sa'kin ng kaibigan kong si Shane. "Katok ako ng katok sa kwarto mo, tulog na tulog ka pa rin!" wika nya habang may tinataasan ako ng kilay. "Oo sige na, sige na! ako na ang mali. Tama na kaka sermon sakin!" pagbibiro ko sa kanya. "Oh talaga gaga ka! kumilos kana nga!" Galit na galit nyang sagot sa'kin, dahil sa sobrang kupad kong kumilos. Dali dali akong naligo at nagbihis,kabadong kabado dahil baka tuluyan na akong ibagsak ng prof ko. Dalawang beses na akong malalate,at natatakot akong baka mabawi ang scholarship ko sa University na iyon. Sa sobrang pagmamadali kong makasakay ng jeep, nakalimutan ko nang mag-ayos ng sarili. Parang binagyo ang buhok ko,gusot gusot pa ang uniform na nasuot ko. "Anak ng tinola namn oh! Late na nga, ang tagal pang mapuno ng jeep!" naiiritang wika ko sa sarili. "Kasalanan mo yan! kahit kelan napa ka irresponsible mo talaga. Dahil sayo nadamay pa tuloy ako! palagi ka nalang late, ano bang kagagahang pinaggagagawa mo." Ani Shane, na may kasama pang pag hampas. "Wow maka palagi naman to, dalawang beses palang naman akong nalelate!" Edi sorry, sorry ha bestie, tao lang." pang aasar ko kay shane. 8 a.m na nang makarating kami sa school,may kalayuan ang Campus na pinapasukan ko. Idagdag pa rito ang kabagalan sa pag puno ng jeep, kaya ayon late kami. "Sige na Ally, mauuna na ko. Bwisit ka! Ikaw talaga, kahit kailan di kana nagbago. Nadadamay pa ko sa kagagahan mo!" imbyernang wika sakin ni bestie. Nagmamadali akong nagtatatakbo sa hallway, nagbabakasakaling maabutan ko pa ang first subject ko. Pagpasok ko ng room, nagulat ako sa biglang pag hampas ng prof ko sa table, habang naka titig sakin mula ulo hanggang paa. "Allyshia Kayne Marquez! Where have you been, bakit ka late!" tanong ng professor ko. "So-so..sorry prof, traffic lang po." Pag sisinungaling ko habang nanginginig sa takot. "Ginawa mo na namang excused yan, ok sit down! Dalawang beses kanang late, inaalagaan mo pa ba yang pag aaral mo!" panenermon ng professor ko "Ba-bakit wala pa sila prof,mas late pa yata sila kaysa sakin?" wika ko habang natatawa dahil akala ko'y magsisimula pa lang ang class sa subject ni Prof. "Sit down, at mag klase ka....mag isa mo! Katatapos lang ng class, late na late ka iha!" ani Prof habang tinatawanan ako. "Halaaaaaaa prof naman eh!" pagpapanic kong sagot sabay takbo palabas. Dali dali akong lumabas ng room para habulin ang susunod ko pang class, pawis na pawis ako habang tumatakbo. Isa ito sa major subject ko sa college. "Yes!" sigaw ko na parang baliw. "Buti nalang mahahabol ko pa second class ko hays sa wakas." pagmamalaki ko sa sarili ko. 3pm na ng matapos na ang klase ko,hinintay ko si bestie dahil sabay kaming umuuwi. "Hello bestiee kooo!" magiliw na pagbati ko sa kanya. "Oh ano na naman!" sigaw ng kaibigan ko "Hala sya,ang sungit ha? Haha! ito naman sorry na kasi, i-treat na lang kita." pang aasar na wika ko sa kanya. "Sige apology accepted, san mo ba ako ililibre?" Ani Shane,habang abot langit ang ngiti ng marinig na ililibre ko sya. "Wow beshiee, iba ka rin ha. Kapag talaga makarinig ka lang ng libre, mga galawan mo nag iiba." pang aasar ko pa "Oo na, tara na. Sa coffee shop tayo." pag-aya ko sa kanya. "Lezz gooo gurrrl hooooo!" wika sagot nya, na may kasamang pagtalon talon pa. "Wow ha ang bilis mo talaga, HAHAAH!" wika ko. Umorder na kami ng coffee,at umupo sa pinakapaborito naming spot sa coffee shop na yon para magchikahan. Habang nagkakape at nag ke-kwentuhan kami,may nakitang kaming Lalake. Grabe mukhang masarap! pogi,hot,at daddy material. Mukhang mayaman pa."Pstt! beestieee!" senyas sakin ng kaibigan ko. "Ano?" sagot ko. "Look, may hot na guy sa likod natin, shereeppp hehe!" pabirong hirit nyang may pakagat labi pa."Huy gaga! ang laswa mo talaga ha." Sagot ko na akala mo'y inosente. "Wow hiyang hiyaa ha." sagot nya habang naka taas kilay sakin na para bang hinuhusgahan ang pagkatao ko."Nasaan ba? hot? asaan?" panlalaki ng dalawang mata ko. "Oo nga no! ang hot ni kuya!" halos tumulo na ang laway ko sa pagtitig sa lalake. "Ayan tayo eh, kunwari ayaw. Pero halos hubaran na ang guy,sa mga titig mo pa lang. Iba ka rin bestieee!" biro pa ng kaibigan ko "Gaga bastos mo ha! sige na wag na puro daldal, ubusin mo na yan. Mag-gagabi na oh alas singko na besssh!" todo deny na sagot ko, kunwaring wala akong alam sa nangyayari. 5:30 p.m na, nang maka alis kami sa coffee shop. "Ay besh! mauna kana, maglalakad lakad muna ako. Ang ganda kaya ng view oh, sunset. And malamig pa!" wika ko. "Oh siya bahala ka,sige na Ally. Mauna na ako, pupunta pa pala ako sa kaklase ko, at gagawa pa kami ng project." sagot ni beshie, nagmamadali syang umalis. "Sige beshi! ingat ka ha." sigaw ko pa. "Maghahanap ka lang ng lalake dyan eh, Haha!" mapang asar na wika ni Shane.."Besh ano ba! Shut up! yuck Haha!" pandidiring sagot ko "Wow, yuck? coming from you ha." Mapang asar na wika nya. "Sira ka talaga! sige na umalis ka na nga." Biro ko pa.6 p.m na, naglalakad lakad ako habang ine-enjoy ang peace na nais ko. Gusto ko mag unwind, stress na stress na ko sa buhay ko. "Hays! malamig na simoy ng hangin, sa ilalim ng maningning na buwan. Ito ang peace na gusto ko! bilog na bilog ang buwan, hays ang ganda mo talaga Luna!" paghanga ko sa buwan na sobrang ganda. 6:30 p.m,habang naglalakad ako,may isang lakakeng bumunggo sakin. */Boogsh "Aray! What the hell, kuya tumingin ka nga sa dinaraanan mo!" sigaw ko sa sobrang inis. "Sorryy misss." Sagot nya, na para bang lasing. May malapit kasing bar, ilang lakad lang mula sa kinaroroonan ko. Nabigla ako dahil bigla syang natumba at napahiga sa kalsada, kaya tinulungan kong makatayo. "Teka nga! iinom inom kuya, tapos di mo naman pala kaya!" panenermon ko sa lalake. "Wait! hala ang pogi ni kuya, omg this is it. Ito naba ang sign lord?" kinikilig na bulong ko sa sarili ko. "Parang ito naba ang sinasabing, In Gods Perfect Time." Hirit ko pa sa sarili ko, na para bang nasisiraan na ng ulo. "Kuya naman, hala lasing nga amputa! hoy kuya! wika ko habang deep inside kinikilig ako sa sobrang perfect ng mukha ng lalake, maputi,matangkad,mabango,chinito at mukhang mayaman. Nagulat nalang ako bigla nalang syang nasuka at sa harap ko pa mismo, punong puno at basang basa ako ng suka nya. "Yuck! Kuya ano ba!" sigaw ko sabay tulak ko sa kanya sa sobrang pandidiri. "What the hell! binunggo mo na nga ko sinukahan mo pa, kadiri ka ano ba!" inis na wika ko. "Bahala ka sa buhay mo,sinira mo lang ang gabi ko! Pogi ka nga salaula ka naman hayssss, dyan kana nga!" pandidiring sigaw ko, inis na inis dahil basang basa ako ng suka nya at ang baho pa. Sa sobrang inis at galit, iniwan ko syang nakabulagta sa kalsada. Sa pag alis ko, bigla akong nakaramdam ng guilt. "Halaa! kawawa naman yung lalakeng yun,pero hindi bahala sya ang baho ko na. Aarrrgg! Hinding hindi ko makalilimutan yon!" nanggagalaiting wika ko sa aking sarili. 7:30 p.m na ng makarating ako sa bahay.Nag mukha akong basang sisiw, basang basa ng suka ang buong katawan ko. "Oh bestie? Ba't ganyan mukha mo,anyare. Ang baho mo pa para kang lumangoy sa imburnal, tyaka ano yan amoy suka ka." tanong ng kaibigan ko. "Isa isa lang, bestie pwede ba! Daming tanong ha jusko ka! Nakakabadtrip ang gabing to!" pagdadabog na sagot ko dahil sa sobrang bad trip. "Ano ba kasing nangyari?" hirit pa nya. "Mahabang kwento,maliligo muna ako! Ang baho kaya,tanong ka ng tanong. Bukas ko na ikekwento gabi na madam matulog kana!" sigaw ko."Oo na ito na, matutulog na ko,goodnight bestie! Nyehehe deserve mo yan!" pang iinis na sagot nya. "Aba aba! ikaww!" Habang naliligo,naiisip ko pa rin ang nangyari. Hindi mawala wala sa isip ko,hindi ko alam kung dahil ba sa pogi sya o dahil sa ginawa sakin ng lalakeng yon. "Ayy! kabwiset talagaa! yung peace na hinahanap ko, suka ang natagpuan ko haysssss!" nagdadabog na saad ko. 8 p.m, katatapos ko lang maligo at magbihis. Humiga na ako dahil gabi na rin, habang nakahiga na ako, pumapasok pa rin ang mga nangyari sa isip ko. Naalala ko ang hugis ng kanyang mukha at ang hubog ng kanyang katawan. "Hayyy! ano ba yan bat di pa rin mawala sa isip koooo kainissss naman oh!" naiinis na wika ko sa sarili, na may kasamang paghampas ng unan. "Pero infairness ha, ang gwapo nya. Hot at boyfriend material,kaso salaula nga lang sinukahan ako. Kapag nakita ko sya ulit talagang malalagot sya sakin! Arrgg! bwisitttt, Makatulog na nga lang!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD