Kabanata 5

1107 Words
Kabanata 5 No way! Luis POV Hindi ko talaga malaman kung sino ang anak ni daddy. E, kung makapag-alala siya sa batang babaeng iyon, parang mas naging anak pa niya iyon kaysa sa akin. E, ano naman tawag sa 'kin...ampon? Teka nga? Oo nga pala, baka anak lang ako sa labas kaya ganito ang turing ni daddy sa akin. Nakawawalang ganang mabuhay rito sa mundo! Joke lang. Tss! Bakit ko naman aalalahanin ang batang babaeng iyon? Baka pina-discharge na rin 'yon kanina at bumalik na sa bangketa. At sana hindi na magkrus ang landas naming dalawa. Dahil hindi ko na alam kung ano ang aking gagawin kung makita ko pa siya. Hindi man lang nagpasalamat sa akin, o ‘di kaya ay pinagtakpan man lang sa daddy ko. E, totoo namang tinulungan ko lang siya. Sana pala hindi ko na siya tinulungan kanina, kung ganoon lang din pala ang mapapala ko kay daddy. Ito naman si daddy, sa kahit na anong gawin ko. Puro na lang mali para sa kanya, ano baa ng problema niya sa akin? Nakababaliw talaga! Kanina pa ako rito sa fast-food at nagpapalipas ng oras. Dahil minor de edad pa nga ako ay bawal pa sa akin ang mga nakalalasing na inumin. At kahit na legal na ako'y bawal pa rin kasi may allergic ako sa alcoholic drinks. Naisipan ko namang tawagan si Pith ang aking bestbuddy. Iwan ko kung bakit hindi ko siya nahagilap kanina sa school. Baka nambabae na naman. Kaybata-bata pa, pero ang pagiging babaero na ang inaatupag. Magkasing-edad lang kami ni Pith, labing anim na taong gulang na kami pero mas matanda ako sa kanya ng dalawang buwan. Calling Pith Buddy... "Hello, Bro! Anong atin?" "Bro, samahan mo naman ako rito sa fast-food ngayon, treat ko," "Wow! Iba ka rin ‘no? 'Pag broken, fast-food?" "Anong broken? Baka gusto mo ikaw ang balian ko r'yan!" "Chill, e, bakit nga?" "Ulol! Sinabi ko na 'di ba? Puntahan mo na lang ako rito sa fast-food, sa tambayan ko." "E, bakit ka na naman nand'yan?" "Basta! Pumunta ka na lang dito, ang daming daldal." "E, bro, kasama ko kasi ngayon si Kassey, e." ("Hoy! Pith sino si Kassey?) Naririnig ko sa kabilang linya na kasama ni Pith. Patay kang bata ka. Babaero kasi! ("A-Ah Chamsill pala not Kassey. Namali lang ng pagka---aray! Aray! Cham-ahh!) ("Iyan ang nababagay sa 'yo! Break na tayo. Pith'ang ina mo!") Pinatay ko na lang ang kabilang linya dahil natatawa ako. Hindi ito ang unang beses na nangyari iyon kay Pith. E, sa rami ba naman ng chicks. Naku, Pith Noralba pa ang iyo. Tanyag na bagitong chixboy. Calling Pith Buddy... Answer   Reject Pipindutin ko na sana ang ‘Answer’ nang biglang may tumawag sa pangalan ko. "Luis, Luis." Malakas at matinis nang boses babae ang tumatawag sa akin. Kaya tinitigan ko nang maigi ang babae. At bigla akong nataranta dahil si Marella pala ito. Ang babaeng grabe ang obsession sa akin. Sheesh! Kaagad akong tumayo at nagmadaling tumakbo papalabas ng exit, habang malayo-layo pa si Marella. May oras pa akong layuan ito. ‘Pag minamalas ka nga naman oh! "Hey, Luis! W-Wait, Luis!" Nagsusumigaw na si Marella rito sa loob ng fast-food, na wari’y kami lang ang tao rito. Hindi man lang nahiya. Naku! Pinagtitinginan na kami ng mga tao ngayon. Hindi ko na hinintay pa na makalapit si Marella. At tumakbo na ako papunta sa parking lot. Kinapa ang susi sa aking bulsa at saka nagmamadaling ipasok ang susi sa sasakyan para paganahin na ang makina. Nang biglang umalingawngaw na ang sigaw ni Marella sa buong parking lot. "Luisito, my love! Wait for me, bakit mo ba ako nilalayuan? My love!" Malanding sambit pa niya sa akin. Nang mabuksan ko ang sasakyan ay kaagad akong pumasok sa loob nito at saka padabog na sinarado ko ang pinto, nakalapit pa rin siya sa may bintana nitong sasakyan, at may sinisigaw. Pero dahil tinted at soundproof ang sasakyan, hindi ko naririnig ang kanyang sigaw sa labas. Napahawak ako ng aking dibdib dahil sa labis na kaba at pagtakbo ko kanina. Walang ano-ano’y pinaharurot ko na ang sasakyan at nang nakalayo na ako sa parking lot ay roon ko na pinabagal ang aking pagpapatakbo. Itong sasakyan ang pinakauna kong natanggap. Binilhan kasi ako ni daddy nang sasakyan sa sixteen birthday ko. Student permit lang muna mayro'n ako ngayon, kaya ingat na ingat talaga ako sa aking pagpapatakbo. At sa wakas ay nakauwi na rin ako sa bahay ng ligtas. Sinalubong ako ng guard at sila na ang nagpark ng kotse ko, kaya ibinigay ko sa kanila ang susi kanina. "Good evening po, sir." Pambungad sa aking bati ni Manang Minda. "Magandang gabi rin po, Manang Minda." Walang ka gana-gana kong bati kay manang. "Oh! Matamlay ka yata ngayon, hijo, may nangyari ba?" Nag-aalalang pasaring ni manang sa akin. "Ah, wala naman po. Pagod lang po siguro. Si daddy po?" "Nasa kwarto na niya. May inaatupag na naman siguro sa laptop niya. Sinabi niya kapag dumating ka raw ay dumiretso ka na sa kusina at maghapunan. H'wag mo raw kalimutan ang gamot mo," paalala ni manang sa akin. "Salamat po, manang."            Dumiretso na nga ako sa kusina katulad ng habilin nila sa akin, tahimik lang ako na umupo at kumakain. Nakahanda na kasi rito ang pagkain para sa akin. Nang mapansin kong wala rito ang gamot ko ay tinawag ko si manang. "Manang, pakikuha naman ng gamot ko sa medicine kit ko, salamat." Utos ko. Tahimik akong kumakain at biglang pumasok sa isip ko ang batang babae. Shocks! Nanlamig ako ng maalala ko siya. Argh! Bakit ko ba kasi siya iniisip. No, no, no! Kaya nagpatuloy ako sa pagkain at itinuon ang atensiyon ko sa pagkaing nasa mesa, at nakalipas ang ilang minuto ay natapos akong kumain. Pero wala pa rin ang aking gamot kaya tinawag ko ulit si manang. "Man---." Tatawagin ko na sana si Manang nang biglang may nagsalita at nag-abot sa akin ng gamot. "Ito po, sir ang gamot," maliit at inosente ang boses na narinig ko at alam kong hindi ito si manang kaya kinuha ko ang gamot na 'di siya tinitignan, at saka ininom na ito nang biglang naisipan kung tignan kung sino ang nagbigay sa akin ng gamot. "Ikaw?" Napasigaw ako kaya nahulog ko rin ang baso. Kaya nakagawa ito ng ingay sa buong kusina. "Bakit ka nandito?" Sigaw ko sa kanya. Lumapit si manang sa amin at nagmadaling dinaluhan kami. "Manang, bakit siya nandito?" Tanong ko kay manang. "Ha? Ang daddy mo ang nagdala kay Essa rito, at dito na rin siya titira at magtatrabaho." "What? No way!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD