Acceptance 02- Verse 1 "Hanap"

2114 Words
Bakit hanap-hanap Kita Bakit hindi nagsasawa Anong nadarama, Ikaw na nga kaya? ... Hindi nga ba ako nagsasawa sa kakaisip sa kaniya? Tama ba na iniisip ko pa rin siya sa halip na kamuhian ang taong iniwan akong mag-isa? Siya na nga kaya o mas may tama pang taong handa akong ipaglaban kahit ano mang kapalit. Nga pala, nakikinig ulit ako ng music. Lunch time namin ngayon. Nagsimula na kasi ang aming seminar. First day pa lang ito ah pero andami na nilang pinapagawa at worst doon eh sa group namin ako ang leader. Ako lang naman kasi ang may voice sa kanila. Pero hindi naman The Voice Philippines to noh. Since ako ang leader eh ako iyong gagawa ng report tungkol sa isang teaching plan with our own design, tinulungan naman nila ako kaya kayang kaya ito ng ati niyo. Char! Nang biglang... "Hi! Jessy right?" Sabi ng isang tao na hindi ko kilala kaya ako napalingon sa kinaroroonan ng boses niya. Napakonot ang aking noo. Dahil Ito iyong guy na iniwan ko sa Mang Inasal yesterday. Naks nangiiwan na pala ako haha. Char!  "Huh!? Teacher ka rin? Hanep ah. What a small world." Sabi ko na parang walang ibang nangyari kahapon. Lagot. Eh sa dami dami ba naman ng guro na nandito bakit siya pa? "Wow naman, parang wala kang kasalanan sa akin kahapon ah. Mabilis kang nakakalimot noh?" Hanash nito. "Ang so much mong says, anes ba ang needs mo ditey?" Sabi ko nag gay linggo na lang ako tignan lang natin kung gano katalino ito. "Hahahaha akala mo ah hindi ko naintindihan ang ganyang lenguahe ah. Eh may utang ka pa sa akin (insert kindat mga tih) sa pagtakas mo yesterday. Di ko pa nakakalimutan iyon noh haha. Umihi lang ako saglit tapos pagbalik ko may iba ka na, hahaha de joke, umalis ka na na parang bola." Casual na sambit nito. "Teka, utang agad Sir? Naku ... Eh hindi nga tayo magkakilala kaya nagexit ako kaagad at ubos na pagkain ko noon, ano pang gagawin ko? Panoorin kita? Eno naman. Sindikato ka eh." Pangaakusa ko sa kaniya. "Ay, that's a false accusation. Pwede kitang ipakulong. (Make face be like ) Hahahaha." Tawa pa nito. "Ang daming alam. How can I make this up? Mahal na hari?" Nagbow pa ako mga tih. Eh tapangtapangan ako baka ipakulong ako day. Mawala pa lisensya ko. Eto kasing katarayan ko eh di lumulugar. Hinga lang self. "Wala, samahan mo lang ako every lunchtime and dito tayo magkikita para magkasama tayong kukuha ng pagkain." Kumindat pa ito mga dong. "Alam mo. I find you attractive . Pero suplado ka este suplada." Sabi pa niya at nagbigay ng nakakalokong tawa. "Heh! Wag ako. Ano na ulit pangalan mo sir?" Tanong ko pero naaalala ko naman.. para lang mabaling ang usapan mga tih. "Naku makakalimutin ka na talaga, paano mo matuturuan mga estudyante mo niyan?" Tanong niya. "Kien Santos ang name ko. Check mo kaya sss mo para malaman mo. I added you already yesterday night. Pero wala akong napala." Dagdag pa nito. Ayon mas nagkakakilala pa kaming dalawa. He is so fine and friendly mga tih. Tapat naman siya sa mga answers niya at isang revelation ang aking natanggap. Isa siyang bisexual. That's why, nacaught daw ang attention niya the first time he saw me. Naku, andaming alam eh iiwan din naman ako. Binanggit niya kung ilan na naging jowa niya, ayon naka 3 relationship na siya. Pero ngayon eh flirting ang inaatupag day. Ako naman siyempre shinare ko na at may matching luha mga tih, masyadong sariwa pa eh. Ikaw ba day, 3 months pa lang, sariwang sariwa. "Siya ba naging jowa mo? Eh mas lamang pa yata ako ng limang ligo dito." Wow so fresh. May bagyo yata hindi na naman nagabiso si Kuya Kim. "Mukhang mahangin dito ah, lilipat lang ako ah." Basag ko sa trip niya. "Eto naman, di mo naman sinabi na tipo mo iyong mga kulot? Tsaka maputi. Teka, Medyo mas matangkad ka ah?" Sabi pa niya habang inistalk pa mga photos ko. Teka baka kung anu-ano na ang nakikita niya ah. "Eh attracted ako sa mga kulot, maputi, at matangkad. Kaso okay na ako sa kaniya noon, noong may feelings pa ako at noong kami pa. Ngayon lang ulit ako nandiri, sobrang baba pala talaga ng ibinaba ng aking standards. Tsk." Sabi ko na lang. "Aaah.. ako? Matangkad, kulot pero hindi ako maputi. Gwapo naman. Tsk sayang lang pero may pag-asa ba ako kung sakali?" Tanong nito. Napamakeface ako day. "Mhhmmn! Bakit napaka straight forward mo? Wala man lang ba sa vocabulary mo ang mahiyain?" Tanong ko pa. "Mas mabuti ng straight forward... Nakakashock kaya. Tapos anong mali sa pagiging straight forward? Eh Kung sasabihin kong ayaw niya sayo eh ayaw niya talaga sayo... Pero yong iba marami pang alam na pakipotkipot na salita. Pffft!" Ani niya. "Huh! Talaga lang sir ah. Nagkamali pala ako." Plastic kong ngiti. "Haaayyss. Any ways..." Blahblahblah andami pa niyang sinabi gurl. Tinapos ko na ang pagkain ko. Siya naman ay dinalihan ang pagsubo. Ayon in an instant mga tih naubos niya ang pagkain niya hahaha. Tumayo na ako at sinabing nagagalak along makilala siya at dito ko na lang ukit siya makikita bukas ng lunch. Ganito ako tumutupad ng usapan, hindi kagaya niya na .... Erase erase!!! self naman. Ekis na siya. Ilang saglit lang eh tumayo na din Ito at nagsabing ihahatid na lang niya ako sa seminar room namin. For your information mga tih, ibat ibang room nakaassign ang bawat subject, this means that there's no mixed subject in a room. Napaka organize ng workshop seminar na ito, andali pang matuto pero ang inaalala ko lang ay iyong subject area ko. Ang science kasi napaka wide ng range niya, lahat ng bagay saklaw niya. Imbes kasi na biological sciences ako mapupunta eh doon pa sa physical sciences ako maaassign. Haaaaaays. Pero keri naman nakakaya naman. Etong kasama ko naman isa siyang Math major. Sa next floor pa iyong room nila. Diko nga alam kung bakit mageeffort pa to na ihatid, nakakaagaw ng pansin. Nang mapunta kami sa tapat ng aming room ay nabigla ako sa pangyayaring aking nalaman. Isa pala siyang instructor or trainor sa seminar na ito. Kaya umatras tong buntot ko mga tih. Nahihiya na ako dahil sa mga tinuran ko at mga ginawa sa kaniya eh kagalang galang ba naman siya mga tih. Hindi niya nasabi, akala ko ordinary teacher lang siya haaays. Heto naman na ako at tulala. Ako na ang magpepresent kaya naman inihahanda ko na ang aking sarili. The presentation goes well naman pero sadyang hindi ako nabackupan ng aking mga kagrupo, inamert nila mga BUANG! (Nahiya naman ako.) Huwag kang mangialam Author. Momentum ko to. Hahaha. Etong mga trainor kasi kung anu-ano ang tinatanong di ba pwedeng ipresent na lang mga tih? Nagkaroon pa ng ibang presentation ang ibang grupo at iyon. Uwian na. Habang ako ay nagliligpit sa aking gamit ay naaaninag ko na ang pigura ni sir Kien sa labas.  Naku, paano ko ba tatakasan to. Lumabas na ako at sakto namang kausap niya yong instructor namin kanina. Umiwas ako ng tingin para di magtama ang aming mga mata. Pero di ako nagtagumpay mga tih. "San ka pupunta? Ihahatid na kita. Sige sir sa susunod ulit. May pinagkakaabalahan ako ngayon." Sabay paalam sa instructor naming si Mr. Gomez at ngumiti naman ng nakakaloko ang huli. Binaling na ni sir Kien sa akin ang kaniyang attention. Nang makalayo layo kami. "Tatakasan mo pa ako ah. Tsk. Bad girl!" Sabi niya at may pangisingisi pa to. "Anong. Hindi noh! Siyempre may kausap ka. Tsaka baka sabihin pa akong feeling close sa'yo. Kaya ganoon." Sabat ko naman. Iniwas ko sa kaniya ang aking mukha baka mamula pa ako, mas mapula pa naman sa regla pag nagbablush ako. "Sus! Anyways tara sa inasal. Libre kita." Pakindat niyang offer. "May magagawa ba ako para tanggihan ka?" Sabi ko. "Wala." Simple niyang sagot. "Edi sige ... Libre naman eh noh. Tatanggihan ko ba? Hindi na siyempre." Sabi ko. "Eh... Paano kung sinabi kong libre ako? Tatanggihan mo ba ako?" Banat niya, naku nakakakilabot siya. (Arte mo gurl! Nakahain na sa'yo ang mamahaling karne an dami mo pang kaartihan. Wag ako haha.) Hay nako author ibahin mo ako char! "Aeeyyhh ... Tara na nga ang dami mo pang nalalamang banat. Hindi uubra sa akin mga iyan. Nagsawa na ako." Sabi ko. "Aysus, tignan nga natin." Nakangiti niyang tugon. "Bakit... Dinaan ka ba niya sa Pick-up lines sa mga panliligaw niya?" Dagdag niyang tanong. Nabigla naman ako. Which is true. Kaya tumango na lang ako ng bonggang bongga. "Haaays.. nauna na pala siya. Hehe. Pero di ako papayag na magpapatalo ako sa kaniyang mga banat noh.  Mas benta kaya mga Pick up lines ko. Di mo lang kasi maramdaman dahil nakasingit pa rin iyong ex mo. "Alam mo... Paano ako makakaisip ng wala siya eh pinagsisiksikan mo pangalan niya sa lahat ng galaw ko at mga ginagawa natin." Sabi ko na lang. Natahimik kaming bigla. Nakakabinging katahimikan ang nasa aming paligid. Pumara na siya ng isang taxi, pinauna niya akong sumakay. Pumunta ako sa passenger seat at siya naman sa tabi ng driver's seat. Binaybay namin ang kahabaan ng Baguio. Kahabaan ng traffic. Sa ganitong oras ay marami nang nagsisiuwian kaya umaandar ang traffic. Alam niyo na naman siguro dahil tiyak kong nakapunta na kayo dito sa Baguio. Wawa iyong hindi. Si Author di pa nakapunta kawawa talaga. Hahaha! (Ang ingay mo! Di ko na itutuloy ito) Isang taon na ang nakalipas ng makarating kami sa Mang Inasal, este ilang minuto lang naman mga tih. Pumasok na kami sa naturang restaurant charot ulit. Fast food lang mga tih. Sosyalen naman haha. Sinabing ako na lang daw ang tumingin ng mauupuhan. Sinabi ko naman ang order ko baka kasi mali ang oorderin, lam na. Pagpunta ko sa isang table na may bakanteng upuan ay napaiwas ako bigla dahil muntik akong matamaan ng balde. May waiter kasing magliligpit sana ng mga nagkainan. Nagpaumanhin naman ito at agad ko namang tinanggap, ano? Magtatantrums pa ba ako? (Nagsalita ang hindi) Hayaan niyo yang si Author an daming sinasabi. Napansin kong medyo may itsura si kuya. Matangkad, kulot at maputi. Swak sa mga katangiang hinahanap ko mga tih. Napasinghap tuloy ako. Palihim kong kinamut ang paa ko ngunit ang goal ko is amuyin si kuya na malapit naman sa tabi ko. Hindi naman ako nabigo dahil nalanghap ko ang amoy ihaw na manok, haha hindi, mabango siya parang pareho kami ng pabango. Agad kong inilabas ang aking calling card tas may inipit na pera. Landi ko. Haha. Kinindatan ko pa si kuyang waiter ah. "Eheemmn. Ibalik mo yan." Sabi ni sir Kien at pinamulatan ang waiter. "S...sosorry po sir." Sabi nito at negexit. Agad ko namang kinuha ang calling card at pasimpleng iniipit sa mga plato. Kumindat ulit ako ng bonggang bongga. "Hoy! Andito ako oh. Moment ko to." Sabi ng kasama ko. Napangiti na lang ang waiter at umalis din pagkatapos magpunas sa table. "Naku... Table ang pinapahanap ko. Hindi lalandiin." Sabi niya. Grabe naman siya. Hindi ba pwedeng maging masaya. Tsaka single ako dong. "I'm single anyway." Pangmamayabang ko. "Single pa sa ngayon. Since, nandito ako na kasama mo. Ako ngayon ang JOWA mo." Sabi niya. Tapos idinikit pa ang mukha sa akin. Napaattras ako ng kaunti. Napapakaba ako sa mga galawan niya, nandito pa kami sa public place aah. Grabe, teacher ba talaga ito? "Kku-kumain na nga lang tayo. Eto naman jowa kita agad? Di pa nga ako nagpaligaw." Sabi ko na lang. Huli na nung napagtanto ko kung ano iyong nasabi ko. "So... Let me clear things here. Magpapaligaw ka? Tama ba?" Tanong niya. "Ay naku, parang ewan ito. Lalamig na ang pagkain." Sabi ko na lang. Iiwasan ko na ang pagkadala sa dila hahaha. Nagpicture pa kami bago lantakin ang pagkain namin. Siyempre ang inorder niya ay itong paborito nang lahat PM1 unli rice. Haha. Nagpost na lang ako sa sss. "Meeting new friends, sana di mag END kagaya natin." Ito iyong kinaption ko at unang unang naglike ang kaharap ko. Pero biglang nagnotify ang aking sss. Meron daw nagcomment sa post ko. "Behind an ending is a new beginning. Sumusuko tayo kasi alam natin na may mas best pa para sa taong pinakamamahal mo." Ito ang comment ni Warren Lee. Isang minuto lang ang nakalipas ay mag nagcomment muli. "Hi, Jessie Macatunay palayain mo na siya di siya deserving para sa'yo." Comment naman ni Kien Santos LPT. Naku may sss wars pa yatang magaganap mga tih. Nagcomment ako. Siyempre. "Deserving man o hindi naging parte din siya ng buhay ko. Tsaka PALAYAIN?  Hindi ko naman siya kinukong, kinulong siya ng baluktod niyang sistema." Mahaba kong comment. Ayon na lang at nagexit na ako sa sss baka kung ano pa ang masabi ko. Nagkasama pa kami ng matagal ni Sir Kien hanggang sa maihatid niya ako sa Apartelle na tinutuluyan ko. ..... .... ... .. . . . Done! Magustuhan niyo sana ang handog kong chapter! Amwaa!

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD