“MISS Sam, totoo ba na may balak na kayong magpakasal ni Alex?” “Ano pong detalye ang gusto ninyong gawin sa kasal?” “Is it true na sa isang resort daw sa Batangas ninyo balak maghoneymoon after the wedding?” Iyan ang mga nakakalokang tanong sa akin ng mga reporters after the proposal na ginawa ni Alex sa ospital at hindi ko alam na nai-broadcast pala ang buhay pag-ibig ko. Gusto ko namang sumikat pero hindi sa ganitong sitwasyon at pagkakataon. I mean, hello! Nahihibang na ba sila?! It’s not a wedding proposal, it’s a proposal kung saan officially na kami na. As in, he’s my boyfriend and I’m his girlfriend… ‘yon lang! Ang dami nilang echos sa buhay. Alam kong trabaho nilang kalikutin ang buhay ng mga sikat na artista na katulad ni Alex but it doesn’t mean na kailangan nilang dagdagan ‘

