"MA’AM, sorry po… pero bawal po talaga kayong pumasok," pagpigil sa akin ng secretary ni Alondra dahil nagpupumilit akong pumasok sa opisina niya. "Ano ba? Bitawan mo nga ako!" pag-angal ko dahil hawak niya ‘yong braso ko. Sekretarya ba talaga 'to o wrestler? Ang sakit kasi ng pagkakahawak niya sa braso ko na parang mababali eh. "Pero, Ma'am, baka pagalitan po ako ni Miss A," takot niyang tugon. "Look, Miss, mukha ba akong masamang tao? Pumunta ako dito dahil may gusto akong sabihin diyan sa boss mo so take your hands off me," utos ko sa kanya pero nanatili pa ring nakahawak ang kamay niya sa braso ko at dire-diretso pa rin ako sa paglalakad papunta sa opisina ni Alondra. "Ma'am, hindi po talaga—" Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya nang makapasok na ako sa opisina ni Alondra. "

