"GIRL, saan mo ba talaga nakuha ‘yong s*x video ng babaeng '‘yon?" Heto na naman si Serena. Kapag may nalamang bago akong achievement na nagawa sa pagiging maldita ko ay talagang hindi ako titigilan. Papaano ba naman kasi, hindi siya matahimik no’ng ipapanood ko sa kanya ‘yong video. Ang sabi pa nga niya, hindi raw siya nakatulog after mapanood ‘yong video, sobrang weird talaga minsan ng babaeng 'to. "Somewhere out there. Huwag ka na ngang makulit at baka kapag sinabi ko sa iyo, ipagkalat mo pa!" sabi ko sa kanya. Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit naging kaibigan ang babaeng 'to. Though pareho kaming modelo, mahilig namang manghalungkat ng buhay ng iba ang isang 'to. Pero tinanggap ko na rin kasi gano’n siya, eh. Minsan nga, binibiro ko kung bakit pa siya nagmodelo at hindi na lan

