Chapter 3

948 Words
IT was ten years ago, my parents died. Ang masaklap pa, hindi ko man lang sila nakita bago pa mawala. "Sorry, Mom, hindi ako makakasama sa inyo sa airport. May photo shoot kasi ako ngayon." Kausap ko ang Mommy ko sa kabilang linya dahil papunta silang ibang bansa ngayon para sa isang business trip. "It's okay, Sam, alam ko namang sobrang busy mo," tugon ni mommy sa kabilang linya. "Ingat kayo sa biyahe, Mom, "bilin ko sa kanya. "Oh, sige… ikaw din." Magsasalita pa sana ako pero biglang may kumalabit sa 'kin sa likod. "Miss Sam, magsisimula na po ‘yong photoshoot," pag-alerto sa ‘kin ng isang staff. "Oh, sige susunod na ako," nakangiti kong tugon at muling ibinaling ang tainga ko sa phone. "Oh sige, Mom, bye na. I love you," tugon ko nang nakangiti. "Okay... ingat and I love you more, Baby." Pagkatapos no’n ibinaba ko na ‘yong phone ko. Ilang oras din ang lumipas at natapos ang photo shoot ko. Salamat sa D’yos, p’wede na rin akong umuwi. Ngunit habang nag-aayos ako ng gamit, napansin ko ‘yong phone ko na may mahigit twenty missed calls at ang nakapagtataka ay unknown number ang nakalagay. Sino naman kaya 'to? Muling nag-ring ang phone ko at agad ko namang sinagot. "Hello?" panimula ko na may halong pagtataka. "Hello… kayo po ba si Samantha Tolentino?" sabi no’ng nasa kabilang linya. "Speaking,"tugon ko. "Ma'am,kailangan 'nyo pong pumunta dito sa JCP Medical Center." Doon ay nagsimula akong kabahan. "H-Ha… b-bakit?" Nagtatalo ang pagtataka at mga tanong sa isip ko. "Ma'am, may nangyari po sa parents ninyo." Bigla akong natulala sa sinabi ng nasa kabilang linya at parang gusto kumawala ng puso ko sa kaba kaya hindi ko namalayang pumatak na pala ang phone ko sa sahig, ngunit ilang sandali lang ay bumalik ako sa ulirat at nagmadaling umalis. Kaagad akong pumara ng taxi at mabilis na inutusan ang driver na puntahan ang nasabing ospital. Halos hindi ko maihakbang ang mga paa ko sa nakikita ko. Nasa harap ako ngayon ng dalawang bangkay na may nakasaklob na puting kumot dito sa morgue. Parang hindi ako makapaniwalang wala na ang Mommy at Daddy ko. Una kong tiningnan ang bangkay na nasa kanang bahagi ko at sa pagkagulat ay naramdaman ko ang sakit na ngayon ko pa lang naranasan sa buong buhay ko. Ito ang bagay na kinatatakutan ko na hindi ko akalaing mangyayari. "Mom!" sigaw ko at napahagulhol sa pag-iyak nang makita ko ang bangkay niya. Nanghina ako habang pinagmamasdan ang walang buhay niyang katawan. Nanlamig ang buong katawan ko. Totoo ba ito? Sana isang bangungot lang ang nangyayari. Pero nang hawakan ko ang braso ng aking ina ay doon ko napagtantong wala na siya. Maya-maya lamang ay pinuntahan ko naman ang bangkay na nasa kaliwang bahagi ko at mas lalo pa akong nanlumo nang alisin ko ang kumot mula sa bangkay. "Dad!" Kitang-kita ko ang mukha ni Daddy na kalahating sunog dahilan para mapatingin ako sa itaas. Diyos ko, bakit sila pa?! Hindi ko mapigilang sisihin ang D’yos sa nangyari. Napaatras ako at napasandal sa pader, lalong umagos ang mga luha sa mga mata ko. Hindi ko alam kung kaya ko pang mabuhay nang wala sila. Napaupo ako sa sahig sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. ***** A week after mailibing ang parents ko bumalik ako sa condominium para kuhanin ang gamit ko,pero hindi pa man ako nakakalayo may biglang humarang sa ‘kin. "My condolences,"wika ng lalaking nasa harapan ko. "Salamat,"sabi ko sabay alis sa harapan niya. "Wait!"sigaw ng lalaki. "What?!" "I heard na wala ka na raw titirhan ngayon?" sabi ng lalaki. Sa totoo lang, kilala ko siya. Artista siya, e. Pero ayaw ko i-mention ang pangalan niya kasi sobrang naiinis ako sa kanya dahil sa taglay niyang kayabangan. "Ano naman ngayon sa'yo?!" mataray kong tugon. "My pad is always open for a girl like you" he said kaya bahagya akong natigilan sa sinabi niya. Patitirahin niya ako sa unit niya? Bakit? Pero sa totoo lang, wala na talaga akong pupuntahan dahil naibenta na ‘yong bahay namin simula no’ng mamatay ang mga magulang ko. "Thanks, but no thanks,"sabi ko at naglakad papalayo. Nasa lobby na ako ng condominium nang mapansin kong umuulan sa labas. "Bakit ngayon pa?" inis kong bulong sa sarili habang nakatayo at bitbit ang mga gamit. "Gabi na…" Pamilyar na boses ang bumasag ng pananahimik ko. "Saan ka sa tingin mo pupunta? At isa pa malakas ang ulan?" wika ng lalaking nasa likod ko. "It's none of your business," mataray kong tugon. "Balita ko may nagpapakita sa lobby na 'to kapag dis-oras ng gabi at wala ang mga staff," Kinilabutan ako sa sinabi niya at parang nanginig ang katawan ko nang may hanging dumampi sa balat ko. "E-eh, ano naman ngayon? Hindi ako natatakot sa kanila, ‘no?" matapang kong sagot. "Ikaw ang bahala, "sabi niya at umalis pero bago pa siya makapunta sa elevator ay biglang namatay ang mga ilaw sa lobby kaya wala akong nagawa kung ‘di tumakbo sa kinatatayuan niya. "Wait!" tawag ko sa kanya. "What?"tugon niya nang nakangiti. "Saan ba ‘yong unit mo?"tanong ko. "Akala ko ba ayaw mo?" "Ah…eh, sige na! Payag na ako," sabi ko tapos nakita ko na lang ang mukha niya na nakangiti. "Come with me," sabi niya. Pagpasok ko pa lang sa unit niya parang hindi ko alam ang mararamdan ko sa mga pictures na nakalagay sa table niya pero ang mas nakatawag pansin sa ‘kin ang ang malaking portrait na fully nude siya ang nasa larawan at tanging mga kamay niya ang nakataklob sa sensitive part niya. Napalunok ako ng laway sa pagtitig doon. He is totally hot...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD