Nagtataka man siya kung sino ang lalaking umaaresto kay Mr. Villamor ngunit, it doesn't matter anymore. Ang mahalaga, matutuldukan na ang kasamaan nito. At mabibigyan na ng hustisya ang nangyari sa kanyang kapatid, sa kanyang parents, sa kanya, at sa lahat ng mga taong inagrabyado nito. At saka niya napansin ang mga iilang kotse ng mga kapulisan na dumating. "Hayop kang animal ka. Nagkamali ka ng binangga mo. Make sure na makukulong talaga ako, dahil oras na makalaya ako, babalikan kita at ang mga magulang mo. At isasama ko na rin si Gonzales." pagbabanta ni Mr. Villamor. Tinignan niya lang si Mr. Villamor. Napangiti siya sa sinabi nitong pagbabanta. "Despite of your situation, you still have the guts to threaten me? How pathetic." madiin na sagot niya sa pagbabanta nito. Nagpumili

