Tinignan ni Luke ang kanyang sarili sa salamin matapos suotin ang black and white na combination ng suit para sa kasal ni Karen. Kagabi sya dumating sa Tagaytay upang mas less hassle sa kanya kung kanina siya nagpunta. At pagdating niya kagabi ay agad niyang ipinagpatuloy ang trabaho sa kanyang dalang laptop. At mula pagkagising kaninang umaga matapos ang almusal at pananghalian ay nakatutok pa rin siya sa kanyang ginagawang project. Napangiti siya sa kanyang nakikita sa salamin. At saka niya kinunan ang sarili ng larawan upang ipakita iyon sa kanyang nobyong si Denver sa pamamagitan ng picture message. "How do I look?" Caption sa kanyang pinadala na larawan kay Denver. At saka niya kinuha ang paboritong pabango at nag-spray sa kanyang suot. Matapos ang ilang segundo ay saka niya naram

