Patungo sila ngayon ni Warren kung saan sila magkikita ni Mr. Dominic Gonzales. Hindi niya sinabi kay Warren kung saan sila patungo. Basta sinabihan niya na lang ito na sumama sa kanya. Mahalagang nasa poder ni Mr. Gonzales si Warren dahil tiyak siyang hinahanap rin ito ng kanyang ama. "Saan ba talaga tayo pupunta?" Tanong ni Warren kay Xavier. "Sa poder ng taong ligtas ka. Hindi ka mahahanap ni dad kapag nasa kanya ka." Sagot ni Xavier habang nagmamaneho. Hindi na lang umimik pa si Warren sa sagot ni Xavier. Itinuon na lang nito ang atensyon sa harapan ng windshield ng sasakyan. Malapit na sumapit ang gabi ng mga oras na iyon. Mukhang malayo ang kanilang pupuntahan. Sa isang tagong bahay. Dumating na sina Xavier at Warren kung saan sila magkikita ni Mr. Dominic Gonzales sa isang

