William's PoV
~Kinabukasan~
The day start again gaya kahapon tumitig muna ako sa kisame bago maghanda para sa school pagkatapos kong isa-ayos ang lahat ay bumaba na ako
"Good morning dad, mom, ate"-pagbati ko sa kanila
"How's your day in school yesterday?"-dad replied
"Okay naman dad"-sagot ko at naupo na upang kumain
"Thats good"-sabi ni dad
"Good morning too"-pagbati sakin nila mommy at ate
Kumain kami ng tahimik walang nagbalak magbasag ng katahimikan, tanging ang tunog lang ng plato at kutsara ang maririnig kaya di na lang ako umimik
"Alis na po ako"-sabi ko pagkatapos kong kumain
"Ingat sa pagmamaneho"-mom replied
"I will"-I replied back
Lumabas na ako sa bahay at nagtungo na sa sasakyan ko sumakay na ako dito at nagtungo sa school
~School~
Pagkababa ko palang ay agad akong nagtungo sa aming classroom
"You're 3 mins. late"-wika ng di ko kilalang teacher
"Sorry ma'am"-agad kong tugon
"Okay, come in"-pagkasabi niya nito ay nagtungo agad ako sa upuan ko
Inayos niya ang kanyang laptop at projector, pagka-ayos niya nito ay agad nagflash ang isang utos na get ¼ sheet of paper for our post test
Agad kaming naglabas ng aming papel at sinagutan ang katanungan mula sa projector and hour passed
"Nakakapiga naman ng utak yun ha halos wala akong naintindihan sa diniscuss"-rinig kong sambit ng aking ka-klase
Di ko na ito pinansin at nagtungo nalang ako sa canteen habang nagce-cellphone dahil breaktime na pero habang nasa hallway ako tungong canteen ay ..
"Ano ba? bulag kaba? "-sigaw ng nakabangga ko
"Hayss, second day of school palang ganito na agad?"-bulong ko sa sarili ko
"Sorry di kita napansin"-mahinahon na sagot ko
"T*nga kaba o ano?"-sigaw niya ulit sakin
"Look, nagsorry na ako can't you just accept my sorry?"-tanong ko dito na medyo na-aasar na dahil sa ginagawa niyang pag-sigaw
"Ang angas mo ha sino kaba? di mo ba ako kilala?"-sigaw niya sabay tulak, wala bang may balak na umawat samin?
"I am William Jovellanos, now you know my name but not the whole me so please just accept my sorry and leave me alone"-sabi ko dito at umayos ng tindig
"F*ck you"-pagkasabi niya nito ay agad niya akong sinuntok na madali ko ring iniwasan, agad kong kinabig ang batok niya kaya napayuko siya at binigyan ko siya ng isang matinding tuhod sa tiyan kaya agad siyang napadaing sa sakit at natumba
May mga nakakita pero wala na akong pakielam sa kanila pagkatapos ko siyang mapatumba ay nagtungo na ako sa canteen upang bumili ng makakain, gaya kahapon ay ganun pa din ang binili ko pero balak kong kumain sa room kaya nagdiretso nalang ako doon
Pagkarating ko doon ay kumain na agad ako, marami na akong ka-klaseng kasama pero
"Sinong nagsabi na pwedeng kumain sa oras ng klase ko?"-sigaw ng kakapasok palang na teacher namin
"Sorry sir"-pagkasabi ko neto ay sinubo ko na lahat yung natitirang sandwich at uminom para madali ko itong malunok
"My rules is when you late, you're already absent at bawal kumain sa oras ng klase ko is that clear?"-tanong niya
"Yes sir"-sagot ng lahat maliban sakin
Gaya kanina ay post test and discussion lang ang ginawa hanggang hapon
Its already 5 p.m at oras na ng uwian namin, habang naglalakad ako sa hallway ay sinalubong ako ng lalaking naka-bangga ko kanina di tulad kanina ngayon ay may kasama na siyang dalawa
"Ayaw ko ng away"-sabi ko dito at akma ko na silang lalagpasan ng suntukin niya ako ng di ko ina-asahan at agad ako nitong tinamaan sa mukha
"Tingin mo papalagpasin ko yung ginawa mo kanina?"-sabi niya sakin
Agad nila akong pinalibutan at biglang sumuntok yung nasa harapan ko, iniwasan ko ito at sinipa ang papasugod na kasama niya mula sa likod
Sumuntok yung nasa gilid ko ngunit mabilis na iniwasan ko rin ito at dali-dali kong hinila ang kamay niya palapit sakin at sinalubong ko ito ng suntok sa sikmura, napayuko ito ngunit di ko namalayan na sumuntok na yung nasa harapan ko kaya tinamaan ako nito sa mukha
"F*ck"-sambit ko at agad din akong gumanti ng suntok sa kanya, natamaan ko siya sa mukha na agad niyang ikinatumba
Nakatayo na yung kaninang sinipa ko agad ko itong nilapitan at binigyan siya ng isang tuhod sa tiyan
Aalis na sana ako dahil mukhang wala namang nakakita pero . . .
Jzekiah21