Chapter 8

1062 Words
Sitti Juraisa's PoV Agad kong nilapitan si William ng makita kong matumba ito at tinapik sa mukha pero hindi na ito tumugon. Tingin ko ay nakatulog na agad ito "Hayss may painom-inom pa di naman makatagal"-bulong ko sa sarili ko Nagpasama pa ako sa isa sa mga waiter na agad namang tumugon. Binuhat namin ito palabas medyo mabigat siya kaya nahirapan kami. Pagkalabas ay agad kong hinanap ang sasakyan niya at ng matagpuan ito ay agad namin itong tinungo, binigyan ko ng tip ang waiter na tumulong sakin at tsaka ko siya pinaalis. Hinanap ko muna ang susi sa bulsa niya at ng matagpuan ay agad kong binuksan ang passenger seat niya at ipinasok siya doon pagkatapos ay nagtungo na rin ako sa driver seat. "Hayss sa condo ko na muna kita dadalhin tsk"-sabi ko sa kanya kahit di niya naririnig. Agad kong kinuha ang phone ko at tinawagan si papa. "Papa sa condo ko na muna ako ngayon"-paalam ko "Why? May nangyari ba?"-tanong ni papa "Nothing papa"-ako "Okay okay, akala ko naman may nangyari sayo tsk. Call me if something happen okay? Always takecare of yourself okay?"-paalala niya "Yeah dont worry papa kaya ko ang sarili ko, goodbye"-at agad na pinatay iyon Pinaandar ko na ang sasakyan at tinahak ang daan patungo sa condo ko. Medyo malapit lang ito sa school na pinapasukan namin. Ng makarating kami ay agad kong pinark ang sasakyan at ibinaba siya mula sa sasakyan. Nahihirapan kong tinungo ang elevator dahil sa kasama ko at ng makapasok ay agad kong pinindot ang floor ko at ng makarating ay tinungo namin ang unit ko at ng makapasok dito ay dali-dali ko siyang inihiga sa kwarto ko. "Ngayon mo pa naisipang uminom alam ng may pasok bukas ehh tsk"-sermon ko pa sa kanya tumalikod na ako at astang lalabas ng mapahinto nalang ako at biglang mapatingin sa kanya dahil sa biglaang paghawak niya sa kamay ko. "Sky please wag mo na ulit akong iwan dito ka nalang mahal na mahal kita"-sabi niya pa na ikinatulala ko sa kanya. Bigla niya akong hinatak kaya wala sa sariling napahiga ako sa ibabaw niya at agad niya akong niyakap ng mahigpit. "Alam kong ikaw si Sky. Masyado na kitang nami-miss kaya please wag mo na ulit akong iwan"-dagdag niya pa na labis kong ikinabigla. What does he mean? Alam na ba niya? Dahan-dahang lumuwag ang pagkakayakap niya kaya nagmadali akong tumayo at lumabas sa kwartong yun. Nagtungo ako sa sofa sa sala at naupo doon. "Tsk, tingin ko sa sofa na muna ako matutulog ngayong gabi"-bulong ko at nahiga. Nag-isip pa ako hanggang sa di ko namalayan na nakatulog na ako. William's PoV ~Kinabukasan~ Nagising ako dahil sa kakaibang amoy ng aking kwarto. Pagmulat ko ng mata ay napansin ko kaagad na hindi ito sakin. Bigla kong naalala yung panaginip ko, nakatalikod si Sky sakin pero alam kong siya yun. Hayss bat ko ba siya napapaginipan? Siguro ay ganun ko lang talaga siya ka-miss. Agad akong nagtungo sa pintuan at lumabas, agad kong napansin ang natutulog sa sofa kaya agad ko itong nilapitan. Akma ko na sana siyang gigisingin pero agad akong natigilan at tinitigan siya. "Weird, bat parang tingin ko ay matagal mo na akong kilala kaya ganyan ka kung mag-alala sakin"-pagkausap ko sa natutulog na si Juraisa. Nagtataka at nalilito pa rin ako sa ginagawa niyang pagtrato sakin pero hindi ko itatanggi na nagugustuhan ko iyon Bumalik ako sa kwarto at kinuha ang kumot doon at bumalik kung saan natutulog pa din si Juraisa. Kinumutan ko siya at nag-iwan ng note sa table at tsaka lumabas. Agad akong umuwi sa bahay, papalapit palang ako ay napansin ko ang isang van na paalis palang mula sa tapat ng gate. Pagkatapat ko sa gate ay agad akong bumaba at pumasok sa loob. Pagkabukas ko palang ng pintuan ay tumambad agad sa akin ang magulong ayos na bahay, marami dito ay basag. "Mom!! Dad!! Ate!!"-sigaw ko pero walang sumagot kahit isa Kinakabahang nagtungo ako sa kusina at tumambad sakin ang katulong namin na puno ng dugo sa katawan. Wala sa sariling dali-dali akong umakyat patungo sa kwarto ni mom and dad at nakita ko si mommy na nakadapa sa kama at may tama ng baril sa likod kaya nagmadali akong lapitan siya. "Mom! Mom! Please talk to me mom! please!"-sabi ko at pinaharap siya sakin at niyakap siya ng mahigpit. "Mommy naman, wag mo akong iwan"-wika ko habang umiiyak "Si ate, saglit lang mommy ha babalikan kita"-paalam ko pa at di siya tumutugon. Mabigat ang pakiramdam na tinalikuran si mommy at nagmadaling tumungo sa kwarto ni ate. "Ate! Ate!"-sigaw ko pagkabukas ko ng pintuan niya "W-William ikaw ba y-yan?"-nauutal pang sabi niya "Ate nasaan ka?"-sabi ko at agad itong lumabas sa ilalim ng kama at niyakap agad ako. "Ate si mommy isugod natin siya sa hospital"-sabi ko sa kanya. Agad akong tumakbo pabalik sa kwarto nila mommy at agad ko siyang binuhat palabas habang naka-alalay sakin si ate. "Open the door of my car ate"-sabi ko ng makarating kami sa harap ng sasakyan ko. Agad niya itong binuksan at agad kong isinakay si mommy sa likuran at sinara ang pintuan. Nagsisakay na kami ni ate at agad ko itong pinaandar at pinatakbo ng mabilis. Pagkarating namin sa hospital ay agad kong binuhat si mommy at ipinunta sa e.r. Inilagay siya sa stretcher at ipinasok sa loob. Mula sa pintuan ay tanaw kong pilit siyang nire-revive ng mga doctor ilang beses nila iyong ginawa hanggang sa itinigil na ito ng doctor at tumingin sa relo niya. "No, no, no, no, please doc revive her!!"-sigaw ko mula sa pintuan Lumapit sa pwesto ko ang doctor kasama ang nurse na kasama niya sa pag-asikaso sa mommy ko. "I'm so sorry pero di na siya umabot"-sabi niya "Please doc do something please"-pagmamakaawa ko sa kanya "I'm so sorry, excuse me"-sabi niya at umalis na Kita ko ng takpan nila ng kumot si mommy kasabay nun ang paghina ng tuhod ko. Agad lumapit si ate sa akin at pinaupo ako. "Ate si mommy"-humahagulgol na sabi ko kay ate.  Niyakap ako ni ate at wala sa sariling napayakap din ako kanya at hinayaan ko ang sarili kong umiyak sa balikat niya. Jzekiah21
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD